Chapter 25 Dream
September 10, 2022
Kyoto, Japan
Fushimi Inari TaishaI was unconsciously biting the tip of my fingers as I continued to scroll down my old website.
"Shit."
Nangangatal ang isa kong kamay habang hawak ang mouse. At tila nagkaroon ng matinding init mula sa liwanag ng monitor ng laptop ko, dahil hindi lang ang tindi ng tibok ng puso ko ang higit kong nararamdaman sa mga oras na iyon, kundi pati na rin ang pag-init ng pisngi ko at lalong sumasakit na ulo.
My old name, Rowing Anne was all ruined. Iyong ilang taon kong pinaghirapan ay basta na lang ibinasura ng babaeng iyon.
I worked hard with this name. I've written tons of stories and poems under this name, but when Sarah stole it and claimed it as hers, I never tried to visit my own website again.
Sa lahat ng pang-aabuso nila sa akin ni Tita Kiana, sumuko na akong lumaban sa kanila at hindi ko na sinubukang bawiin pa ang pangalang iyon, pero ngayong nakita ko na naman?
Gusto kong maiyak at magsisigaw sa galit.
Sinabi ko na lang sa sarili ko na tanging alaala na lang ang pangalang iyon sa akin, pero ngayon na muli kong binuksan iyon, halos lalong kumulo ang dugo ko sa ginawa ni Sarah.
After my hit book was first published, and she published two more books na hindi naging mabenta tulad nang una, hindi na niya pinagpatuloy ang pagsusulat sa website ko. It was like a dumpsite filled with unauthorized links na maaari pang maka-perwisyo ng tao.
Pagkatapos niyang pakinabangan ang pangalan ko ay agad niya iyong binitawan na tila isang basura. I tried to read some comments at hindi iilang mga mambabasa ang nagku-kumento na biglang nagbago ang paraan ng pagsusulat ni Rowing Anne, and they preferred her old writing style.
I am sure that if those readers were my readers since then, they would immediately recognize our difference. Ibang-iba ang paraan ng pagsusulat namin ni Sarah at kailanman ay hindi iyon napagkamalang sa iisang kamay nanggaling.
And I don't think it's easy for someone to copy another writer's writing style, dahil sa huli, lalabas at lalabas pa rin ang paraan ng pagsusulat mo kung saan ka kumportable. Sarah might have successfully stolen my name and fame, but she will never have my ability.
Nangangatal ang kamay ko sa mouse habang nag-scroll sa bawat comments ng readers, at ang iba pa ay walang pakundangan sinasagot ni Sarah na parang walang utang na loob sa mga mambabasa.
"Bastos talaga!"
Mariin akong napapikit at kapwa kumuyom ang mga kamay ko.
What the hell is wrong with her? Bakit ganito na lang ang pagkaseryoso niya sa mga bagay na nakukuha ko? As if she's really obsessed with everything that I have.
Marahas kong pinunasan ang takas na luha sa aking mga mata. Hanggang saan, Sarah? Bakit hindi mo ako tantanan? Ibinagsak mo na ang pangalang ilang taon kong pinaghirapan. Ano pa ang kailangan mo sa akin?
***
Hindi na humupa ang init ng ulo ko kay Sarah dahil sa ginawa niya sa pangalan ko na ngayon ko lang nalaman. Minsan ay naiisip ko na lang kung gaano ka-kapal ang mukha niya na humarap sa akin sa kabila nang lahat ng ginawa niya sa akin simula ng bata pa kami.
Kaya nang pumasok na siya sa opisina (and she was late pero okay lang dahil kabit siya ng boss namin), agad kong kinuha ang tasa ng kape at napahigop na lang ako. Akala ko ay ako lang ang may ideya ng relasyon nila ng boss namin, pero mukhang may pakpak talaga ang balita, dahil madalas na akong nakakarinig ng usapan tungkol sa relasyon nila.
BINABASA MO ANG
Summer Trap (Matsumoto Series 2)
RomanceI wish I'd known what I did last summer with you. . .