Dedicated to: Denden Vallejos Madueno
Chapter 24 Happy Ending
I thought that Kousuke and I would book another hotel for us to spend the night, but he decided to drive home, even though it would take almost six hours.
"Are you sure, Kousuke? Would it give you a hard time? We can book and drive tomorrow—" hinawakan na niya ang kamay ko.
"It's okay. I know that you'll be more comfortable inside your own hotel."
"But you will drive—"
"It's okay, Rhoe Anne. I love driving."
Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya pero wala naman akong mapagpilian dahil mukhang buo na ang desisyon niyang magdrive nang ganoon katagal. Saan pa kaya kukuha ng lakas si Kousuke? That extreme rides, endless walking and adventurous attraction would exhaust someone's energy.
Nakakunot na ang noo ko habang pinagmamasdan si Kousuke na tahimik na nagda-drive. Bahagya na nga akong nakasandal sa bintana habang pinapanuod siya.
"I hope everything about us does not fade, Kousuke. That everything about us will last not just this summer. . ."
Akala ko ay ngiti ang unang isasalubong sa akin ni Kousuke, pero nang saglit siyang lumingon agad kong napansin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"It's not summer already. It's already September."
Ngumuso ako sa sinabi niya. Sumandal na ako sa upuan ko at tinanaw ko ang kalangitan mula sa nakasaradong bintana ng sasakyan niya. The forecast said that this year's weather is quite unusual. Masyadong late ang pagpapalit ng season kaya kahit September ay mainit pa.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot ang pangamba. What will happen when the weather started to change? Mawawala na ba ang init na lagi kong nararamdaman kasama siya?
Why I suddenly felt like I have this invisible kind of deadline?
Bumuntonghininga na ako at muli akong humilig sa bintana at binigyan ng pansin ang nagda-drive na Kousuke Matsumoto. Dahil hapon na nang umalis kami ni Kousuke sa Fuji-Q Highlands, nagsisimula na rin dumilim sa daan, lalo na nang dumaan kahit sa isang makipot na daan na punung-puno ng nakakatakot na uri ng puno.
It was like those kinds of trees in horror films or fantasy films where the heroine is being chased by villains. Kusa ko na lang nayakap ang sarili ko habang hinahaplos ang magkabilang braso ko.
Nang mapansin iyon ni Kousuke ay agad niyang itinaas ang aircon ng sasakyan. "Is it cold?"
Tumango ako. "This place feels so heavy," nasabi ko na lang.
Buhay naman ang mga punong nadadaanan namin pero kung titingnan ay parang walang buhay iyon— napakalungkot.
"This is the suicide forest, Rhoe Anne."
Agad akong napalingon sa kanya. I am already aware of the high rate of suicide in this country, pero wala sa isip kong puntahan iyong lugar kung saan ginagawa iyon ng mga tao.
"So. . . those white ropes. . ."
Tumango sa akin si Kousuke. "Ropes of those people who chose to end their life, at first they are trying to tie ropes as a guide for them to come back, but if they really lose their will to continue living and return home, they would stop tying those ropes and let themselves be eaten by the forest."
Napatulala na lang ako sa malawak na kagubatan na dinadaanan namin ni Kousuke.
"There's also this long rope which will serve as a guide or a trail that will lead them to return, but they don't want to continue living, they just need to let go of the rope," paliwanag ni Kousuke.
BINABASA MO ANG
Summer Trap (Matsumoto Series 2)
RomanceI wish I'd known what I did last summer with you. . .