KABANATA 21

3.4K 129 3
                                    

Wedding Suit & Gowns

×××

Wala man lang ba itong sasabihin sa kaniya? Nagpunta lang talaga ito para sunduin siya para sa pagsusukat ng kanilang damit na gagamitin sa kasal? Hindi man lang nito uungkatin ang sinabi ni Meanne na paninira tungkol sa kaniya?

Alam ni Natalia na mahigit isang linggo na rin iyon nang mangyari pero ngayon lang ito may pagkakataon na awayin siya since ngayon lang naman ulit sila nagkita.

“Sino yung lalaking sumundo sa’yo nung nakaraan sa retreat?” malamig na tanong ni Treyton.

“Huh?” Nakakunot ang noong nilingon ni Natalia ang binata.

Bakit parang galit ito? Madiin kasi ang pagkasabi nito ng salitang lalaki na animo’y may ginawa siyang masama. Samantalang ito nga ang kasama ang babae niya nang araw na iyon.

“Nevermind...” ani Treyton. Tumingin ito sa labas ng bintana at bumuga ng hangin.

Habang si Natalia ay nanatili lang na nakatitig dito. Parang ang lalim ng iniisip nito. Gusto niya sanang magtanong pero hindi naman sila close kaya bakit niya iyon gagawin.

Dahil walang nagsalita ay tahimik ang naging biyahe nila.

Sa isang mamahaling boutique sila dinala ng driver ni Grandpa Sebastian. First time niya roon. Nang kinuha kasi ang sukat niya ay personal na pumunta sa bahay nila ang isang crew ng boutique. Malaki ang lugar.

May tatlong mannequin na naka-display sa harapan ng malaking salamin. Lahat iyon ay puro naka pangkasal na gown. Base sa klase ng gown na nakasuot doon ay de-kaledad ang produkto ng shop. Si Grandpa Sebastian ang personal na pumili ng shop na iyon. Ito rin ang sumagot ng lahat ng gastusin nila sa kasal kaya kahit kaunti ay walang problema na naidulot kay Natalia ang kasal na iyon. Maliban sa mga gawain na tulad nito. Talagang may time na kailangan niyang personal na magpunta.

“Hi Sir. Aba, mukhang blooming ka ah.” bati ni Vivian. Isa sa mga tauhan ng shop. Iba ang kislap ng mga mata nito habang pinagmamasdan si Treyton.

Pwede niyang sabihin na naga-gwapuhan ito sa lalaki. Pero gwapo naman talaga si Treyton, wala iyong duda.

Nilingon ni Natalia si Treyton. Dahil kagagaling lang sa opisina ay nakasuot pa ito ng tie at long sleeve polo na naka-tupi ang manggas hanggang braso. Simpleng slacks na itim ang pantalon na suot nito at black shoes na kumikintab. At dahil medyo fit ang damit nito ay bahagyang bumabakat ang muscles nito sa katawan. Minsan na niyang nakita ang tinatago nito sa loob ng damit na iyon at masasabi niya na talaga namang nag e-effort ito para maging fit.

Umiling-iling si Natalia. Mukhang pati siya ay nadadamay na sa paghanga sa pisikal na anyo ng lalaki. Kalokohan...

“Maam, maupo po kayo.”

Sa wakas pinansin rin siya ng babae. Ang akala niya ay si Treyton nalang ang tatapunan nito ng pansin e.

“Handa na po ba kayo para sa pag fi-fitting?”

Unang nagsukat ng mga damit si Treyton. Ilang polo at pants rin ang isinukat nito, na mga fit naman sa katawan ng lalaki. Pero ang nakapagpatigil ka Natalia ay ang off-white suit nito na may kaunting touches ng kulay itim na tela sa collar at mga bulsa. Pinalooban ito ng off-white long sleeve polo at may maliit na bow tie.

That was his wedding suit.

Nanatiling tahimik na nakatitig lang si Natalia kay Treyton. She was really getting mesmerized by his looks that time. Feeling niya ay isang sikat na artista ang pinagmamasdan niya. Lalo pang nakadagdag ng karisma nito ang pagsagot nito ng nakangiti sa mga tanong ng babaeng nag-aasikaso dito.

HOURGLASS 1: Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon