KABANATA 40

3.1K 105 10
                                    

Gag*

×××

“Pwede ba tayong mag-usap?”

Matamlay na sinundan ni Natalia si Clint. Kagabi pa siya wala sa mood pagkatapos ng pag-uusap nila ni Treyton. Wala pa nga sana siyang balak na pumasok dahil hindi pa naman tapos ang leave niya, pero wala naman siyang gagawin sa bahay kundi mag-isip lang ng mag-isip kaya minabuti niyang pumasok nalang.

“Anong pag-uusapan natin?” tanong ni Natalia habang isinasara ang pinto ng opisina ni Clint.

“I would be straight to the point. May pag-asa ba ako sa’yo Natalia?”

Napaubo si Natalia sa tinanong ni Clint. Hindi niya talaga inaasahan ang tanong nito. Although napag-isipan niya na iyon ng maraming beses ay hindi niya parin napigilang magulat.

Actually, ayaw niyang maging selfish. Five years is very long para pag-intayin niya ito. Lalo pa at alam niya sa sarili niyang nagbago na ang tingin niya dito. Maybe she still likes him pero hindi na iyon kasingtindi ng nararamdaman niya noon.

“I’m sorry...” Yuko ni Natalia. Her tone was full of sincerity. Kung mayroon lang paraan para ma-basted ito ng madali ay iyon ang gagawin niya.

“Good...” Hinga ng malalim ni Clint.

Good?

Hindi maintindihan ni Natalia ang naging tugon ni Clint. Bahagya pa siyang nagulat nang lumapit ito sa kaniya at ni-tap nang mahina ang balikat niya. “Sana sumaya ka sa kaniya.”

Sumaya ka sa kaniya?

Iyon lang ang sasabihin nito pagkatapos niya itong bastedin?

Pinagmasdan ni Natalia si Clint. Doon niya lang napansin ang pamumula ng pisngi nito na parang nahihiya sa kaniya. Hindi niya mawari pero tila mayroon itong itinatago na sikretong ikinahihiya na malaman niya.

Weird... May nangyari ba sa opisina nang wala siya?

Kahit kasi si Vicky ay ganoon rin ang itsura kanina nang salubungin niya ito. Para pa nga itong gulat na gulat na makita siya. Parang masyadong kabado na⎯

Sandali nga...

Natigilan si Natalia sa pag-iisip. Mula kay Clint ay lumingon siya sa binatang salamin ng opisina ni Clint. Hindi na na siya nagulat nang makita si Vicky na palinga-linga sa direksyon nila, na parang interesadong malaman ang pinag-uusapan nila. Doon niya napagtanto ang nangyayari.

Mukhang may nangyari sa dalawa nang wala siya.

“Did I miss something?” tanong ni Natalia.

Ngumiti lang si Clint. “W-wala n-naman. Sige na. Bumalik ka na sa trabaho.”

Hmmmm... Lalo tuloy siyang na curious.

Paglabas niya ng opisina ni Clint ay pinuntahan niya kaagad si Vicky. Alam niya kasi na ito lang ang makasasagot ng mga tanong niya, kaya sinimulan niya itong kulitin. Talagang pinilit niya itong mag kwento.

It turned out may nangyari nga sa dalawa nang wala siya. They’ve kissed. Dahil nagsama sila sa pagpunta sa actress na si Mindy ay nagkaroon sila ng pagkakataon na magkasarilinan. Ang sabi nito ay aksidente lang daw ang pagki-kiss nila pero naniniwala si Natalia na walang aksidente sa mundo. Lahat ng nangyayari ay nakatakdang mangyari.

Kahit iyong pagiging fiancee niya ni Treyton. Alam niyang may dahipan kung bakit iyon nangyari. Hindi niya lang alam kung bakit at kung ano ang eksaktong dahilan at napasok siya sa buhay ng dalawa.

×××××

It’s ten in the evening. Dahil ganoong oras na ay nagtataka si Natalia kung bakit tumatawag pa sa kaniya si Clint. Ngayon lang iyon ginawa ng binata kaya may pag-aalala niyang sinagot ang tawag.

HOURGLASS 1: Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon