What Is Love?
××דBakit nandito ka? May problema ba?” Drake sat beside Treyton. Pagkatapos nitong mag order ng inumin sa bartender ay humarap ito sa kaniya at tila libro siya na sinimulan nitong basahin.
Drake is his cousin. Kaibigan niya rin ito. Ito may-ari ng bar na kinaroroonan niya. They are almost the same age. Unlike him ay single parin ito since birth. Kahit pa sabihing may-ari ito ng pinakasikat na bar sa kaniyang lugar ay hindi naman ito katulad ng mga lalaking nagpupunta roon. He is so pure. Ang totoo’y inamin nitong balak nga nitong mag-pari noon pero nagbago ang isip nito nang mamatay ang daddy nito. Dahil nag-iisang anak ay walang ibang magma-manage ng pagmamay-ari nilang bar kaya napilitan itong magpalit ng kursong kinukuha.
“Problema kaagad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang silipin ang lugar mo?” Treyton sips on his drink without throwing a glance at Drake. Pagkatapos uminom ay pabagsak nitong ibinaba ang wala ng lamang baso atsaka tumingin sa kaibigan.
“Kilala kita Trey. Ang mga ganiyang asta.” Turo nito sa buong katawan niya. “Alam kong may iniisip ka. So tell me. Is it about Meanne again? Hindi ka pa ba nagsasawa sa kaniya?”
Hinampas ni Treyton ang balikat ng kaibigan dahil sa mga binitiwan nitong salita. Kung ibang tao lang ang nagsabi sa kaniya ng ganoon ay paniguradong nasuntok na niya. Kahit nga ang grandpa niya ay nasasagot niya kapag may sinasabi itong hindi niya gusto tungkol sa girlfriend niya.
But since Drake knew what really is happening about him and Meanne. Tingin niya may karapatan itong magsalita ng totoo.
“Where is he?” may pag-aalalang tanong ni Meanne.
Tinuro naman kaagad ni Drake ang kinaroroonan ni Treyton gamit ang nguso. Seeing his friend suffer from illness without his family knowing ay siya ang nahihirapan para dito.
Treyton suffers from severe traumatic experience. Noong elementary ito ay namatay ang mommy nito dahil sa pagkalunod. He was there at that scene. Dahil sa matinding takot ay hindi nito nagawang sagipin ang ina. That was the reason why he kept on blaming his self. Kahit pa sinasabi ng mga tao sa paligid niya na wala siyang kasalanan sa nangyari ay hindi ganoon ang tingin niya nito.
Nung college nagsimulang magkaroon ng sakit si Treyton. May oras na binabangungot ito sa gabi at nagsisimulang magwala. Dahil sa bigat at sakit na pilit nitong dinadala ay nagagawa nitong saktan ang sarili kapag nangyayari ang bangungot na iyon. Noong una ay hindi alam ni Drake kung paano ito tutulungan lalo pa at maging siya ay nasasaktan nito kapag nilalapitan niya. Not until one woman came to his life. Nagawa nitong pakalmahin si Treyton sa kalagitnaan ng pagwawala nito.
Simula nang araw na iyon, sa tuwing sinusumpong ng bangungot niya si Treyton ay ito kaagad ang tinatawagan ng binata. As if he really needed her company. And that made him think na si Meanne ang kailangan nito para mabuhay ng normal. That was the reason he saw kung bakit hindi nito magawang bitiwan ang dalaga kahit may mga bagay na siyang nakikita na hindi niya gusto dito.
Marahil nakikita rin naman ni Treyton kung anong klase ng babae ang ang nasa tabi niya pero nagbubulag-bulagan lang ito.
“Do you love her?” tanong ni Drake sa kaibigan. Pagkatanggap nito ng inumin na ni-mix ng bartender ay mabilis iyong tinikman ni Drake at nag thumbs up sa bartender nang makuha ang lasang gusto niya.
“I need her.” matamlay na sagot ni Treyton.
Katulad nang inaasahan na sagot ni Drake.
Treyton needs Meanne. It was different from loving her. Pero hindi nito magawang balewalain ang babae dahil tingin nito ay ito ang gamot na kailangan niya. But Drake thinks differently. Hindi gamot ang tingin niya kay Meanne bagkus ay drogang kailangan na alisin ni Treyton sa sistema nito.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 1: Natalia's Revenge
RomansIf you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life, for the better? Iyon ang pagkakataong ibinigay kay Natalia ng hindi niya kilalang matanda. Sa isang iglap ay nakabalik...