The Wedding Day
×××
“Nawawala daw si Natalia. Naroon parin sa hotel ang bridal’s car. My God. Ano na ang gagawin natin?”Naikuyom na lang ni Treyton ang kamao dahil sa narinig na sambit ng wedding coordinator. Mukhang nagtanan na nga ang babae. Siguro tuluyan ng nagbago ang isip nito tungkol sa kasal.
Baka hindi na nito gusto ang mga bagay na makukuha nito mula sa kasal na iyon. Tama lang naman iyon. Dahil sa tingin niya ay magiging miserable lang ang buhay nito sa piling niya. Siya na hindi kayang aminin sa sarili na mahal na niya ito.
Imbes na magwala at makidagdag sa nagkakagulong mga tao sa paligid dahil sa pagkawala ni Natalia ay matamlay na naupo si Treyton sa upuang nasa harapan niya.
Hindi siya dapat na magalit sa nangyayari. Una palang naman ay alam niyang peke lang ang kasal na iyon kaya dapat lang na tanggapin niya ang desisyon ng dalaga. Kung talagang hindi nito kayang pakasal sa kaniya ay bakit niya ito pipilitin.
Habang nag-iisip ng kung ano ay bigla nalang may tumulo sa kamay ni Treyton. Ilang piraso ng tubig na mula sa kaniyang mga mata ang hindi niya kontroladong bumagsak. Dahil doon ay mas lalo niya pang gustong iyuko ang ulo. Nag-aalala kasi siya na baka may makakita sa ginagawa niya. Ayaw niya sanang may makapansin sa pag-iyak niya pero hindi niya naman mapatigil ang sarili.
Tama lang iyon sa kaniya. He deserves this kind of pain. Wala siyang karapatan na maging maligaya.
“Hey ayos ka lang?” Tapik ni Drake sa balikat ni Treyton.
Naupo ito sa tabi niya at hinaplos ang likod ng niya na parang batang inaalo at pinapatahan sa pag-iyak.
“Hell I’m not ok.” Suntok ni Treyton sa sariling hita.
Kahit naramdaman niya ang sakit dahil sa ginawa ay hindi niya iyon alintana. Manhid na ata siya dahil palagi niya naman iyong ginagawa. Since college ay madalas na niyang sinasaktan ang sarili. Lalo na sa mga panahong binabangungot siya. Iyon lang kasi ang naiisip niyang parang para wala na siyang maramdamang sakit. Iyong sakit na nasa loob na mismo ng pagkatao niya ay gusto niyang matabunan ng sakit ng katawan.
Because of him, her mother died.
Paulit-ulit iyong nangyayari sa utak niya. At habang buhay na niyang dala ang guilt na iyon. Iyong guilt na hindi niya man lang ito sinubukang iligtas nang makita niya itong nalulunod.
Hindi niya man lang sinubukan. Eh ano kung namatay rin siya nang oras na iyon? At least, wala sana siya sa sitwasyon na kinaroroonan niya ngayon.
“Talagang mahal mo na nga siya ano?” Drake whispers to his ear.
Mariing napapikit si Treyton. Oo mahal na niya si Natalia. Dapat matagal na niya iyong inamin sa sarili at sa dalaga. Matalino naman siyang tao pero pagdating sa pagmamahal ay ang bobo niya. Kung mas maaga niya lang sana kasi iyong inamin ay baka hindi naging ganoon ang katapusan nila.
“What if I do?” napapaos na tanong pabalik ni Treyton. “It’s too late now.”
“Ano bang too late ka diyan.” Hinampas ni Drake ang balikat niya. “Too late kung wala kang gagawin at hahayaan mo talaga siyang mawala. Ano susuko ka nalang ng hindi lumalaban? Susuko ka nalang dahil natatakot ka? Sinabi mo na ba sa kaniyang nakipaghiwalay ka na kay Meanne ha?”
That thing.
Paano niya iyon gagawin kung hindi siya kinakausap ni Natalia. Kahit tawag niya ay hindi nito sinasagot. Kapag nagpupunta naman siya sa bahay nito ay hindi siya nito hinaharap.
Halos mabaliw na nga siya para lang makausap ito. May point pa na tumatambay siya sa harapan ng bahay nito pero talagang hindi niya ito matyempuhan na parang sadya siya nitong iniiwasan, kaya paano niya ito lalapitan?
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 1: Natalia's Revenge
RomanceIf you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life, for the better? Iyon ang pagkakataong ibinigay kay Natalia ng hindi niya kilalang matanda. Sa isang iglap ay nakabalik...