TRIGGER WARNING!! CONTENT: SUICIDAL, SELF-HARM. PLEASE SKIP IF YOU ARE UNCOMFORTABLE ALREADY.
---
NAKANGITI AKONG bumangon, hindi ko alam ngunit parang ang sarap ng tulog ko. Napatingin ako sa oras, it's still 4 am in the morning, may 1 hour pa ako bago pumunta sa trabaho. Nag shower muna ako bago bumaba, naisip ko bigla si Mommy kaya nag luto ako ng marami. Pambawi na rin dahil sa nangyari kahapon."Ma'am, tulungan na po kita diyan." Usal ng kasambahay at lumapit saakin. Si Manang Perla.
"No need po, I can do this. Lulutuan ko po si Mommy," I said and smiled at her. Ngumiti naman siya saakin and stared at me gently.
"Ang swerte talaga ng Mommy mo sa iyo," hinaplos niya ang aking likod.
"Napaka swerte ngunit hindi man lang nito makita."
Malungkot ko lang siyang nginitian, "It's okay po, soon makukuha ko rin ang loob niya."
Si Manang Perla ay kasambahay na namin mula nu'ng bata pa lang ako. She was always there when I needed someone the most, lalo na't iyong mga araw na palaging nag-aaway sina Mommy at Daddy, alam din nito ang pag aakto ko kay Mommy.
"Oh siya sige, doon lang ako sa backyard, maaga kong papakainin iyong mga alaga natin, kung kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako, ha?" Tumango lamang ako kaya lumakad na ito paalis. Nag simula na ulit akong mag luto.
I was really enjoying the music in my head. Hindi kasi mahilig sa music si Mommy kaya baka mapagalitan ako kapag nag music, mahilig naman akong mag headset kaso na sa taas, tinatamad na akong kunin.
How funny, a woman who's already 24 can't even decide on her own. How funny, Ysana. Kahit kailan ay takot na takot pa rin akong mag kamali sa harap ng ina.
Mas niramihan ko pa ang luto at inilagay ito sa dalawang baunan. This is for Seven, nangako na ako rito na babawi ako. Speaking of him, hindi ko alam ang isasagot sa sinabi nito... It's still too early for him to feel that romantically, maybe he just like me because I was so kind to him.
"Done," I said as I look at the table. Hindi naman masyadong marami talaga ang niluto ko, sakto lang para sa tatlong tao, I want manang Perla to join us, since tatlo lang naman kami ngayon na nandito sa bahay, there's no other maid here dahil ayaw ni Mommy ng maraming tao, we have manong Renz naman na driver namin but naka off duty siya ngayon. Subrang ayos ng pagkakalagay ko, I even placed the fork and spoon carefully beside the plate. Ayukong magkamali ngayong araw sa harap ni Mommy.
My lips form a smile when I heard my Mom's foot steps. Papalapit na ito, I fix my hair and force my lips to smile more widely. Perfect.
"Good morning, Mom." I greeted. Kaagad napawi ang ngiti ko sa labi nang makita ang itsura niya. Puyat ito, nangingitim ang ibaba ng mata at medyo mugto rin ang mata na halatang umiyak ito kagabi bago matulog, magulo rin ang buhok niya at kahit medyo malayo siya ay napansin ko ang galos sa pisnge nito naparabang kinalmot ng kuko.
What happened...
"I-I cook for us. Have a sit, Mom, I cook this." I said, I choose to ignore it. I can't bare to ask her what happened.
"What are you doing here?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kaniya, wala itong kung anong emosyon sa mukha at napakalamig ng boses.
"I-I..." I sighed before forcing my lips to smile para pagaanin ang loob nito. "What do you mean po? Umuuwi naman ako here after my work pag weekdays, sa weekend lang ako umuuwi ng apartment---"

BINABASA MO ANG
His Dangerous Obsession
RomanceShe only cares for him because he is her patient, but who whould think that the care she shows will leads to dangerous. And now she doesn't know how to escape his obsession, HIS DANGEROUS OBSESSION.