Chapter 7

224 9 0
                                    

WARNING: R18+

NAPABUNTONG HININGA muli ako habang nakatitig sa kawalan. I can't focus, lumilipad sa kung saan saan ang utak ko. Kahapon pa since Seven escape, huli naming pagkikita ay iyong tinabig nito ang kamay ko, akala ko ay babalik kaagad siya pagkatapos o kaya pupunta na naman siya sa bahay namin na madalas niyang gawin but he never did.

One day na ang nakalipas, pinapahanap na siya ng kaniyang ama. Isa pa ito, naghahalo halo na ang iniisip ko, some part of me doesn't want to believe sa kung ano mang lumalabas sa bibig ni Mr. Villapuerte, nakita kong may mga pasa ang mukha niya na alam ko kung sino ang may gawa.

"Here," biglang abot saakin ni Sebastian ng starbucks. Yeah right, he's here with me. "Any news about that guy?"

I sighed at umiling iling. Nagtatakha na rin ako saang lupalop iyong lalaking iyon nag s-stay ngayon. Kung nakakakain ba siya sa tamang oras, nakakainom ba siya ng vitamins niya o may tinitirhan ba siya ngayon. Fuck, hindi ko maiwasang mag alala.

"Don't stress yourself too much, tatanda ka ng maaga niyan sige ka." May tunog na pananakot ang boses ni Sebastian, napangiti naman ako at napa iling iling, kahit kailan talaga hindi ko ito makausap ng matino.

"So, what's your plan about that guy?" Tanong nito na kanina ko pa rin tinatanong sa Sarili. I really don't know what to do, para akong masisiraan ng bait nito lalo na't parang kalmado lamang sina panot sa pagkawala ni Seven, some doctors told me hindi naman na raw bago itong pagkawala niya, madalas nga raw ay naabot ng 3 days ang pagkawala nito but that can't just stop me from overthinking.

"Kung hindi pa siya babalik ngayong gabi or bukas, ako na mismo hahanap sa kaniya." Desidido kong usal. Nakatitig naman saakin si Sebastian na parang tanga, kinunotan ko lang ito ng nuo.

He smiled, "He's so lucky to have you." madamdaming usal niya na mas lalo lamang ikinakunot ng nuo ko.

"Huh?" umiling iling lamang ito bago tumayo.

"Wala... Sige na, I need to go." Tumingin siya sa kaniyang relo, "Tapos na breaktime."

Napatango naman ako bago nagpaalam sa kaniya. He came here to visit auntie, nagpalipas lang talaga ito ng oras dito dahil mukha na raw akong masisiraan ng bait sa itsura kong ito.

Napabuntong hininga ako bago binisita ang iba pang pasyente, Seven is not just the only patient I have but hindi ko pa rin maiwasang isipin siya.

Where the hell are you, Seven?

"Ay Ms. Lavende! Pwede bang makisuyo?" nagmamadaling lumapit saakin ang isang babae na sa palagay ko ay doctor. Dala nito ang isang folder.

"I really need to use bathroom right now, pwede mo bang ihatid ito sa office ni Mr. Nicolai?" hindi pa nga ako nakatango ay pinahawak na kaagad saakin ang folder at nag mamadaling umalis patungog cr.

Napairap naman ako bago tinignan ang dala dalang folder, tinignan ko ito ang it's one of the patient's files lang pala. Napbuntong hininga muli ako bago naglakad patungo sa office ni panot. Kumatok ako ng tatlong beses ngunit wala akong marinig na tugon sa loob, should I enter na ba?

Nagkibit balikat na lamang ako bago pumasok, it's not my first time entering this office but hindi pa rin nawawala ang pagka creepy ng office na ito. Bukod sa hindi ko na nga bet itong theme ng office niya, nakasarado pa ang kurtina.

Walang tao, wala si panot kaya dumiretso na ako sa table niya at nilapag iyon, akmang aalis na sana nu'ng bigla nalamang na hagip sa mga mata ko ang isang kahon, kumunot ang aking nuo nu'ng may nakasulat sa kahon na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Dangerous ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon