KABANATA 49

3.3K 91 5
                                    

Pag-amin

×××

Nanginginig na napatakip ng bibig si Natalia nang lumuhod sa harapan niya si Treyton. Para iyong panaginip. Sa bilis ng pangyayari ay hindi parin siya makapaniwala.

Marahang iniunat ni Treyton ang kamay na may hawak na singsing. Isang kulay rose gold na singsing iyon na may diamond-shape emerald sa gitna at may maliliit na batong kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano nalaman ni Treyton na paborito niya ang kulay green. Iyong suot niya kasi... Pati na iyong singsing. Pareho niya iyong nagustuhan. Pero siguro kahit hindi iyon kulay berde ay magugustuhan niya pa rin iyon dahil mula iyon kay Treyton.

“Please. Pakasal ka sa akin Natalia. Pakasal ka hindi dahil sa kung anumang rason na mayroon ka. Pakasal ka dahil mahal mo ako. Kung hindi ka pa handa ay ayos lang. Maghihintay ako.”

Nanatiling tahimik si Natalia. Ang luha niya ay nagsimula ng umagos mula sa mga mata niya. Gusto niya sanang namanamin ang moment na iyon at manatiling tahimik lang pero nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Treyton nang makita na wala siyang imik.

“Oo naman. Pakakasalan kita. Pakakasalan kita dahil mahal kita Treyton.”

Nang maisuot na sa kaniya ni Treyton ang singsing ay hinagkan siya nito ng mabilis sa labi at niyakap.

Parang panaginip lang ang lahat. Masyado pa siyang nag-alala na baka hindi siya mahalin ni Treyton. Pero siya lang pala ang nag-iisip ng hindi maganda. Mabuti nalang talaga at hindi siya agad sumuko.

×××××

Nababaliw ka na bang matanda ka ha? Hindi ako pakakasal sa babaeng hindi ko mahal! Kahit pa tanggalin mo ang mana ko ay hindi mo ako maipakakasal sa babaeng hindi ko man lang type.” Bato ni Treyton sa mga larawan ng babae na ibingay sa kaniya ng kaniyang lolo.

Sa totoo lang, hindi naman mga pangit ang babaeng nasa mga larawan. They all have their own unique beauty. Pero, ni isa sa kanila ay walang nakatawag ng atensyon niya. In short, wala man lang siyang naging type sa mga ito.

“Watch your mouth young man! Gusto mo talaga akong atakihin sa mga pinagsasabi mo ano?” sigaw pabalik ng lolo Sebastian niya.

Sumenyas rin ito na lapitan niya pero nanatili lang siya sa kinatatayuan niya. “I said no! And that is final!” Mariin niyang sambit sabay talikod.

Palabas na sana siya ng kwarto pero hinarangan naman siya ni Bobby kaya naiinis niyang hinarap muli ang matanda.

“Ano ba?” Bulyaw na ni Treyton.

Huli na nang malaman niya na nasa likuran niya na pala ang kaniyang lolo na malakas siyang binatukan. Bago inihampas sa dibdib niya ang isa pang larawan. “Hindi ka talaga marunong makinig ano. Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na gusto ka raw makilala ng anak ng kaibigan ko.”

Inis na kinuha ni Treyton ang larawan na ipinalo sa kaniya ng matanda. Pinasadahan niya iyon ng tingin. Isang babaeng nakakulay dark green na dress ang nasa picture. Simple lang iyong damit pero bumagay iyon sa dalaga. Feeling niya nga, kahit ano ang suot nito ay bagay dito.

Ang tamis rin ng pagkakangiti nito. Tila may dala iyong mahika na bigla nalang nakapag pakalma sa kaniya.

Tumawag ang kaibigan ko at ang sabi ay gustong-gusto ka raw makilala ng anak niya. Puntahan mo siya at kausapin.”

“Talaga? Na love at first sight ka sa picture ko?” ngisi ni Natalia. Nakakaloko niyang dinampot ang pisngi ni Treyton at pilit na iniharap sa kaniya sabay nagpa-cute pa dito.

“Sort off.” nahihiyang pag-amin naman ni Treyton.

Ang sarap niyong marinig. Parang may humahalpos sa tainga niya at kinikiliti iyon.

“Oh nandito na tayo.” anunsiyo ni Natalia nang makita sa labas ng binata ang parking lot ng hotel.

