15

374 12 2
                                    

YVES'S POV

Isang araw ay magkasama ulit kami ng Bes sa may Mall. Nagpasama kase sya sa akin na mamili ng mga gagamitin nya para sa last project nya sa isang major subject nya.

Tinanong ko pa bakit hindi si Star ang inaya. Syempre diba? Bonding na nila pareho yun sa Mall kaya dumaan sa isip ko.

May part naman na masaya ako dahil ako yung niyaya nya atleast makakasama ko ulit sya ng kami lang dalawa.

Nag isip na rin ako ng mga pwede kong bilhin sa Mall, malapit na ang graduation namin at gusto ko syang bigyan ng regalo na magagamit nya. Actually silang lima naman bibigayan ko pero pinag iisipan ko pa kung ano ang ibibigay ko sa kanila.

"Anong gusto mong gift for graduation?"

Napatingin naman sya sa akin saglit. Nag ddrive kase sya kaya hindi nya ko matignan ng matagal.

"Hindi naman na need ng gift ehh. Anim tayong ggraduate kaya goods lang na wala na. Sama sama lang tayong mag celebrate okay na" sagot naman nya.

Napaka soft ko talaga sa kanya kapag ganito na ang usapan? Kilala ko si Glen. Mas ipiliin nya pang itabi ko nalang ang pera ko kaysa paggastusan ko sya. Mas gusto nya na sya ang nanlilibre kaysa sya ang nililibre. Pareho sila ng ugali ni Cley at Jan. Bihira ko rin silang makitang magpalibre sa amin. Kung isa sa kanilang tatlong ang manlilibre go sila. Minsan ayaw pa talagang paawat ng isa kaya nauuwi sila sa hatian. Ganoon kami sa spoiled sa kanila.

"Pero gusto ko pa rin bigyan ka ng gift, surprise sana kaso baka hindi ka naman ma surprise kaya 'wag nalang."

Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Huwag na nga kase"

Napasimangot naman ako dahil wala akong makuhang sagot sa kanya. "Magbibigay lang naman gift ehh" pabulong na saad ko. Humalukipkip pa ko na parang batang nagtatampo kaya mas lalo pa syang tumawa.

Imbis na maimbyerna ko sa tawa nya ay nagenjoy pa kong panoorin at pakinggan sya. Para kasing naging musika sa pandinig ko ang boses nya ehh.

"Pumayag ka lang. Magandang graduation gift na para sakin yon" bulong lang yun pero dahil naka focus ako sa tawa nya ay narinig ko iyon ng malinaw kaya napa isip ako kung anong tinutukoy nya na pumayag.

"Ano?"

Sakto naman na naipark na nya ang kotse sa parking lot kaya muli syang tumingin sa akin pagkatapos ay nag alis na ng seatbelt

"Wala, ang sabi ko tyaka ko na sasabihin, pag iisipan ko muna" aniya tyaka na bumaba ng nakangiti.

Sumunod naman akong bumaba pero nag iwan sa akin ng pagtataka kung ano ba ang ibig sabihin niya.

Pagpasok namin sa loob ng Mall ay muli syang humarap sa akin. Nauuna kase sya ng onti sa akin dahil nga sa iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung sinabi nya kanina.

"Early dinner muna tayo?"

"H-huh?"

"Ay lutang. Ang sabi ko kain na muna tayo para hindi na abala mamaya yung mga gamit na bibilhin ko."

"Ahhh sige ikaw bahala"

Hinihintay ko syang muling maglakad para kahit papaano ay mauuna ulit sya pero hanggang sa makalapit na ko sa kanya ay hindi pa rin sya naglalakad. Nakatingin lang sya sa akin hanggang sa magpantay kami.

Laking gulat ko ng bigla nya kong akbayan at sabay na naglakad para makahanap ng pwede naming kainan.

"Alam mo bes, nakaka sira ng utak ang pag iisip ng malala. Ikaw din baka imbis na sa hotel kita dalawin after graduation ay sa mental na kita makita." Biro nya kaya siniko naman sya.

Through The Years Where stories live. Discover now