| First Love |
×××
Nabigla pa si Natalia nang maabutan niya si Treyton na naghihintay sa kaniya sa labas ng comfort room. Nakasandal ito sa pader habang nakapamulsa at nakatingin sa kaniya ng masama. Mayamaya pa'y bahagya nitong ibinaba ang tingin sa kaniyang labi at tsaka naiiling na napangisi, na akala mo'y hindi makapaniwala sa nakita.
“Wow. Talagang naghugas ka pa ng labi ah,” ani Treyton.
“Eh kasi naman, nadapuan ng basura e.” Pairap na sagot naman dito ni Natalia. Pagkatapos niya itong irapan ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Pero hindi pa man siya nakakalayo ay naramdaman niya na ang palad ni Treyton na pumigil muli sa kaniya. Mariin nitong hinawakan ang braso niya at pilit na pinaharap.
“Hindi ba’t ikaw itong may idea sa prenuptial na ’to? Bakit nag-iinarte ka ngayon ha?” mariing tanong ni Treyton. Ramdam ni Natalia ang galit nito, pero wala siyang pakialam doon.
Is it about her washing her lips? Ano bang problema nito? Natapakan niya ba ang pride nito dahil sa ginawa niya?
Ibig matawa ni Natalia sa ikinikilos ng binata. Akala mo naman kasi'y may karapatan itong makaramdam ng ganoon.
“Excuse me? Nag-iinarte? Yeah right. This pictorial, it was my idea. But that kiss? Wala iyon sa usapan natin. So why did you do it?” tanong niya pabalik sa binata.
Tila natigilan naman si Treyton dahil sa sinabi niya. Naramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya. Nang pakawalan nito ang braso niya ay nagulat pa siya nang bigla siya nitong banggain.
“Kung gusto mo talagang mag work ’to umayos ka! Tandaan mo, hindi lang ako ang makikinabang sa kasalan na ’to.” mariing sambit pa ng binata bago lumakad palayo.
Napanguso na lang tuloy si Natalia. Tama naman ang sinabi ng lalaki. May makukuha rin naman siya sa mangyayaring kasal pero... Sapat ba iyong kabayaran para lapastanganin nito ang labi niya? Na-ah... Last kiss na nila iyon ngayong araw. Ang susunod na kiss nila ay sa wedding na mangyayari. Hindi na siya papayag na manyakin na naman siya nito kaya aayos na siya. Nakahanda na siyang ibigay ang one hundred percent niya para sa pictorial session nila.
Buo ang determinasyon ni Natalia na bumalik sa pwesto kung saan nila naiwanan ang photographer na nagsho-shoot sa kanila. Ngitian niya pa ito at bahagyang niyukuan ng ulo. “Sorry. Ready na po ulit kami.” tsaka malambing niyang sabi.
Narinig niyang nag tsked lang si Treyton na nasa tabi niya, halatang naiirita ito pero hindi niya nalang ito pinansin. Gusto narin kasi niyang matapos na ang pictorial na iyon para makaalis na siya.
“Ok. Now, let’s start again. Couple, smile to each other. Give your sweetest smile. Isipin ninyong kayo lang ang tao dito. Smile...”
Katulad ng sinabi ng photographer ay isang matamis na ngiti ang ginawa ni Natalia habang nakaharap kay Treyton. Talagang pinagbubuti niya na ang pag-arte. Habang si Treyton naman ay parang nagulat pa at napatulala lang sa kaniya. Ang akala siguro ay hindi niya kayang mag focus sa ginagawa nila.
“Hoy smile daw. Ano na? Akala ko ba gusto mo na ring matapos ’to? Tsk!” mahinang usal ni Natalia sa kaharap na binata.
Medyo napababa naman ang ulo nito dahil sa sinabi niya. Nang mag-angat itong muli ng ulo ay nakapaskil na sa mukha nito ang ngiting inaasahan ng lahat na gagawin nito.
Artista rin pala ang loko e. Ang akala niya ay siya lang ang magaling umarte dito.
----- × -----
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 1: Natalia's Revenge
RomansaIf you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life, for the better? Iyon ang pagkakataong ibinigay kay Natalia ng hindi niya kilalang matanda. Sa isang iglap ay nakabalik...