Meet Up
×××
"You are Natalia right?" Nakapameywang na salubong ni Meanne kay Natalia.
Hindi niya inaasahan makikita ito sa lugar na iyon, pero mukhang dumating ito para sunduin ang nobyo. She look pissed. Kahit paano ay gusto niya na nag-iisip ito ng masama patungkol sa pagsasama nila doon ni Treyton.
Imbes na sagutin ay isang nakakalokong ngiti ang tinugon dito ni Natalia sabay talikod. Bahala na itong mag-isip ng gusto nitong isipin. Basta siya, malinis ang konsensiya niya. Isa pa, sa tingin niya ay wala naman silang dapat na pag-usapan ni Meanne. Kung may problema ito sa set-up nilang tatlo ay hindi naman siya ang dapat nitong kausapin, kung hindi ang sarili nitong nobyo.
But she doubt na gagawin iyon ng babae. Dahil kung mahalaga pala dito ang lalaking iyon ay hindi ito papayag na ikasal ito sa iba, kahit pa sabihing hindi iyon totoo. Actually, she can't understand her. Paano nito nagagawang matulog, knowing na bukas-makalawa ay may asawa na ang lalaking mahal nito.
Nakakaloka...
Pagkatapos talikuran si Meanne ay lalakad na rin sana palayo dito si Natalia nang maramdaman niya ang marahas na paghawak nito sa braso niya. Malakas siya nitong hinila kaya wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa pwesto niya kanina.
"I am warning you. Huwag mong tangkain na sulutin ang boyfriend ko. He is mine. Treyton is only mine." mariin at may pagbabantang sambit ni Meanne.
Natawa lang dito si Natalia. Ngayon lang kasi sila pormal na nagkaharap pero mukhang inilalabas na nito ang itinatagong sungay. Siguro dahil wala roon si Treyton. Katulad ng mga drama na napapanood niya na kapag wala ang bidang lalaki ay ipinapakit ng kontrabidang babae ang totoong ugali sa mga bidang babae. What a perfect scheme. Mukhang plano nitong maging anghel sa paningin ni Treyton pero demonyo naman sa harapan niya.
Bumuga ng hangin si Natalia tsaka kinuha ang kamay ni Meanne bago mariin iyon pinisil tsaka marahas na itinapon sa ere. "Hindi ba't ikaw ang nagpahiram sa boyfriend mo? So bakit parang natatakot ka na maagaw ko siya? Hindi ka ba confident na loyal sa'yo si Treyton? Are you afraid that he might fall in love with me?"
Nang mapansin ni Natalia ang mabilis na pagtatagis ng bagang ni Meanne ay napatawa siya ng mahina. "Kung ako sa'yo pigilin mo na siya habang kaya mo pa. Kapag kasi naging asawa ko na siya ay hindi ko na maipapangako na maibabalik ko pa siya sa'yo. Hindi kasi ako mahilig mag share."
Marahas na binangga ni Natalia si Meanne. Lalayo na sana siya dito pero bago pa siya tuluyang makalayo ay isang malakas na sigaw ang ginawa nito na nakapagpapihit ng tingin niya pabalik dito. Nang lingunin niya ito ay nakasalampak na ito sa sahig at tila batang itinulak ng kalaro.
What the hell is she doing?
Nilinga ni Natalia ang tingin sa paligid. Doon niya napagtanto kung ano ang ginagawa ni Meanne. Obvious naman na humahanap ito ng simpatya. Talagang balak pa nitong gawing kontrabida siya sa mata ng mga taong naroon.
What a pathetic loser...
"Bakit ka ba nanunulak ha? Parang tinatanong ko lang naman kung nakita mo ba ang boyfriend ko ah." Meanne started crying.
Akala mo'y matagal na itong nagwo-work shop at talagang may lumalabas pang luha sa mga mata na nito. Hindi niya akalain na ganoon ito kagaling na umarte.
"Unbelievable." pag-irap ni Natalia.
Wala sa plano niyang sakyan ang trip ni Meanne. Imbes na patulan ang kalokohan nito ay naiiling niya itong tinalikuran. Pakiramdam niya kasi ay nagsasayang lang siya ng lakas sa pakikipag-usap dito. Bahala na si Treyton kung pakikinggan nito ang kwentong tinatahi ni Meanne.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 1: Natalia's Revenge
RomantikIf you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life, for the better? Iyon ang pagkakataong ibinigay kay Natalia ng hindi niya kilalang matanda. Sa isang iglap ay nakabalik...