KABANATA 13

3.7K 156 3
                                    

New Passcode

×××

“Hoy ano’ng passcode ko?”

Nailayo na lang ni Natalia ang phone sa tainga dahil sa pasigaw na bungad sa kaniya ni Treyton; 'pag sagot niya ng telepono. Parang sandaling namintig ang tainga niya dahil doon. Hindi niya naman kasi inakala na tungkol pala sa passcode ang itinawag nito. Kamuntikan niya na ngang makalimutan ang tungkol doon dahil sa pagiging busy niya.

“Huh?” pa-inosenteng tanong pabalik ni Natalia.

She was dying to see Treyton’s face right now. Mukhang ngayon lang nito sinubukang i-enter ang passcode nito sa pintuan. Siguradong gulat na gulat ito nang hindi mabuksan ang sariling pinto.

“Natalia... What the hell did you do to my door? What's my new f*cking passcode?” frustrate na sigaw pa nito mula sa kabilang linya na tuluyang nakapagpa halakhak kay Natalia sa isipan niya.

“Passcode mo tapos sa akin mo tinatanong...” pigil ang pagtawa ni Natalia. Kinakagat niya pa ang labi upang hindi mapakawalan ang tawang kanina pa naglalaro sa isip niya.

“Natalia...”

“Hay oo na... Ang bago mong passcode ay syempre naman... Birthday ng fiancee mo. Good luck Treyton.”

“What?”

Naririnig pa ni Natalia na may sinasabi si Treyton mula sa kabilang linya pero agad na niyang pinatay ang telepono para mas lalo pa itong asarin. 

Nang maputol na ang tawag ay tsaka siya hagalpak ng tawa. Sa sobrang pagtawa ay parang sasabog ang tiyan niya sa sakit. May ilang butil pa nga ng luha ang tumulo sa kaniyang mga mata. Iyon siguro ang tinatawag nilang tears of joy.

----- × -----

“F*ck kailan ba ang birthday ng babaeng iyon?” Treyton’s cursed.

Kung hindi sana niya ibinigay dito ang passcode ay hindi nito iyon mapapalitan. Siguro dapat ay mag upgrade na siya ng lock. Iyong kailangan ng dumaan sa security agency bago ka makapagpalit ng passcode. Para naman maiwasan na ang ganito. Dahil kahit sinong may access ng passcode niya ay magagawa iyong palitan. Baka dumating ang araw ay mapilitan pa siyang matulog sa bangketa dahil doon.

Inis na minasahe ni Treyton ang sentido. Naalala niyang tingnan ang social media account ni Natalia. Malamang ay naroon nakasulat ang birthday nito.

At sinimulan nga niyang i-type ang pangalan ng babae. Hindi pa nga pala sila friends nito. At dahil doon ay limited lang ang pwede niyang makita sa profile nito. So it was no use to him. Kailangan niyo talaga itong puntahan. It was six in the afternoon kaya naman siguradong nasa bahay na ito.

Dahil walang choice ay nag byahe kaagad si Treyton patungo sa bahay nina Natalia. Hindi rin naman siya makakapasok sa sariling condo kaya kahit ayaw niya pa sanang makita ang dalaga ay wala siyang pagpipilian.

Kung bakit naman kasi napaka pakialamalera nito e.

But he must be thanking her for taking care of him. Hindi pa siya nakapagpapasalamat sa ginawa nito nung isang araw. Although it was not that big ay alam niyang nag effort naman ito kaya dapat lang na mag thank you parin siya dito.

Nang maalala niya ang nangyari ay biglang pumasok sa isip niya si Meanne. Ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kaniya. Mukhang galit parin ito dahil sa ginawa niya doon sa restaurant kung saan nagkita sila ni Natalia.

Kagagaling niya lang sa banyo nun nang mapagawi ang tingin niya sa direksyon kung nasaan nakita niyang nakikipagkwentuhan si Natalia sa isang lalaki. And seeing her smiling at that guy, at that time ay tila nagkaroon ng sariling isip ang mga paa niya. Kusa iyong gumalaw at lumakad patungo sa pwesto ng dalawa. And without having a control on his own body ay nakisali siya sa moment ng mga ito.

