2

420 17 4
                                    

YVES'S POV

FLASHBACK... (Year 2019)

(A/n: ito din yung time na nag audition sila sa Music Club. Tapos time skip haha)

Pagkatapos kong mag Audition para sa Music Club na sinalihan ko ay agad na kong bumalik sa Classroom ko.  Maaga talaga akong pumila dahil paniguradong maraming estudyante ang pipila kung saan saan.

Ayos na rin ang maaga para wala pang masyadong tao ang makakapanood ng performance ko. Confident naman ako at may tiwala ako sa sarili ko na magagawa ko to. Sadyang ayoko munang makipag halu bilo sa maraming tao.

Transferee kase ako at galing pa akong Batangas kaya wala pa akong kilala sa mga taong nasa unibersidad na pinapasukan ko. Wala naman din kaming gagawin maghapon kundi introduce lang after that wala na tambay na ulit.

Kaya pagdating ko sa room ay naupo ako sa pinakadulo. Extrovert naman akong tao pero ngayon ayoko muna. Tyaka nalang kapag makapal na ulit ang mukha ko.

Nang hapon na doon naman ako kinabahan ng sobra dahil nabanggit sa akin kanina ng mga judge na ngayong hapon ila ipopost kung sino ang mga nakasali sa Club nila at may gaganaping meeting. Pero yung proff namin ng last Subject masyadong nag enjoy sa pakikipag kwentuhan sa mga kaklase ko kung hindi pa tumunog ang bell ay hindi pa sya hihinto.

Pagtingin ko ng relo ko ay medyo late na ko sa takdang oras.

Dali dali kong inayos ang gamit ko at nagtungo na ko ng bulletin board para tignan kung nakapasok nga ko. Laging tuwa ko ng mabasa ko ang pangalan ko kaya dumiretcho na ako sa music room.

Pagdating ko ay nagkakagulo na silang lahat. Base kase sa pagkakabasa ko sa bulletin ay nahati pa kami sa apat na grupo at kabilang ako sa team himig.

Wala namang ganito sa School na pinapasukan ko noon kaya bago ito para sa akin.

"Ahm miss pwede po magtanong? Na late po kase ako ng onti dahil ka didismiss lang po sa amin"

"Sure, anong bang group mo?"

"Team himig po ang nakalagay sa bulletin ehh"

"Ahh doon sila banda puntahan mo na lang. Halos kaka umpisa nga lang ng by team"

"Thankyou po" sabi tyaka ko sya nginitian at bahagyang yumukod para pagbigay ng paggalang

"Your welcome. Congrats na din pala and welcome to Music Club"

Muli isang ngiti nlang ang ginanti ko bago ako nagpasalamat at lapitan ng mga kasama ko.

Napansin ko naman ang dalawang babae na parang ka year ko din base sa Uniform na suot nila kaya agad ko silang nilapitan na dalawa.

"Hello, dito daw yung team Himig? Katatapos lang kase ng last Subject ko ehh kaya na late ako"

Agaw ko sa atensyon nila

"Ay opo" mabilis namang sagot ng isa. Mas matangkad ito kaysa sa isa

"Can i join to you? Wala kase akong kakilala dito ehh" tanong ko pa para kahit papaano ay may kasama ako

"Sure, come here. Wala pa namang ginagawa nagpakilala palang naman sila" yung isa namang maputi at makapal ang kilay ang sumagot

Maganda sya ahh at base sa pananalita nya hindi sya taga dito sa Pilipinas. Kulay palang ng balat. Mas mputi pa nga ata sya sa akin ehh

"Thanks, by the way I'm Yves. Melly Yves Ricalde ang full name ko." Pagpapakilala ko

"Im Jia and she's Jan." Sagot ng naunang nagsalita kanina na Jia pala ang pangalan"Architecture students kame. Classmate. But ngayon lang din medyo naging close gawa ng Music Club"

Through The Years Where stories live. Discover now