Natalia's Birthday
×××
Tatlong linggo na ang nakalipas pero wala man lang paramdam si Treyton sa kaniya.Kanina pa nakatingin si Natalia sa phone niya. Ewan niya ba kung bakit naghihintay siya sa wala. Iniisip niya kasing magpapaliwanag man lang si Treyton o gagawa ng paraan para patunayan ang mga binitiwan nitong salita sa kaniya pero wala itong ginawa. Kahit text man lang sana mula sa binata ay wala siyang natanggap. Bahagya tuloy siyang nakaramdam ng pagka-dismaya.
Ano? Pagkatapos nitong sabihin na gusto siya ay para na itong kabuti na magalalaho bigla. Tapos magpaparamdam nalang ito kapag trip na nito ulit?
Ganoon naman palagi e. Palagi nalang itong nawawala. Magkikita lang sila kapag may kinalaman sa kasal. Wala siyang makitang effort dito. Siguro dahil hindi naman talaga siya dapat na bigyan ng effort.
Lalo tuloy siyang naiinis sa lalaki. Pagkatapos nitong lituhin ang utak niya ay mawawala nalang ito na parang bula. Sana nga mawala nalang ito ng tuluyan para hindi na siya nakararamdam ng pagkalito.
Kung pwede lang na bumalik siya sa nakaraan ay hihilingin niyang hindi na sana nagtagpo ang mga landas nila. Sana hindi umiral ang pagiging over thinker niya at inagaw ang pwesto ng ate niya na kung tutuusin ay hindi naman totoo.
“Mag-ingat ka sa hinihiling mo at baka bigla iyang magkatotoo.”
Napagawi ang tingin ni Natalia sa TV nang marinig ang sinabing iyon ng isang character sa pinapanood niyang drama.
Naisip niya iyon bigla.
Agad siyang natigilan at napahawak sa dibdib niya, na sa hindi niya malamang dahilan ay bigla nalang kumirot.
Kung hindi niya ginawa iyong mga nakakalokang bagay na iyon ay tiyak na hindi rin magaganap ang mga araw na nagkasama sila ni Treyton. Iyong pagpunta niya sa Verde Island. Iyong pamamasyal nila at pagsu-swimming ng magkasama. Iyong pagdamay nito sa kaniya. Iyong paghahanda nito ng breakfast niya. Kahit iyong pagdala nito ng ice cream para pagaangin ang loob niya. At iyong⎯ Iyong kiss nila... Lahat iyon ay hindi mangyayari. Para lang iyong panaginip na siya na lang ang makakaalam.
Kung ganoon. Ang lahat ng alaalang iyong ay mawawalan na ng halaga dahil hindi naman talaga iyon nangyari.
×××××
“Happy birthday...” masayang bati ni Vicky nang salubungin siya.
Oo nga pala. Birthday na niya. Dahil sa pag-iisip niya kay Treyton ay nawala na sa isip niya ang tungkol sa birthday niya. Kung hindi pa siya binati ng kaibigan ay talagang lilipas ang araw na iyon ng hindi niya nalalaman kung ano ang meron.
“Ang sabi ni Vicky, hindi mo daw sini-celebrate ang birthday mo. Gusto ka sana naming i-treat ni Vicky pero heto. Gift nalang ang binili namin para sa’yo,” sambit ni Clint
Natalia smiled.
Hindi niya talaga sini-celebrate ang birthday niya. Iyong araw kasi na umalis ang mommy niya; araw mismo iyon ng birthday niya. Kaya ayaw niyang mag celebrate ay dahil naalala niya ang pag-iwan sa kaniya ng ina na parang walang halaga ang araw na iyon. Na parang nasusuka ito dahil ipinanganak pa siya.
Pero ngayon... Gusto niya na sana. Gusto niyang ipamukha sa ina na ayos lang siya kahit wala ito. At hindi na niya sinisisi ang pagdating niya sa mundo; sa pagkawala ng ina. Dahil alam na niya ang totoo.
But how can she do that now?
Paano kung lahat ng nakapalibot sa kaniya at nasanay ng hindi iyon binibigyan ng halaga.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 1: Natalia's Revenge
RomanceIf you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life, for the better? Iyon ang pagkakataong ibinigay kay Natalia ng hindi niya kilalang matanda. Sa isang iglap ay nakabalik...