KABANATA 29

3.4K 109 3
                                    

Tree House

×××

“Layuan mo si Natalia!” madiin at may pagbabantang turan ni Treyton sa kapatid.

Buong buhay niya ay pinag-papasensiyahan niya ito pero ngayon kaunting-kaunti na lang ang pisi niya. Alam niya naman kung bakit ito galit sa kaniya. It was because of their mom. Katulad ng pagsisi niya sa sarili ay sinisisi rin siya ng kapatid sa pagkamatay ng kanilang ina. And he understands it. He always understands.

Pero ang paggamit nito kay Natalia. It was not right. For him, it was not acceptable. Lalo pa at maaaring masaktan ang babae ’pag nagkataon.

“Wow. Now you’re fighting back.” Ngisi lang ni Trevor habang sapo ang pisngi na natamaan ng kamao ni Treyton. Hindi niya naisip na babalik oia ang kapatid pagtapos nitong makuha si Natalia. He must be that angry.

“I told you to stop it already.” Treyton voice echoed. Sa lakas ng pagsigaw nito ay halos marinig iyon sa buong bahay.

“And if I’m not?” paghahamon naman ni Trevor. Ni hindi nito alintana ang duguang labi na patuloy lang sa pagngisi sa kapatid.

Ganoon din naman si Treyton. Hindi nito alintana ang bahagyang pag-agos ng kulay pulang likido sa baba nito. Pinahid niya lang iyon at galit na dinuro ang kapatid. “For the last time. Layuan mo si Natalia.”

“Hindi ba dapat ikaw ang lumayo sa kaniya? May Meanne ka na pero pinili mo pa ring pakasalan siya. Ano ba ang gusto mo ha? Pahirapan siya? Does she know about Meanne? O gusto mong ako na ang magsabi sa kaniya para matapos na ang relasyon ninyo?”

“Gag*!” Muli ay lumipad ang kamao ni Treyton. Susuntukin sana nitong muli ang kapatid pero nagawa na iyong ilagan ni Trevor.

“Come on Treyton. Iyan lang ba ang kaya mo ha?” pang-aasar pa ni Trevor.

“Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Trevor. Baka makalimutan kong kapatid kita.” Tumalikod na si Treyton.

He was done talking to him. Alam niyang wala rin namang patutunguan ang pag-uusap na iyon kaya lumabas na siya sa bahay ni Trevor.

F*ck! Ayaw talagang magpatalo ng gag* na ’yon!

×××××

Lalabas ba ako o hindi?

Matamlay na lumakad patungo sa beranda si Natalia. Kanina pa siya gising pero nag-aalangan siyang lumabas dahil ayaw niya pang makita si Treyton. After what happened last night; kung pwede lang ay umuwi na siya para makaalis na sa lugar na iyon. Pero hindi niya alam kung paano mako-kontak ang bangkero na naghatid sa kanila sa islang iyon.

Mahihinang katok mula sa pintuan ang nakapagpalingon kay Natalia pabalik sa loob ng kwarto. Nang makita niyang bumukas ang pinto ay dali-dali siyang bumalik sa pagkakaharap sa labas. Hindi siya nag-abala na lingunin si Treyton nang pumasok ito. Pero dahil narinig niya ang mga yabag ng paa nito ay alam niyang palapit na ito sa kinaroroonan niya.

“Ipinaghanda kita ng almusal. Pagkatapos mong kumain, labas tayo. Ito-tour kita sa isla para naman hindi masayang ang bakasyon mo.”

Nanatiling tahimik lang si Natalia.

Bakit bigla ata itong bumait? Anong nakain nito para i-tour siya ngayon?

Nang hindi siya sumagot ay tumalikod na si Treyton at lumakad palayo sa kaniya. Bago ito lumabas ng kwarto ay muli itong magsalita. “Iintayin kita sa labas.”

“Iintayin kita sa labas... Eh paano kung ayaw kong lumabas?” pabulong na simangot ni Natalia. Dahil mahina lang ang pagkakasabi niya nun ay siya lang ang nakarinig nun.

HOURGLASS 1: Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon