Gusto Kita
×××
Isa lang bang misunderstanding ang lahat?
Panaginip?
Iyon lang ba ang nangyari sa ate niya? Panaginip nga lang ba iyon?
Pero para iyong totoo. Sa sobrang makatotohanan nga ay pinaniwalaan niya pa iyon.
Naiinis na ginulo ni Natalia ang buhok at tinabunan ng unan ang mukha. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng matinis na tili.
Pakiramdam niya dinaya siya ng sarili kaya nangigigil siya.
So hindi ba siya nakabalik sa nakaraan? It was just a dream.
Hay asar...
Pero iyong ininom niya? Oo. Iyong juice na korteng hourglass ang bote. Sa pagkakaalala niya ay naitabi niya pa ang boteng iyon.
Matamlay na tumayo si Natalia. Tinungo niya ang cabinet at binuksan ang isang drawer. Doon niya nakita ang hinahanap na bote. Dinampot niya iyon tsaka pinagmasdan. Pinilit niyang balikan kung paano nga ba napunta sa kaniya ang inumin na iyon. Dahil kung hindi totoo ang nangyayari sa ate niya at panaginip lang iyon. Malamang na sa ibang paraan rin niya nakuha ang inumin na iyon.
Pero bakit wala siyang maalala?
“Ma’am may bisita po kayo.”
Bisita? Nilingon ni Natalia ang pintuan. Walang gana niya iyong binuksan. Nang bumungad sa kaniya ang kasambahay na kumatok ay nagulat pa siya nang makita na nasa tabi nito si Treyton.
Nilingon ni Natalia ang kasambahay, bakas sa mukha nito ang pag-aalala na baka mapagalitan dahil sa pagdala doon ng lalaki, pero nginitian niya lang ito. “Sige makaaalis ka na.”
Nang marinig iyon ay tumalikod na rin ang babae. Habang si Treyton ay pumasok sa kwarto niya ng walang pasabi. Pagkatapos ay iginala nito ang tingin sa paligid.
“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Talaga bang gusto mong nagpapaalala ng tao?”
Nag-alala ito sa kaniya? Psh! Kalokohan.
“Bakit ka ba nagpunta rito?”
Lumuwas ba ito dahil sa kaniya? Paano na ang girlfriend nitong si Meanne? Iniwan ba nito ang babae sa isla?
Lumakad patungo sa couch si Natalia. Nang maisandal niya ang likod sa sandalan ay nilinga niya si Treyton na lumapit rin sa kaniya.
“Talaga bang itatanong mo sa akin ’yan ha? Ang sabi ko maghintay ka. Pero umalis ka ng walang pasabi. Ano ba ang gusto mong isipin ko ha?” his voice sound disappointed.
Ewan. Kahit siya hindi na rin naman niya alam ang iisipin. Naguguluhan na rin siya sa nangyayari.
Tinapunan niya ng tingin si Treyton. Doon niya lang napagtanto na hindi parin nagbabago ang suot nito, nang iwan niya nung tanghali. Ang ibig bang sabihin nun ay sumunod rin ito kaagad at dumiretso dito sa bahay nila?
Kaya pala mukhang haggard ito. Ano ba ang gusto nitong mangyari? Bakit kinailangan pa siya nitong sundan? Talaga bang nag-alala ito sa pag-alis niya ng walang pasabi? Bakit ba kailangan nitong guluhin ang utak niya.
“Mukhang pagod ka na. Umuwi ka na para makapagpahinga.” malamig na tugon ni Natalia.
Dinala niya ang tingin sa mga hita. Kahit siya ay pagod rin naman. Sandali palang kasi siyang nakapag papahinga. Gusto narin niyang matulog dahil gabi na.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 1: Natalia's Revenge
Roman d'amourIf you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life, for the better? Iyon ang pagkakataong ibinigay kay Natalia ng hindi niya kilalang matanda. Sa isang iglap ay nakabalik...