"Mom? Dad? Are you not going to say anything?"
Hindi ako makapagsalita dahil naiilang ako! Kailangan ba ay narito ako? Usapang pamilya na 'ata 'to! Ang tagal nilang tahimik. Gusto ko na ngang magsalita pero ayaw ko namang makisali dahil labas naman ako sa kung ano man ang magiging desisyon nila. Move out pa lang naman ang pinaalam ni Seven, hindi 'yong live in! Sana ay hindi na niya muna i-mention.
"Eli?" Tumingin ang Daddy ni Seven kay Tita na nakaawang ang labi at mukhang gulat pa rin sa sinabi ni Seven. "Elyse," tawag ulit ni Tito.
"Oh... Uh..." Mukhang natauhan ang Mommy niya at umiwas ng tingin. "Kiel... Go to your room first, honey. We'll just talk," sabi niya.
Napasimangot si Kiel dahil mukhang gustong sumali sa usapan pero wala na siyang choice kung hindi umalis. Pakiramdam ko tuloy kailangan ko ring umalis. Tatayo na sana ako pero hinawakan ni Seven ang kamay ko sa ilalim ng lamesa, mukhang sinasabihan akong manatili sa tabi niya.
I noticed his hand was trembling. Napatingin ulit ako sa kanya at pinagmasdan siya. He looked so nervous but he was trying to look calm. Okay... I should stay beside him. Nanatili ako sa upuan ko. Sumeryoso bigla ang paligid habang nagpupunas ng labi ang Mommy niya gamit ang table napkin.
"Mom?" tanong ulit ni Seven, hinihintay ang sagot. Napayuko na lang ako sa kamay ni Seven na nakahawak sa kamay ko.
"No."
Napaangat bigla ang tingin ko nang marinig ang sagot ng Mommy niya. Mukhang seryoso si Tita habang nakaiwas ng tingin kay Seven. Kumunot naman ang noo ni Seven at humigpit ang hawak sa akin. Mukhang nagulat din ang Daddy niya at naguluhan.
"Can I ask why?" Mas lalong sumeryoso ang tono ni Seven. The gentle look in his eyes faded. He looked... disappointed.
His mom stayed quiet, staring at the plate, mukhang umiiwas nga ng tingin kay Seven. Pinabalik-balik ni Tito ang tingin sa kanilang dalawa bago siya ngumiti nang alanganin sa amin.
"Ah... Mami-miss ka lang ng Mommy mo, Seven, kaya-"
"Mom... Answer, please," sabi ulit ni Seven. Natahimik ulit ang Daddy niya at mukhang may sinasabi kay Tita, mukhang inaaya niyang mag-usap muna sila pero umiling lang si Tita. "No reason?"
"I just don't want to." Tumayo si Tita, mukhang aalis na sa dining table.
"What? Mawawalan ba ng mag-aayos dito sa bahay, Mom? Is that it? Is that my role here? Because everything will be a mess without me?" Nahugot ko ang hininga ko nang magsalita si Seven. Natigilan din ang Mommy niya at nanatili sa dining.
"That's not it..." Umiling si Tita.
"Then what? What's so wrong about moving out? I'm getting tired too, Mom." Seven sounded exhausted. Nag-alala tuloy ako at pinisil ang kamay niya para pakalmahin siya.
Hindi siya 'yong tipong tumataas ang boses kapag nagagalit, pero alam mong galit siya kahit kalmado siya dahil sa mga mata niya. At alam kong nagagalit na siya kahit pinipigilan niya.
"I just don't want you out of my sight. Is that wrong?" His mom finally answered.
"Mom, I'm not a child. I'm turning twenty-two in two months," pakikipagtalo ni Seven.
"Seven, mag-uusap muna kami ng Mommy mo." Tumayo si Tito at hinawakan ang kamay ng Mommy ni Seven para hatakin na paalis sa dining.
"Mom, Dad... Don't run away from me."
"Hindi sa ganoon, Seven. Kailangan n'yo lang muna kumalma pareho-"
"Dad... For Pete's sake, I'm just asking to move out. Why is that such a hard topic? It's not like I'm migrating to another country." Lumalabas na ang frustration sa boses ni Seven. Napamasahe siya ng sentido niya at bumuntong-hininga. "I'm sorry. I am not mad. I just don't understand why. At least make me understand because I think the reason just boils down to my role here... The one responsible for everything that's happening in the house."
BINABASA MO ANG
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence i...