After the proposal ay dinala siya ni Treyton doon hotel na kanila sanang reception. At sabi sa kaniya nito ay kukunin lang daw ang mga naiwang gamit sa hotel room. Pagkatapos raw ay tutungo sila kay Grandpa.

Speaking of Grandpa. Naiisip palang ni Natalia na masasayang ang mga handa ay para siyang nako-konsensiya. Kahit kasi wala siyang ginastos doon ay naiisip niya ang sasabihin ng Grandpa ni Treyton na siyang nagbayad ng lahat. Nakakapanghinayang talaga.

Pagbaba ni Treyton ay mabilis itong tumakbo patungo sa tabi niya at inilahad ang kamay. Alam niya ang gusto nitong gawin. Gusto nitong makipag holding hands. Hindi naman iyon masama pero nahihiya siya. Ngayon na pormal na silang magkasintahan ay parang naninibago siya sa iaasta dito. Pero dahil ayaw niyang ma-dissapoint ito ay ibinigay niya ang kamay na kaagad nitong hinawakan.

Pagpasok nila sa elevator ay may nakasabay pa nga sila na napatingin sa magkahawak nilang kamay. Bahagyang nailang doon si Natalia kaya hihilahin niya sana ang kamay pero mas hinigpitan pa ni Treyton ang hawak sa kaniya. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi iwasan nalang na tingnan ang  kasabay nila.

Pagbukas ni Treyton ng pinto kung saan naroon ang reception area ay nagulat si Natalia nang makita na maraming tao sa loob. Tila tumuloy doon ang mga bisita sa kasal nila. Kahit ang daddy at ate Kelly niya ay naroon rin na masayang nakikipag kwentuhan sa ilang kamag-anak ni Treyton na naroon rin.

Nagtataka siyang napatingin kay Treyton. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ang akala niya kasi dahil wala namang kasal na naganap at uuwi na ang lahat.

“I’ll explain later. First kausapin muna natin ang family natin.” Ngiti ni Treyton.

Nang mapatingin sa kanilang dalawa ang mga kamag-anak nila ay sinalubong sila ng mga ito ng matamis na ngiti. Kahit hindi pa siya naka-wedding gown, ang pakiramdam niya tuloy ay kagagaling niya lang sa kasal. Lalo pa nang maghiyawan ang ilan at binabati silang dalawa.

“Ang mga apo ko...” Salubong sa kanila ng Grandpa ni Treyton. Una nitong tinapik ang balikat ni Treyton, kapagdaka’y tumingin sa kaniya na may matamis na ngiti sa labi. “Natalia.”

Nagulat pa si Natalia nang yakapin siya ng matanda. Ramdan niya ang kakaibang saya nito. Nang pakawalan siya nito at mapagawi ang tingin sa suot nilang couple shirt no Treyton ay mas lumuwag pa ang pagkakangiti nito. Mabuti nalang at may itinago palang pantalon si Treyton na ipinasuot sa kaniya bago sila bumaba ng yate. Kahit paano maayos ang itsura niya. Talagang trip lang ata ni Treyton na pagsuotin siya kanina ng boxer shorts nito.

Naroon rin ang daddy niya. Nilapitan rin sila nito at sabay na niyakap ni Treyton. “Salamat at tinupad mo ang pangako mo.” bulong nito kay Treyton na ikinakunot ng noo ni Natalia.

Anong pangako?

Nilingon niya si Treyton. Ngumiti lang ito sa daddy niya at pa-inosenteng tumingin sa kaniya. Mukhang may sikreto nga ang dalawa. Kaya pala napapansin niya na parang close na sila.

“So kailan talaga ang kasal?” tanong ng Grandpa ni Treyton.

Tumingin naman sa kaniya si Treyton na parang nagtatanong. “Pag-uusapan pa po namin ’yan. For now. Pwede po bang enjoyin muna namin ang isa’t-isa.” pilyong ngumiti si Treyton.

Mukhang nakuha naman ng Grandpa ni Treyton ang ibig nitong sabihin na tumawa ng bahagya. “Iyan ang apo ko.”

Kahit walang kasal na nangyari ay parang mayroon na rin dahil sa masayang ambience. Ang hindi lang natuloy ay iyong mga nakapilang gagawin nila katulad ng paghahagis ng bouquet, at iyong iba pang program na inihanda ng mga wedding coordinator nila. Ayos lang. Dahil alam nila na gagawin rin naman nila iyon, sooner or later.

Ang mahalaga ay pareho silang masaya ni Treyton.

HOURGLASS 1: Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon