SC- 4 Newly Weds

278 10 2
                                    

YVES'S POV

Hindi na nga nag aksaya pa ng pagkakataon si Bub. Mabilis ang mga naging pangyayari. Sa tulong ng mga kaibigan namin ay nagawa namin ng mabilis ang mga preparation

Mula sa mga guest, sa reception decorations. Hindi na nga kami namroblema pa sa wedding coordinator dahil kami kami nalang din.

I'm so blessed ni Bub dahil meron kaming kaibigan na tulad nila. Mga kaibigan na aasahan mo talaga sa anumang bagay. Kahit na may kanya kanya na silang pamilya.

"Tuloy na tuloy na talaga ang kasal mo anak" bungad ni mommy ng pumasok sya sa room ko

"Mommy ayaw ko po umiyak ahh? Masisira po make up ko" biro ko pa.

"Hindi ko maiwasang hindi malungkot ehh. Andami nyong pinagdaanan ni Glen. Naghiwalay pa kayo sa isa't isa ng halos apat na taon. Pero look at you. Kayo pa rin diba? Siguro masabi na nya sayo kung paano nya kami kinausap. Nakita ko ang determinasyon nya para mapatawad namin sya. Sino naman kami para hindi magpatawad di'ba?"

"Yes po My, nasabi na nga din po nya sa akin yan."

Nagpatuloy lang ang usapan namin ni Mommy hanggang sa tawagin na kami ni ate Ara na syang naging parang wedding coordinator namin.

Sa Dubai namin naisipang magpakasal ni Bub. Hindi gaya ng apat naming kaibigan na nagpakasal sa States. Dito sa lugar na ito nagsimula ang kwento namin ni Bub bilang magkasintahan. Kung hindi nga lang mainit sa disyerto ay doon namin gaganapin ang kasal namin ehh. Kaso wala kaming sisilungan kaya isang church wedding nalang kami at ang reception ay sa hotel ni ate Jiezel.

Pagdating namin sa church ay nandoon na silang lahat. At nang magsimula na ang wedding song ay nagsimula na rin kame.

Bub is so gorgeous with her look today. She's wearing a pure white outfit. Mula top hanggang shoes ay white. Matcha green ang motif ng kasal at kaming dalawa lang ang kulay puti ang suot.

Hindi ko tiyak pero parang naluluha na si Glen sa harapan. Ganoon din ako. Hindi ko lubos maisip na kami pa rin hanggang wakas. Saksi ang Dubai sa umpisa ng aming istorya. At sa bansa din na ito magkakaroon ng happy ending.

Nangyayari pala talaga yun no? Akala ko sa mga books and movies ko lang nakikita ang mga ganitong senaryo. Sa totoong buhay din pala. Lahat ng what if ko nabago lahat. Napalitan ng saya at ng kasiguraduhan.

The program started. Mataman kaming nakikinig sa pari habang magkahawak ang aming mga kamay. Bumuhos ang mga luha noong panahon na ng palitan ng vows namin sa isa't isa. At halos lahat din ng bisita namin ay naging emosyonal. 

Sino ba namang hindi di'ba? Naging roller coaster ride ang love Story namin ni Glen. Nahuli man siguro kami ng maraming taon. Pero heto pa rin kami. Si God na ang gumawa ng way para kami pa rin hanggang dulo.

When the father's announced that we are finally a married. Glen didn't waste any time and kiss me. At first it was a slow. May pagsuyo sa bawat pag halik nya ngunit kalaunan ay nararamdaman ko na lumalalim na iyon. Kung hindi pa tumikhim ang pari at hindi pa nagreklamo ang mga kaibigan namin ay sya titigil na halikan ako.

Ako din naman namiss sya lalo na dalawang araw din kaming hindi nagkita gawa ng bawal daw.

Matapos ang ilang picture taking. Batian sa bawat isa ay dumiretcho na kami sa Hotel kung saan gaganapin ang reception.

"Isang OT8 picture naman ohh. Tulad ng dati? Nakakatampo nga nung kami ni Star ang ikinasal hindi tayo kumpleto" suggest ni Shen ng medyo umoonti na ang tao sa church. Ang iba kase ang nauna na sa venue pagkatapos mag picture.

"Oo nga ang panget tuloy tignan nung sa amin." Segunda naman ni Star.

"Sowwy na my false hahah" pagbibiro ko pa.

Through The Years Where stories live. Discover now