Chapter 14 Old Man
Diamond Beach Fukui
August 24, 2022Hindi na ako nagulat nang malaman ni Tita Kiana ang nangyari sa school kanina. She's already informed about my latest news and once that Sarah's not happy about it, Auntie Kiana's going to do her job for me not to feel any good.
Though, having a suitor was not a good news or an achievement for me. Pero alam ko nang hindi iyon magugustuhan ni Sarah. Dahil gusto ni Sarah ay nasa kanya ang lahat ng atensyon.
"Ano itong nababalitaan ko na lumalandi ka sa school, Rhoe Anne?" tanong ni Tita Kiana habang nasa hapagkaininan na kami.
Tumaas ang kilay sa akin ni Sarah. Habang si tito naman ay nagbibingi-bingihan na lang sa lahat ng naririnig niyang pang-iinsulto sa akin ng kanyang mag-ina.
He was kind and he treated me better than my real relatives, pero iba pa rin ang takot niya sa kanyang mag-ina. Sila pa rin ang siyang nasusunod.
"Hindi po iyon totoo. Wala pa po sa isip ko ang magboyfriend."
"Sigurado ka ba? Tuwang-tuwa ka pa nga nang bigyan ka ng bulaklak ni Karl."
Nag-angat na ako ng tingin kay Sarah. "Hindi pa ganoon kababa ang kaligayahan ko, Sarah. Mas masaya pa ako na may nakukuha akong magandang grado at oportunidad galing sa iba't ibang school dahil sa paghihirap ko. Iyon ang nagpapasaya sa akin. Tita Kiana, huwag po kayong mag-alala. Wala pa sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend."
"Dapat lang. Paano kung mabuntis ka agad? Kargo ka pa rin ng pamilyang ito? Kaunting kahihiyan naman sa amin, Rhoe Anne."
"Opo, tita."
Huminga na lang ako nang malalim at pilit na lang nilasahan ang mga pagkain sa lamesa. At hinayaan si Tita Kiana sa kanyang hindi matapos-tapos na sermon niya sa akin.
***
"How about we elope, Rhoe Anne?"
Agad akong napalingon sa kanya sa tanong niyang iyon. "What? Are you kidding?"
Tama baa ng pagkakarinig ko sa tanong niya? He was asking a marriage? Nababaliw na ba si Kousuke?
Umiling siya sa akin. "I am serious. We can get married. It is easy to get married in this country."
Natawa ako sa sinabi niya. "Marriage is not a joke, Kousuke. And you shouldn't just offer it out of whim."
"Hmm?"
Hindi na namin itinuloy pumila roon ni Kousuke sa ibaba para magpa-picture sa gitna ng maraming sunflower.
"I told you, Mr. Matsumoto. If you have a problem with your family don't use me to rebel against them."
Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Kumain lang kami ng ice cream ni Kousuke bago namin napagpasiyahan na umuwi na.
"They will not do anything against you, Rhoe Anne. Don't worry."
Ako naman ang umiling sa kanya. "That's not the point. Why don't you tell them straight? Maybe they will listen to you."
"They didn't even give Seiji a chance to explain. There is no difference if I try."
Napatitig na lang ako kay Kousuke. Talaga ba na ganito ang pamilya ng mga hapon? Or maybe because he's a part of an influential family. Pero kahit na, moderno na ang mundo. Uso pa rin talaga ang fixed marriage?
"Where are we going tomorrow?"
"Diamond Beach, Fukui."
"Oh? Are we going to swim again?"
BINABASA MO ANG
Summer Trap (Matsumoto Series 2)
RomanceI wish I'd known what I did last summer with you. . .