AN/ Hi! This is VentreCanard! I will have my first book signing event this coming April 30, 2023 at Robinsons Galleria Atrium. I hope to see you there <3
For more information, you can follow my Facebook account and Popfictions books. Thank you!Chapter 18 Second Lead
August 30, 2022
Komeda's Coffee
It was our coffee break. Nadia and I were inside the pantry when Sarah offered breads for everyone. Dahil mahilig sa libre ang lahat, halos maubos ang tinapay niyang inalok at mukhang iyon talaga ang gusto niyang mangyari.
She wants to create her own circle.
"Rhoe Anne," bati niya sa akin.
Wala pa rin pinagbago si Sarah, sa halos isang taon namin na hindi pagkikita, she still has that haughty air around her. She has that undying confidence that sometimes were out of the line.
When people asked me about her, since we shared the same middle name, I didn't hide my disinterest with her. Kaya nang marinig ng lahat na binati ako ni Sarah sa gitna nilang lahat, biglang nalipat ang atensyon nila sa akin.
I know that Sarah's already aware of the way I wanted to treat her— a simple co-worker. Kung maaari nga ay hindi ko na nais pang magkaroon ng kaunting batian sa kanya. I'm fine with a work-related conversation with her. Pero mukhang hindi magiging kuntento roon si Sarah. Mukhang hindi pa siya tapos sa akin at sa bawat titig niya sa akin, nakakaramdam na ako nang hindi maganda.
Si Nadia na ang sumiko sa akin nang mapansin niyang nakatitig lang ako kay Sarah.
Tipid akong tumango sa kanya. Sa kaunting ginawa kong iyon, ramdam ko ang tindi ng sikip ng dibdib ko dahil sa kanya. How could she act like that to someone she tried to ruin? Masaya na akong nakalaya sa kanilang mag-ina pero ano na naman ang kailangan niya sa akin?
She can apply to any companies in this country pero bakit nakikipagsiksikan pa siya kung saan naroon ako?
Ramdam ko ang pangangatal ng kamay ko habang hawak ang kape ko. I had this urge to splatter it on her face, pero alam kong kapag ginawa ko iyon ay pagsisisihan ko rin iyon.
Hindi ko gustong makipag-plastikan sa kanya kaya agad kong inubos ang aking kape bago bumalik sa lamesa ko.
Sumunod na rin si Nadia sa akin. She looked concerned because she could see it through my eyes that Sarah's existence made me uncomfortable.
Nagtaka pa nga ako nang i-hire siya dahil ang balita ko ay hindi naman tumatanggap ang kumpanyang ito ng magkamag-anak lalo na kung nasa iisang department. I am starting to think that Sarah always has her ways.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nadia.
Hindi ko na sinalubong ang mga mata niya at nagkunwari na akong abala sa laptop ko.
I thought everything would be fine, but here we go again.
***
Ramdam ko ang bigat ng trabaho namin nitong nakaraang araw, hindi lang ako kundi maging ang mga kasamahan ko ay puro overtime na para lang matapos ang trabaho namin.
"You shouldn't abuse yourself, Rhoe Anne. Umuwi ka na kaya?" sabi sa akin ni Nadia na nag-aayos na rin pauwi.
"Kaunti na lang ito."
Akala ko ay makakauwi na nga agad ako katulad nang sinabi ko kay Nadia pero hindi ko na namalayan ang oras. It was almost 11PM when I turned off my laptop.
BINABASA MO ANG
Summer Trap (Matsumoto Series 2)
RomanceI wish I'd known what I did last summer with you. . .