"WAIT HERE," Usal ko ng makalabas kami sa hospital, nakita ko ang pagkunot nuo ni Seven at ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko.
"What? Where are you going?"
"Babalik muna ako sa loob, magpapaalam lang ako kina Otip." Pinisil ko ang kamay nito para pagaanin ang loob.
"I'll go with you—"
"No!" pareho kaming nagulat sa pag sigaw ko, kaagad akong napaiwas ng tingin at tumikhim. "I-I mean.. no... Mabilis lang naman ako kaya dito ka muna, okay?" I gently touched his face na alam kong gustong gusto nito, napapikit ito bago tumango.
"Be quick."
Iniwan ko ito sa gilid ng cafe, katabi lang din naman sa hospital. Nang makarating sa room ng madre ay nakita ko kaagad ang mga ito, Otip was sitting beside sister Nara. Pareho itong napatingin saakin kaya ngumiti ako.
"Ate!" kaagad kong ginulo ang buhok ni Otip. Napatingin ako kay sister Nara nu'ng patingin tingin siya sa pinto na para bang may inaantay na pumasok.
"Hindi po siya papasok." Nagkasalubong kaagad ang mga titig namin, mabilis itong napaiwas ng tingin saakin. I really need to know something.
"Are you okay na po ba?"
Tumango ito, "Salamat iha."
"Can I ask you something?" I asked, mas lalo itong umiwas ng tingin saakin na parang alam na kung anong itatanong ko. "How did you know him po?"
"I-I..." ilang segundo itong natahimik kaya bumuntong hininga na lamang ako.
"Sister nanay? Bakit po kayo namumutla?" nag aalalang usal ni Otip. I guess wrong timing ang pag tanong ko, advice pa naman kanina ni doc Ralf na 'wag masyadong ma i-stress ang pasyente.
"A-Ayos lang ako, Otip..."
"Saang kumbento po kayo?" Magalang na usal ko, I need to know kahit ito lang to contact her again.
"St. Thomas street xxx po!" Magiliw na usal ni Otip. Napangiti naman ako, thanks Otip!
"Otip..." parang hindi makapaniwalang usal naman ng madre.
"Thank you, Otip." Thank gosh this kid is a yapper.
"Madidischarge na rin po kayo later, should I wait po ba para mahatid ko na po kayo?" I asked, mabilis namang umiling saakin ang madre at hinawakan ang kamay ko.
"Salamat iha, marami kanang naitulong saamin, kaya na namin ito, salamat."
Napangiti naman ako, "Well then, i'll go na po. Seven is waiting for me." Bahagya akong yumuko bago lumakad palabas ngunit tinawag muli ako ng madre.
"Iha! Please... Take care of him..." She weakly smiled, kahit nagtatakha ay mabilis akong tumango bago lumabas. So she really knows him.
Ang daming gumugulo sa isip ko. Should I inform Migz about this? Nasaakin pa rin naman ang contact niya pero ang problema lang ay si Seven. He's been following me around kaya talagang malalaman niya kapag kinontact ko si Migz. Parang hindi pa naman maganda ang samahan nila.
Bumalik muli kami sa market dahil nandu'n ang kotse ko. We also brought some groceries na rin.
When we came back at my condo ay agad kong nilagay sa refrigerator ang mga foods. I felt Seven's arms wrap on my waist, parang nagsitayuan ang mga balahibo ko when I felt him sniffing my neck.
"W-Wait..." humarap ako sa kaniya habang hawak pa rin ako nito. Our eyes met, he's smiling while looking at me gently. Para namang may humaplos sa puso ko sa paraan ng pagtitig nito saakin.
BINABASA MO ANG
His Dangerous Obsession
RomanceShe was only supposed to care for him as his psychiatric nurse, but the lines blur when her kindness becomes the only light in his dark world. What began as simple compassion soon spirals into something twisted and terrifying. He mistakes her care f...
