KABANATA 12

3.8K 146 4
                                    

Checking Him

×××

Pagbalik ni Natalia ay pinainom niya kaagad ng gamot si Treyton. Mild lang naman ang binili niyang gamot kaya hindi siya nag-aalala kung sakali mang wala pang laman ang tiyan nito. Pero syempre gusto niya rin masiguro na kakain ito kahit paano kaya naisipan niya itong ipagluto ng arroz caldo.

Bibili na nga lang sana siya ng lugaw kaso hindi niya naman kabisado ang lugar at hindi niya alam kung saan may mahahanap. At dahil palengke ang nakita niya ay namili na lang siya ng pansahog para maipagluto ito at mapakain.

Ilang minuto lang ay natapos na rin ni Natalia ang ginagawa. Dahil mainam na kainin iyon ng mainit ay nagsandok na siya kaagad para pakainin ang kaniyang pasyente.

“Oh, kumain ka para may lakas ka.” Lapag niya ng dalang tray sa kama.

Nang makita iyon ni Treyton ay wala man lang reaksyon ang mukha nito. Para ngang mas nainis pa nga ito dahil naroon parin siya sa condo.

“Ano ’yan? Pinakialaman mo pa talaga ang kusina ko.”

“Oo bakit? May reklamo ka? Kain na!” singhal dito ni Natalia.

Masama na nga kasi ang pakiramdam ay nang-aaway parin ang loko.

“Hindi ka pa ba uuwi?”

“Oo na. Uuwi ako pero pagkatapos mo ng kumain. Dali na! Tikman mo ang niluto ko at sabihin mo kung gaano ako kasarap na magluto.”

“Tsk!” Naiiling lang na binuhat ni Treyton ang katawan. Pagkatapos isandal ang likod sa headboard ng kama ay inabot nito ang pagkaing dala niya. Tahimik lang na pinanonood ni Natalia ang binata. She was curious about her cooking kaya naman mataman niyang binabasa ang magiging reaksyon nito.

“Oh anong lasa?” tanong kaagad ni Natalia pagkatapos ng unang subo na ginawa ni Treyton. Alam niya namang masarap ang luto niya dahil palagi iyong sinasabi ng ate niya.

“Matabang...” walang ganang sagot ni Treyton.

“Hay syempre may sakit ka kaya matabang ang panlasa mo.” pagtatanggol kaagad ni Natalia sa sarili.

Umiling lang si Treyton. “Eh kung ganoon bakit ka pa nagtatanong ng lasa?”

Oo nga... Parang gusto tuloy batukan ni Natalia ang sarili.

“Oh sige na nga. Aalis na ako. Ubusin mo ’yan ha kahit matabang. Mag-uuwi din ako. Bihira lang din kasi ako magluto niyan e.” Tayo na ni Natalia.

Iniwan niya na ang binata sa kwarto. Bumalik siya sa kusina at naghanap ng malalagyan ng arroz caldo. Mabuti nalang at may tupperware siyang nakita. Kaunti lang ang niluto niya kaya kaunti nalang ang natira sa kaserola na iniwan niya para kung sakaling gusto pang kumain ni Treyton ay may babalikan pa ito.

Pagkatapos niyang kumuha ng arroz caldo ay bumalik siya sa kwarto para magpaalam na kay Treyton. Pumaskil ang ngiti sa labi ni Natalia nang makitang wala ng laman ang mangkok na nilagyan niya ng sinandok na arroz caldo.

Wala daw lasa. Sus!

“Aalis na ako. Kung gusto mo pang kumain ay nag-iwan pa ako ng kaunti sa kaserola.” Paalam na niya kay Treyton.

Kinuha na niya ang walang laman na mangkok at dinala iyon sa kusina bago lumabas.

----- × -----

Kinabukasan ay naisipang tawagan ni Natalia si Treyton upang kamustahin ito. Iyon lang, mukhang ginagantihan siya nito at hindi nito sinasagot ang tawag niya. Dahil doon ay naisipan niya nalang itong daanan. Tutal ay doon din naman ang way ng trabaho niya. Balak niya lang na saglitin ito para silipin.

HOURGLASS 1: Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon