"Alia... Please. Let's talk first, please."
Kinuyom ko ang kamao ko, pinipigilan ang sarili kong lumingon. Paakyat na ako sa apartment ko nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Natigilan ako, naluluha na ulit. Yumuko ako, dinadama ang hawak niya. Nanginginig ang mga kamay niya.
"Ano pa ang pag-uusapan, Seven?" tanong ko habang nakatalikod sa kanya. "Hindi ko na kayang tingnan ka nang hindi nako-konsensya..."
"It wasn't your fault, Alia, please. It's my fault. It's all my fault. Don't leave, please..." pagmamakaawa niya. "Can you at least look at me?"
Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanya sa may hagdanan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumuluha na siya sa harapan ko. Pinunasan niya ang luha niya gamit ang likod ng isa niyang kamay habang ang isa ay nakahawak pa rin sa akin, ayaw akong bitawan. Pakiramdam niya siguro ay kapag binitawan niya ako, aalis ako at iyon na ang huli naming pag-uusap.
"I'm sorry... I'm sorry, I was just... I..." He was breathing heavily, and I started to get worried. "I just wanted to help..."
"Bakit, Seven? Sino ka ba para akuin lahat ng problema ko?" nanginginig ang boses ko.
"I know, I'm sorry. I'm so sorry, please..." Hindi na siya nagrason at paulit-ulit na lang humingi ng tawad sa harapan ko.
"Seven... Ang laking pera noon. Iyong six hundred thousand... Binayaran mo ba 'yon?" paglilinaw ko.
Tumango siya sa akin at yumuko, hindi na makatingin pero ayaw pa rin bitawan ang kamay ko.
"Bakit?" Tumulo na ulit ang luha ko kaya tumingala ako para pigilan ang mga susunod. "Hindi ko ginusto 'to... Hindi ito 'yong gusto kong mangyari. Ang dami na ngang nagsasabing ginagamit lang kita. Ang dami na ngang nagtataka kung bakit mo ako pinatulan... Ang dami nang nagsasabing hindi ako 'yong taong para sa 'yo kasi nasa taas ka habang nasa baba lang ako... At dahil dito... Mas lalo lang akong napapaisip kung ganoon ba talaga 'tong relasyong 'to."
"You only went to that reunion because they were blackmailing you over that six hundred thousand loan..." He tried to explain. "I couldn't stand the thought of you going through all of that again, so... I made sure they'd never have anything to use against you anymore. Now, you won't have to see them again, and you won't have to suffer..."
"Problema ko 'to, Seven..." Humikbi ako.
"But this was never supposed to be your problem!" he said, frustrated. "The five million, the six hundred thousand... none of that was ever your debt to begin with. Watching you take on more and more jobs, pushing yourself to the brink, and sacrificing your health just to shoulder that weight—I couldn't stand it. Alia, I love you... and I can't bear to see you suffer because of that money."
Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala. "Bakit ganoon? Ang dali sa 'yo, Seven..." Tuloy-tuloy lang tumutulo ang luha ko. "Ang dali-dali sa 'yong maglabas ng ganoon kalaking pera. Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ko kapag binabagsakan mo ako ng ganoon kalaking pera? Mas nararamdaman ko lang na ang taas-taas mo, Seven... At dito lang ako... Kinakain na ako ng konsensya ko... ng insecurities ko... at pagod na pagod na ako."
Wala naman akong magagawa kung hindi magpakahirap para sa ganoong pera. Wala akong choice. Mahihirapan at mahihirapan ako dahil hindi naman kami mayaman. Ano pa ba ang gagawin ko kung hindi maghanap nang maghanap ng trabaho para makabayad? Iyon ang dapat gawin kung ayaw kong makulong ang nanay ko at mamatay ang tatay ko.
I didn't have an easy way out. Wala akong safety net para mamuhay nang madali.
"Problema 'yon ng pamilya ko Seven... At hindi mo kailangang problemahin 'yon, lalo na kung pamilya mo mismo ang naagrabyado." Napatakip ako sa mukha ko, hindi na mapigilan ang mga hikbi. "Ngayon tuloy... Hindi ko na alam kung paano ka haharapin... lalo na ang pamilya mo... Ano na lang ang iisipin ng magulang mo sa akin? Na pinagbabayad kita ng mga utang ng pamilya ko? Na pineperahan kita? Parang pinatunayan ko lang lahat ng sinasabi ng mga tao..."

BINABASA MO ANG
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence i...