Since buong maghapon siyang inasar ng dalaga ay naisip niyang asarin din ito. Obvious naman kasing espesyal dito ang lalaking kasama kaya naisipan niyang medyo guluhin sila. Without thinking straight ay umarte siyang parang totoong fiancee ng babae. Only to eat his own medicine afterwards. Nang sabihin kasi Natalia ang tungkol kay Meanne ay tsaka niya lang naalala na kasama niya nga pala ito nang oras na iyon. Too late dahil nakita at talaga namang nagalit ito sa ginawa niya.

“Ah, nandiyan po ba si Natalia?” tanong ni Treyton sa katulong na nagbukas ng gate para sa kaniya.

Dahil nakilala siya kaagd nito ay pinapasok siya nito. “Nasa kwarto niya. Puntahan mo nalang ijo.” Tatalikod na sana ang katulong pero agad itong pinigil ni Treyton. Mabilis siyang tumakbo patungo sa harapan nito.

Kung ito na lang kasi ang tatanungin niya tungkol sa birthday ni Natalia ay hindi na niya kailangan pang makita ang dalaga. Not now, since wala pa siya sa mood na makita ito.

“Ah, manang. Pwede po ba akong magtanong? Uhmmm... Alam ninyo po ba kung kailan ang birthday ni Natalia?”

“Ang birthday ni Natalia?”

“Opo sana...” Nahihiyang napakamot ng ulo si Treyton. Since it was his first time na magtanong ng birthday ng ibang tao ay para siyang nahihiya sa ginawa niya.

“Ay oo nga pala. Mabuti at nabanggit mo. Malapit na nga pala ang birthday ng batang iyon. Pero alam mo, hindi kasi gusto ni Natalia ng mga surprises e. Simula nung umalis ang mommy niya ay hindi na niya sini-celebrate ang birthday niya. Pero teka─ hindi ba't fiancee ka niya? Bakit hindi mo alam ang birthday niya?”

“Ah kasi po─ ayaw rin kasing ipaalam ni Natalia sa'kin.” pagsisinungaling ni Treyton. Wala na siyang maisip na idahilan sa kausap kundi iyon e. “Teka po. Umalis ang mommy niya?”

Umalis? Iniwan ba ito ng mommy nito?

Doon lang na-realize ni Treyton na wala nga pala siyang kaalam-alam tungkol sa dalaga. Alam niyang wala siyang karapatan na alamin ang mga tungkol dito dahil wala namang tunay na namamagitan sa kanila pero since magiging mag-asawa rin sila soon ay dapat naman sigurong mas makilala niya pa ito. Gusto niya rin namang malaman kung anong klase ng babae ba ito, lalo pa't tila gustong-gusto ito ng lolo niya.

“So bakit gusto ninyo siya para sa akin, samantalang iyong girlfriend ko na matagal ko ng kasama ay hindi ninyo man lang sinubukang kilalaning mabuti para sa akin? This is so unfair Grandpa!”

Aba’t sinisigawan mo ba akong bata ka?”

Sinisigawan ko kayo dahil gusto kong ipaliwanag ninyo sa akin ang bagay na iyon. Gusto ko kayong maintindihan!” Frustrate na ginulo ni Treyton ang buhok.

Mula sa labas ng bintana ay natanawan niyang nakikipaglaro si Natalia sa mga batang anak ng trabahador sa mansion. Para rin itong batang nakikipaghabulan at nakikipagtawanan sa mga ito na animo’y matagal na nitong ginagawa iyon kasama ng mga bata.

Nang mapansin ng grandpa niya ang pagtitig niya sa dalaga ay lumapit ito sa kaniya atsaka siya inakbayan. “See that? She’s natural ijo.”

Hindi naman porket hindi mahilig sa mga bata si Meanne ay hindi na ito karapat-dapat sa kaniya.

But Natalia is kind. Nakita niya iyon gamit ang sariling mga mata nang alagaan siya nito nung may sakit siya. Although wala naman itong responsibilid na gawin iyon ay ginawa pa rin nito. Kung tutuusin ay ayaw pa nga nito sa kaniya pero pinili pa rin nitong alagaan siya.

Unlike his own girlfriend. Kahit kasi alam nitong may sakit siya ay hindi man lang ito bumisita. Hindi man lang ba ito nag-aalala?

Pero bakit si Natalia?

HOURGLASS 1: Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon