Chapter 23

4.5K 394 51
                                    

Dedicated to: Shanethel Cyd Anneliese Gualin

Chapter 23 Whys

September 8, 2022
Fuji-Q Highlands

Nang maramdaman ko ang matinding takot ng babae sa likuran namin ni Kousuke, mas higit ko rin naramdaman ang pagsisisi na nagyaya ako rito sa lugar na ito.

Bakit ko nga ba naisip na pumasok dito, gayong inaatake na naman ako ng aking mga halusinasyon?

This horror hospital would not do good with my condition. Dapat ko bang sabihin kay Kousuke na umalis na rin kami? But that would make him worry, at iyon ang bagay na hindi ko nais gawin sa kanya.

I have this feeling that I've been giving Kousuke frustration because of my unstable health.

Huminga ako nang malalim habang nasa pila pa rin kami ni Kousuke. Pinisil niya iyon at tipid siyang ngumiti sa akin.

"Are you okay?"

Tumango ako sa kanya. Hindi ko mapigilan mapanguso habang pinagmamasdan si Kousuke sa dilim. How could he look handsome with or without lights?

Iyong malambot at magaang ngiti ni Kousuke sa akin ay agad napalitan nang muli siyang lumingon sa likuran na parang may mga tao pa roon na nakasunod sa amin. Sinunod ko ang tingin niya at pansin ko na saglit dumaan ang kanyang mga mata sa dinaanan ng babae at lalaki kanina.

I could sense his irritation.

Kung si Kousuke ay tila uminit ang ulo sa reaksyon ng dalawang lumabas sa horror hospital, ako naman ay pagtataka. While did she suddenly acted like that? Parang takot na takot ang babae habang ang boyfriend niya naman ay litong-lito sa kanya. He even glanced at Kousuke na parang naghahanap siya ng bagay na dapat ikatakot sa katabi ko.

Nang mapansin ni Kousuke na nakasunod ang mga ko sa tinitingnan niya ay agad niyang kinuha ang atensyon ko. He pulled me closer and gave me a soft kiss on my forehead. Tipid akong napangiti at napahawak sa aking noo.

"What was that all about?"

"Can't I kiss my girlfriend's forehead?"

Hinampas ko na ang braso niya. "Let's go. We're already moving."

Kousuke chuckled. At sinundan na namin iyong pila dahil naiiwanan na kami. We were still walking in the aisle between hospital curtains, those transparent plastic curtains that I usually see in ICU. Dahil sa sobrang dilim tanging anino lang ang nakikita ko sa likuran ng clear na kurtina. I had this urge to open each curtain, but the hospital guide wearing the lab gown warned us not to touch anything.

Isa-isa na kaming pinapasok sa nakahilerang kuwarto na siyang aming dinadaanan. Pinaghahawi pa nga kami ng nakalab gown na babae.

When Kousuke and I entered the room, we were welcomed by a small room. May mababang upuang gawa sa kahoy, may lumang tv, at nagkalat ng mga kahon at papeles.

"Wow," iyon na lang ang nasabi ko.

Dahil sa unang kuwarto pa lang ay hahanga na talaga ako sa effort ng Japan para lang higit na magmukhang nakakatakot at abandonadong hospital ito. From the eerie lighting, the stumbled things, the dusts, the creepy televisions, the hand writings on the pieces of papers on the floor, the old shelves, and even the unstable ceiling.

Hindi lang takot sa paligid ang marararamdaman kundi paghanga, every detail of this room scream of efforts of this country. Para talaga kaming nasa loob ng kuwarto na may taong pilit tumakas sa kanyang tinatakbuhan.

As I writer, I could pictures numbers of scenes in this small room. Kaya iba talaga kapag nakakarating sa iba't ibang lugar ang mga manunulat na katulad ko, it would not entertain and ease us but it would give us tons of inspirations to write.

Summer Trap (Matsumoto Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon