Thank You
×××
Matagal na nakatitig lang si Natalia sa kaniyang cellphone. Hindi na niya nabilang kung nakailang buntong hininga na ba siya habang pinag-iisipan kung tatawagan ba si Treyton o hindi. Gusto niya lang kasing magpasalamat sa ibinigay nitong regalo, kaya lang hindi naman niya mapindot nag call button.
Sandaling napatingin si Natalia sa orasan na nakasabit sa gawi ng TV. Nang makita niyang pasado alas-onse na ay muli siyang napabuga ng hangin.
Malamang tulog na si Treyton. Bukas nalang niya ito tatawagan. Baka rin kasi isipin nito na masyado siyang natuwa sa regalo nito at hindi na siya nakapaghintay pa ng umaga.
Ilalapag na sana ni Natalia ang hawak na phone nang bigla iyong nag vibrate. Sa gulat ay kamuntikan pa niya iyong nabitawan.
Gabi na, bakit may tumatawag pa sa kaniya?
Nagtataka niyang sinipat ang screen. Nang makita niya ang pangalan ni Treyton na nakapaskil sa monitor ay biglang kumalabog nang malakas ang dibdib niya. Bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari kung para saan. Hindi niya tuloy maisip kung sasagutin ba ang tawag magpapanggap na tulog na.
Haist... Bakit ba siya tumatawag ng ganitong oras?
Namasahe ni Natalia ang sentido. Muling siyang bumuga ng hangin at tumikhim pa bago pinindot ang answer button. Sa paglapit niya sa tainga ng phone at muli na naman siyang bumuga ng malalim na hininga upang alisin ang kaba na baka bigla nalang mahalata sa boses niya.
“Gising ka pa?” bungad ni Treyton.
Malamang gising pa siya. Masasagot niya ba ang tawag nito kung tulog na siya?
“Gabi na. Bakit tumawag ka pa?” balik na tanong ni Natalia.
Pinilit niyang magtunog seryoso. Ayaw niya kasing isipin na Treyton na excited siya sa pagsagot sa tawag nito. Ang totoo’y medyo na excite nga siya nang makita ang pangalan nito pero hindi niya naman iyon pwedeng ipahalata sa lalaki dahil baka kung ano lang ang isipin nito.
“I can’t sleep.” mababa ang tinig ni Treyton pero nahalata niya ang bahagyang panginginig sa tinig nito.
“Hindi ka makatulog kaya naghahanap ka ng guguluhin?”
Natakpan ni Natalia ang bibig dahil sa binitiwang salita. Mahina niya pang hinampas ang labi dahil hindi naman talaga iyon ang gusto niyang sabihin pero parang pinangungunahan nito ang desisyon niya. Siguro dahil hindi niya rin talaga kayang sabihin ang totoong nasa loob niya. Natatakot kasi siya. Natatakot siya sa iisipin ni Treyton sa kaniya.
“It was the other way around. Dahil ikaw ang gumugulo sa utak ko Natalia. Ikaw ang nanggugulo sa akin.” sagot ni Treyton.
Napanganga si Natalia sa narinig. Masyadong diretso ang pagsasalita nito at hindi niya iyon inaasahan kaya nabigla siya.
“Bakit ano bang ginawa ko? Bakit parang kasalanan ko pa na iniisip mo ako? Edi tigilan mo na ang pag-iisip sa akin.” Natalia tsked.
Hindi naman siya ang nag desisyon na pumasok sa isip nito kaya bakit kasalanan niya iyon ngayon?
“But I can’t. I can’t stop thinking of you. Kahit anong gawin ko palagi kitang naiisip. F*ck! Ano ba ang ginawa mo sa akin ha?” reklamo ni Treyton sa kaniya.
Napapikit si Natalia nang marinig na may malakas na pagbusina ng sasakyan. Mula sa dalawang direksyon niya iyon narinig. Sa cellphone niya at sa labas ng bahay nila. Nakabukas ang sliding door sa may beranda kaya narinig niya iyon kahit nasa kama pa siya.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 1: Natalia's Revenge
RomanceIf you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life, for the better? Iyon ang pagkakataong ibinigay kay Natalia ng hindi niya kilalang matanda. Sa isang iglap ay nakabalik...