Chapter 29 Letter
"You have a very weak heart. I will not advise you to leave the country, Miss Rhoe Anne," iyon ang sinabi sa akin ng doctor na paulit-ulit kong narinig sa isipan ko.
Pero buo na ang desisyon ko at nangako ako kay Mama na hahanapin ko si Papa. I have to meet him no matter what. I want to know his whereabouts. Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya matapos nilang maghiwalay ni Mama, hinanap niya ba si Mama? Inisip niya bang nagkaanak sila? Did he really abandon us?
Huminga ako nang malalim nang makita ang nakapatong na litrato ko kasama si Mama, inilagay ko na iyon sa bag ko, pati na rin ang litrato ni Papa na ibinigay sa akin ni Mama bago siya namatay at ang ilang souvenirs na itinago niya nang nasa Japan pa sila at magkasama.
I opened my passbook, passport, some ids and all the documents needed for my whole travel. I already had plans to visit Japan but I've been busy with my career, and now that I have this vacation, I'd not let this opportunity to slip away.
Huli kong inalagay sa bag ko ang ballpen at ang maliit kong notebook. I promised myself that I'd write my every adventure inside my small notebook.
Hila ko na ang maleta ko palabas ng apartment ko nang buksan ko ang pinto, and there, my friend, Nore since I was in high school gave me her tightest hug. Nangingilid pa ang mga luha niya at ilang beses minumura ang pangalan ni Sarah. She might have heard the news.
That the wife of my boss hysterically pulled my hair in public and accused me of being her husband's mistress, she had her photograph of us in the smoking area when the boss was privately talking with me about my issues with Sarah. And those photographs were professionally taken as if my boss and I really have an affair. But in the end, I was proven innocent with the help of my officemates that testified to the false allegation.
Akala siguro ni Sarah ay magagawa niyang ibato sa akin ang kasalanan niya pero marami nang mga mata ang nakakakita sa kanila at sa kanya itinuturo ang lahat.
I resigned after that day. Luckily, I have some friends who stood up for me, one of them was a lawyer who took the initiatives to face those foolish couple. Atty. Sarmiento handled everything, hindi na niya ako hinayaan pang humarap sa mga taong alam niyang higit na magpapabigat sa pakiramdam ko.
"Impaktang Sarah talaga iyon! Wala ba talaga siyang ibang ginawa kundi guluhin ang buhay mo?! How could she—" hinawakan ko na ang kamay ni Nore at mariin ko siyang pinakatitigan. Hindi ko na gustong alalahanin pa ang nangyari sa dati kong trabaho.
"You were framed! Dapat ay nagsampa ka na ng kaso sa pagpapahiya nila sa 'yo! The wife of your boss! Your fucking boss! At ang totoong kabit na si Sarah!" halos sabunutan ni Nore ang kanyang sarili sa nakikita niyang reaksyon sa akin.
"Dapat ay matuto nang leksyon iyang si Sarah!"
Halos mangatal ang buong katawan ko habang naririnig ang pangalan ng babaeng iyon. I almost beg Nore to stop mentioning her name in front of my face. At higit pa sa galit ang siyang nararamdaman ko sa mga oras na ito, kaya nais ko na lang lumayo.
"Rhoe Anne naman. . . why are you so kind?" nangangatal na rin ang mga labi ni Nore dahil sa gigil at galit. Mas mariin kong hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Ikaw na rin ang nagsabi sa akin Nore that I am this kind, kahit kailan ay hindi ko hinayaang mamayani ang galit sa akin. No matter how hard they tried to make my life miserable, I always want to brush it off or ignore it. Dahil alam ko sa sarili kong walang mangyayaring maganda sa akin kung higit kong papansinin ang katulad ni Sarah na may matinding galit at inggit sa akin. I am trying to run off, not because I am coward but I am afraid of the things that I might have done to strike back. . ." inalalayan na ako ni Nore papasok sa apartment ko hanggang sa kapwa na kami naupo.
BINABASA MO ANG
Summer Trap (Matsumoto Series 2)
RomanceI wish I'd known what I did last summer with you. . .