"Alia, you're getting messages."
Nanlaki ang mga mata ko at agad tumakbo para agawin ang phone ko mula kay Seven. He looked at me suspiciously. Kalalabas ko lang ng banyo nang makita ko siyang hawak ang phone ko. May nakita ba siya? Wala naman siguro ano? He didn't look bothered by it.
Lumayo ako sa kanya at umupo sa may working desk ko para patagong tingnan ang messages. Roxanne just added me in a group chat. Group chat iyon ng mga kaklase namin noong highschool. Nagpaplano sila ng reunion kaya in-add niya ako roon.
Hindi naman ako pupunta.
Dalawang linggo na akong nagtu-tutor sa kapatid ni Rox na si Rania. Dalawang beses na rin kami nagkikita ni Roxanne. Tuwing nariyan siya, hindi ako mapakali, at mukhang natutuwa siyang makita ang reaksyon ko.
Saturday ngayon at makikita ko ulit siya bukas. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko dahil nanginginig pa rin ang mga kamay ko kapag malapit siya sa akin.
Tumingin ako sa group chat. They were all acting friendly. Ano ang kapalit nito?
'@Alonia, hindi ka ba pupunta?'
'Oo nga! Punta ka, Alia! Ang tagal ka na naming hindi nakikita :D'
'Nasa Manila ka lang diba? Pumunta ka okay? Hindi complete ang reunion kapag wala ka.'
'HAHAHAHAHAHAHAH GAGO'
'Bakit? Totoo naman ah HAHAHA kulang ng maganda dun pag wala si Alia <3'
'HAHAHJASJSDHJADSHJAHA OO NGA NAMAN'
"Is everything okay?"
Tinago ko kaagad ang phone ko at ngumiti kay Seven. "Ah, matulog ka na. Marami pa akong tatapusin."
"Don't stay up too late." Pinatakan niya ako ng halik sa labi bago siya humiga sa kama ko. Nawala ang ngiti ko nang hindi na niya ako nakikita.
I put the group chat on mute at sinubukang mag-focus sa trabaho. Halos wala na akong tulog noong mga nakaraang linggo. Ang dami ko lang iniisip dahil ang daming nangyayari. Iyong kay Mama... Iyong kay Roxanne... tapos 'yong bills ko sa apartment. Pinoproblema ko rin si Seven dahil nahihiya ako sa kanya tuwing nakikihati siya sa bills ko.
Tinapos ko na lang muna lahat ng kailangan ko sa school at sa trabaho. Pagtingin ko sa bintana ay sumisikat na ang araw. May tutor pa ako kaya naligo na ako at nag-ayos ng gamit. Maaga akong umalis at hindi na hinintay magising si Seven dahil baka malaman niyang hindi ako natulog. Ayaw ko ring ihatid niya ako dahil may training pa siya.
Ayaw gumalaw ng mga paa ko nang bumukas ang elevator. Huminga ako nang malalim at pumasok na sa malaking condo nina Roxanne. Sinalubong ako ng house helper nila at hinatid ako sa study room. Naroon na si Rania na nanonood ng TV.
"Hello..." bati ko sa kanya.
"Ugh, it's too early!" reklamo niya kaagad pero umupo pa rin siya roon para simulan na ang tutor. "Here's my assignment. You do it." Binato niya sa gawi ko ang notebook.
Ngumiti na lang ako sa kanya at pinulot ang notebook. "Hindi pwede 'yon sabi ng Mommy mo. Kailangan mong matuto nito..."
"We're paying you right?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Yes. To tutor," paglinaw ko sa kanya. "Napag-usapan na natin 'to last week. Hindi 'to gagana sa akin, Rania. Now, listen..."
Umirap siya at bored na lang na nakinig sa akin. Mabuti na lang ay matalino naman siyang bata kaya nakukuha niya kaagad. Tinatamad lang talaga siya kaya kailangan ko siyang pilitin. Habang pinapagsagot ko siya ng assignment niya ay bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence i...