Chapter 11: Picture Frame
Ohira Friendly Park
Kani-Shi Gifu
August 22, 2022Malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Tita Kiana.
"Anong klase pinsan ka naman, Rhoe Anne! Ano itong pinagsasabi mo kay Sarah!"
Hindi agad ako makapagsalita habang hawak ang pisngi ko. Pinipilit kong hindi umiyak pero kusang tumutulo ang luha ko. Dapat pala ay nakinig na lang ako kay Nore. I shouldn't have concern myself with Sarah anymore.
Dapat ay nagbulag-bulagan na lang ako, siguro ay hindi na naman ako mahaharap sa ganitong sitwasyon. Ang nais ko lang naman ay tumulong kay Sarah para hindi na lumala ang sitwasyon niya at hindi na iyon maging problema ng kanyang mga magulang, pero mukhang ito na naman ang sasapitin ko.
"Sinasabi niyang nakikipaglandian ako sa bagong teacher, Mama! At I am sure siya iyong nagkakalat ng balitang iyon sa lahat! Magpinsan tayo, Rhoe Anne! Kinupkop ka nila Mama at Papa pero bakit ganito ang igaganti mo sa amin? Sinisiraan mo ako sa school! Ang taas pa naman ng tingin nilang lahat sa akin! Napaka-inggetera mo talaga kahit kailan!" galit na galit na sigaw sa akin ni Sarah.
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, gusto kong mangatwiran ngunit alam ko sa sarili kong hindi iyon tatanggapin ng dalawang nasa harapan ko. Simula pa lang ay sarado na ang isipan nila sa akin at ang lahat ng gawin ko ay mali sa kanilang mga mata.
Ang tangi ko lang nagawa ay yumuko at umiyak habang pinauulanan nila ako ng mga masasakit na salita.
My teenage years was like a hell, at hindi lang iilang beses akong nagdarasal na sana ay higit na bumilis ang oras at dumating na ako sa hustong gulang para makalaya na sa kanila.
***
"You will never forget it. I mean. . . we will never forget it."
I arched one of my brows as I playfully pushed his hand away from me. I gazed at him mockingly as I raised my head up high and tip-toed a little to come closer to him.
"Hmm. . ." I dramtically swayed my hair before I walked pass him. Sinadya ko pang bahagyang sumayad ang braso ko sa kanya bago ako tuluyang mauna sa kanya sa paglalakad.
He huffed in disbelief as I giggled when I walked away from him.
"Wow," he said.
"Come on. Walk quickly, Kousuke!" tawag ko sa kanya nang lumingon ako sa kanya pabalik na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya at nakasunod lang ng tanaw sa akin.
Malayo ang mas malalim na ilog doon sa pinaglagyan namin ng gamit nahirapan pa kami ni Kousuke sa paglalakad, dahil na rin sa matalas at naglalakihang bato.
We're a little bit careful. Dahil sa sandaling madulas kami, siguradong masasaktan talaga kami.
"Careful, Rhoe Anne! We're getting there, you know. . ."
Dahil nasa unahan niya ako naririnig ko ang iba't ibang ekspresyon niya sa tuwing muntik na akong madulas.
Hahakbang na sana ulit ako nang bigla akong napatili nang dumulas ang paa ko.
"S-Shit! Rhoe Anne!"
Pero agad ko rin nabalanse ang sarili ko at napigilan ko ang tuluyan kong pagbagsak. Ilang beses na yata akong nakarinig ng mura mula kay Kousuke kaya hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.
"Kousuke! What's wrong with you? I am okay. In Philippines I do hiking as well."
Para siyang walang narinig sa sinabi ko dahil nakakunot na ang noo niya at malalaki na ang hakbang niya para makalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Summer Trap (Matsumoto Series 2)
RomanceI wish I'd known what I did last summer with you. . .