Chapter 15 Seal
August 29, 2022
Kamono ParkToday is my graduation day. It was supposed to be a special day of my life, since this would be another stepping stone for my life's journey. I even had numbers of award that should be celebrated. Pero ang tangi ko lang nagawa ay pilit na ngumiti sa gitna ng napakalakas na ingay ng lahat ng mga taong nakapaligid sa akin.
Everyone's celebrating with their family. Habang ako ay kundi pa naawa ang adviser ay walang lalapit sa akin para isabit ang medalya ko.
Aunt Kiana was there, but she wouldn't even move an inch to make an effort for me. Isa pa, hindi siya papayagan ng anak niyang si Sarah dahil mas gusto lagi nitong nagmumuka akong kawawa.
"You should have told me! Edi sana si Mama ang nagsabit sa 'yo," nanlilisik na naman ang mga mata sa akin ni Nore.
"It's okay. Naroon naman si ma'am para sabitan ako."
"Kahit na!"
Nore invited me to celebrate with her family pero tumanggi na ako. Masyado na akong nahihiya sa pamilya niya. They've been kind and generous to me, lagi na lang akong sabit sa kahit anong okasyon nila. They should celebrate just within their family as well. Isa pa, hindi na rin maganda ang pakiramdam ko kaya mas gusto ko nang magpahinga sa bahay.
Pero nang sandaling umuwi na ako, napabuga na lang ako ng hangin.
Hindi man lang nagsabi sa akin sina Tita Kiana at Sarah na aalis sila. Ilang beses na nilang ginagawa iyon sa akin, kaya naghihintay na lang ako sa labas ng bahay habang makauwi sila.
Siguro ay lumipas na ang apat na oras ay hindi pa rin sila dumadating. Ilang lamok na yata ang nakakagat sa akin hanggang sa makarinig ako ng tunog ng motor. It could be my uncle's motorcycle.
Pero ibang naka-motorsiklo ang dumating. A delivery man!
"Ano po iyon?" agad akong kinabahan dahil wala naman akong pera. Kapag tinanggihan ko naman ito, siguradong magagalit sina Sarah at Tita Kiana sa akin at sisihin ako kung bakit hindi ko agad kinuha.
"Sino dito si Rhoe Anne—" hindi pa man nababasa ang buong pangalan ko ay agad ko nang itinuro ang sarili ko.
"Ako po iyon! Ano po iyan?"
"Ikaw?"
Tumango ako. Bumalik ang delivery man sa malaking kahapon na nakapatong sa likuran ng motor niya at binuksan niya iyon, nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko.
It's a huge bouquet of flower. Mas malaki pa sa mga natatanggap ko mula sa mga manliligaw ko.
"Kanino po galing iyan?"
"Walang nagalagay, hija."
"Wala pong bayad iyan? Sigurado?"
"Oo, basta pirmahan mo lang ito."
Ang tangi ko lang natandaan ay ang maliit na card na may note na 'happy graduation'
***
Hindi na nasundan ang lakad namin ni Kousuke matapos naming pumunta sa Diamond Beach, Fukui. He even asked me permission if he could be absent to our gala for three days. I told him that it's not mandatory for him to ask me, dahil buhay niya naman iyon at hindi ko naman siya pinapa-sweldo.
Isa pa, my initial plan was to travel alone and discover how Japan works, ang nangyari ay nagkaroon ako ng libre tour guide, minsan ay nakakahalik pa ako.
BINABASA MO ANG
Summer Trap (Matsumoto Series 2)
RomanceI wish I'd known what I did last summer with you. . .