Chapter 21

5.1K 429 52
                                    

Dedicated to: Ellestell Hayiro

Chapter 21 Lie

September 7, 2022
Gujo Hachiman Castle

Kousuke and I booked a hotel that night. Even without Kousuke's confirmation, I knew that he was trying to avoid getting back to his home near my hotel.

Nag-aabang pa sa kanya roon ang kanyang mga kamag-anak? Maayos na ba ang lahat o nasa gitna pa rin siya ng problema?

But I should know better than to ask him these questions, of course, he wasn't fine. Sa paraan pa lang ng pagpapakita sa kanya ng mga pinsan niya ng gabing iyon ay hindi na maganda at ang ilang araw niyang pagkawala.

Hindi na ako magugulat kapag nalaman kong tumakas siya mula sa pamilya niya at kasalukuyan na siyang pinaghahanap ng mga ito. Kaya ba nagtatanong na siya sa akin kung kailan ako uuwi?

Should we get back to the Philippines as soon as possible? Kaya ko na bang iwan ang dahilan kung bakit ako narito?

I tried to ask him more about the details, but Kousuke's not willing to share me more of his problem about his family and I respected that. Dahil maging ako ay hindi pa rin naman ganoon kabukas para pag-usapan ang pangyayari sa buhay ko.

I glanced at the handsome boy beside me.

He was still asleep. He looked innocently handsome and curled under that thick white blanket. He looked too handsome and perfect. He has this clear skin that every woman would envy.

Mapapaisip na lang ako kung magkano ba ang skin care ng isang Kousuke Matsumoto. Mas makinis pa siya sa akin! Nasisiguro ko na sa sandaling dalhin ko siya sa pinas ay pagtitinginan siya ng mga tao dahil sa kinis ng mukha niya.

Si Kousuke kasi ang tipo ng guwapo na sa isang tingin lang ay salitang guwapo na talaga ang iisipin pa. He doesn't need a second glance for the confirmation, but a second glance for that someone to enjoy the view again.

Habang pinagmamasdan ko siya ay napansin kong may hikaw ang isa niyang tainga. Was it there all along?

Saglit kong inalala ang tainga ni Kousuke nitong nakaraan pero wala naman akong matandaan na may hikaw na siya. It's just a small black ring type earring on his right ear.

Bad boy lang?

Kung sabagay, my first impression of Kousuke Matsumoto was someone who's too cold. Pero nang makasama ko siya nang ilang araw, he's like a playboy, but as time goes by I just realized that he's sweet, kind and soft. He's an ideal boyfriend that would give you smiles in the morning and different types of cries at night.

Natawa ako sa iinisip ko.

Kousuke and I booked a small room. Sinabi niya na kung puwede ay siya roon sa may pader dahil baka mahulog siya, that made me laugh. Sometimes he asked some innocent things na makakagulat na lang sa akin.

He's really unpredictable.

Nakayakap na siya ngayon sa unan habang nakaupo na ako sa kama.

What's good about Kousuke Matsumoto? He's a good sleeper. Ang bilis niyang makatulog at tulog mantika rin siya. Siya ang laging nauunang matulog at huling nagigising.

Basically he loves sleeping, iyon din naman ang sabi niya sa akin kapag wala daw siyang ginagawa ay madalas siyang natutulog at naglalaro ng online game.

I kissed his forehead before I took my small notebook and started to write some ideas for my new novel. Ilang beses pa akong napapalingon kay Kousuke sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko pero kapag titingnan ko naman ay mahimbing pa rin siyang natutulog.

Summer Trap (Matsumoto Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon