KABANATA 27

3.3K 139 5
                                    

Trevor

×××

Habang padabog na naglalakad si Natalia ay naramdaman niya ang pagsunod sa kaniya ng kung sino kaya naman hawak ang sariling dibdib ay nilinga niya ito. Nang makita niyang sinunsundan pala siya ni Treyton ay parang nakahinga siya ng maluwag.

Pero ano na naman ang kailangan nito? Ayaw niya pa namang tuluyang masira ang gabi niya.

Nagpatuloy sa mabagal na paglalakad si Natalia. Dahil hinubad niya ang suot na sandals ay ramdam niya sa talampakan ang pinong buhangin na nilalakaran niya. Napatingala siya. Ang laki ng buwan kaya kahit iyon lang ang nagbibigay ng liwanag sa dinaraanan niya ay sapat na iyon para makakita siya.

“I’m sorry. I didn’t mean what I said earlier.” napapaos na wika ni Treyton.

Nag so-sorry ba ito dahil sa pang-aaway nito? Good. At least marunong itong tumanggap ng pagkakamali.

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Natalia. Habang si Treyton ay parang tutang nakabuntot sa kaniya. Nanatili siyang tahimik. Ayaw niyang magsalita dahil hindi niya rin alam kung ano ang eksaktong dapat niyang sabihin.

Napatigil na lang siya sa paglalakad nang hablutin ni Treyton ang kamay niya. Nagulat at napamulagat siya nang hilahin siya nito palapit at angklahan ang kaniyang bewang pagkatapos.

Mabilis na pumintig ang dibdib ni Natalia. Dahil sa sobrang pagkakalapit ng mga katawan nila ni Treyton ay nakaramdam siya ng matinding pagkailang. Nang subukan niyang itulak ang binata ay mas humigpit lang ang kapit nito sa bewang niya. Nagsimula na tuloy ma-tense si Natalia.

Ano ba ang ginagawa ng lalaki?

Pinagmasdan niya ang mukha ni Treyton. Ngunit isa iyong pagkakamali dahil nang iangat niya ang tingin ay sinalubong siya nito ng isang mainit na halik.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi agad nakapag react si Natalia. Kahit pagkurap ay nahirapan siya. Titig na titig lang siya sa mukha ng binatang halos hindi niya makita dahil sa sobrang lapit sa kaniya.

The sensation of being kissed was new to her. Matagal na ring hindi nadadampian ng labi ang labi niya kaya parang bago sa kaniya ang pakiramdam na dulot ng halik na iyon. It was overwhelming. Ramdam ni Natalia ang kakaibang init na nagsisimulang gumapang sa katawan niya. Sa hindi niya malamang dahilan ay kusang pumikit ang mga mata niya. Hanggang sa namalayan nalang niya ang pagtugon sa halik ni Treyton.

Alam niya hindi niya iyon dapat na ginagawa pero lahat ng inaalala niya ay tila bula na bigla nalang nawala. Ang isipin na nagpapanatili sa katinuan niya ay parang bigla nalang tinangay ng malamig na hanging nanunuot sa mga balat nila.

Ilang segundo rin ang tinagal ng halik na iyon. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay kapwa sila naghahabol ng hininga.

“I’m sorry.” bulong ni Treyton. Napayuko ito at tila hiyang-hiya sa ginawa.

Mariing naipikit ni Natalia ang mga mata. Hindi niya gusto ang narinig niya. Pagkatapos siya nitong halikan ay mag so-sorry ito. Para iyong isang insulto sa kaniya kaya naman biglang nag-init ang ulo niya.

Ano bang akala nito? Na lahat ng babae ay pwede nitong halikan para mag sorry pagkatapos?

Mainam pa nga sana kung nanahimik na lang ito. At least alam niya na hindi nito pinagsisisihan ang ginawa nito.

“Assh*le!” Sa inis ay itinulak nang malakas ni Natalia si Treyton at tinalikuran. Tsaka siya padabog na lumayo dito.

Habang naglalakad ay may ilang butil ng luha ang bigla na lang tumulo sa kaniyang mga mata. Naiinis siya sa nararamdaman niya.

HOURGLASS 1: Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon