18

334 12 0
                                    

YVES'S POV

"Finally!! Nagkaaminan din ang dalawaaa!!" Halos pa sigaw na react ni Star

Nasa bahay kami nila Jan at dito napagpasyahang tumambay. Tinawagan kase sila ni Glen para iparating sa kanila ang magandang balita.

Nasa Garden Area kame at naghahanda ng tanghalian.

Sinabi na kase ni Glen na nililigawan na nya ko at ito ngang si Star ang unang nag react. Gusto ko pa nga syang batukan dahil sa lakas ng boses nya ehh

"Salamat siguro sayo" sarkastikong sagot pa ni Glen

"Oh? Bakit nadamay nanaman ang beauty ko dyan?"

"Nakita ka lang naman nitong si Ves sa Mall kasama si Kuya Gelo. Muntik pa nga kaming mag away ng dahil sayo ehh kaya wala sa oras napa amin ako."

"Oh bakit parang kasalanan ko? 'bat parang kasalanan ko?" Panggagaya pa nya sa isang dialogue sa pelikula

Kaya napuno ng halakhak ang garden nila Jan.

"Atleast di'ba okay na. Nagka aminan na kayo" sabat ni ate Ara

"Nagkalakas na ng loob ang manok ko. Hindi na high blood si panda" pang aasar pa ni Cley.

"Sino namang kuya Gelo?" Tanong naman ni Shen

"Yung pinsan ko bebe. Patay na patay si Star dun kaya nakipag deal sa akin na pagselosin si Yves kapalit ang reputasyon ng pinsan ko."

"Hoy Glenda Louisse Apuli A.K.A koala. Matagal na kitang binalaan about sa pinlano ko. Nakuha mo na ang sagot pero pinagpatuloy mo pa rin kaya sinakyan ko nalang ang trip mo sa buhay. At anong sinasabi mong reputasyon ng pinsan mo? FYI ipinakilala mo lang ako sa kanya tapos ako na ang susunod na kumilos. At nagbunga naman Hindi ba?" Saad nya

"Ay iba din, girl na pala dapat ang nag ffirst move?" Tanong naman ni Jia

"It depends to your mood"

"Anong it depends?" Tanong naman ni Jan

"It depends. Kayo lang itong mahihina ehh. If you really love that person. Huwag ka ng magpaligoy ligoy pa. Kahit na ikaw pa yong girl or hindi. Kase hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan di'ba? Tulad ng mga nangyari sa inyong anim."

"Oh? Napano?" Sabat ko

"Tinago nyo ng matagal na panahon yang nararamdaman nyo. Kung noon pa man ay hindi kayo nagpakain sa takot edi sana noon pa ay masaya na kayo. Wala sanang masasaktan ni isa sa inyo. Spread the love guys don't hurt. Look sa pagtatago ng matagal nina Cley at Jia may Shen na na- involve. Nasaktan si Jia then ganoon din si Shen ng nagka aminan na. Oh tapos ngayon kung umamin sana ang isa sa inyo. Hindi madadamay ang beauty ko. Hindi ka sana masasaktan kapatid" paliwanag nya

Sa totoo lang tama sya. Kung noon pa kami nagka aminan walang masasaktan. Takot lang kami para pareho na ma reject at mawala yung pinagsamahan namin. Team kame ehh. Once na isa sa amin naging ilang sa grupo papangit ang kahihinatnan ng performance namen. Hindi kami magkakaintindihan dahil may lamat na.

"Alam nyo kase mga beh ang pagmamahal ay parang sugal din yan. Itataya mo lahat. May matira man para sayo oh wala. Nagmamahal ka ehh. Lahat isusugal mo kahit na baka sa huli ay umuwi kang talunan. For example kami ni Gelo. Sa katunayan hindi nya ko kilala di'ba? Ako ito na nalove at first sight sa kanya. Pero as a sassy girl a kikay girl na isa sa pinaka ayaw din nya. Hindi naging hadlang yon para umayaw ako. Binigay sa akin ni Glen ang Cp number nya pati mga social media accounts nya then nagsimula na kong gumawa ng move by my own. Alam nyo bang malapit na kong sumuko non? Dahil hindi sya nag rereply beh. Kapag sa chat naman seen zone ako lagi. Makatanggap man ako ng reply sa kanya like pa. Tapos itong magaling nyang pinsan tinatawanan lang nya ko. Kaya sabi ko sa sarili ko alaws to. Kaya tinigilan ko na. Binlock ko na sya sa lahat. Iniyakan ko rin yun ahh. Kahit ako yung sumuko. Isang linggo din akong hindi nagparamdam sa kanya. Until one day may nag chat sa akin na ibang pangalan akala ko stalker. Pero ng sinabi nyang nakigamit sya ng account para ma chat ako. Kinilig ako putek. Sabi nya sa Chat nya "hey It's Gelo, nakigamit ako ng account kase hindi kita ma Chat ehh. Hindi ka na nagpaparamdam. Talaga ba? Kung kailan nagugustuhan na rin kita?" Shuta ka bakla hindi ko alam gagawin ko non. Pero syempre as a dalagang pilipina pakipot pa tayo. Yun ang pinaiintindi ko sa inyo. Kung tunay na mahal mo ang isang tao kahit na siguro hindi ka nya mahal? Lahat gawin mo para mapa ibig mo din sya. Yun takot wala lang yan. Hindi ka naman aasenso dyan. At hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." Dugtong pa nya.

Si Star ang taong hindi mo iisiping magagawa nya yung mga bagay na to. Pero ng marinig ko yung kwento nya tungkol sa pag ibig humanga ako sa dedikasyon nya para makamit yung tagumpay na gusto nya.  Sa personality kase ni Star hindi mo maiisip na kaya nyang gawin yun. Na makakaya nyang mag first move para sa taong mahal nya. Hands down sa kanya.

Lahat kami nakatingin lang sa kanya. Kase ngayon sa nakita ko sa Mall? Parang in love talaga yung Guy kay Star. Yung ngiti non? Abot hanggang mata.

"Oh? Natameme kayong lahat? Hindi nyo expect na magagawa ko yon?"

"Hindi beh promise" sagot ni ate Ara

"Ako din. Nung una. Syempre dapat ako itong nagpapakipot di'ba? Ako dapat itong hinahabol ng guy? Pero mawawala pala talaga yun kapag ikaw na ang nagmahal ng sobra. Lahat ng pride na meron ka maglalaho bigla kapag nagmahal ka na ng totoo."

"In love na in love ka kay insan ahh" nakangiting turan naman ni Glen na nasa tabi ko

"Iba talaga kapag si kupido na ang pumana. Tagos na tagos." Ani naman ni Jan

"Love ang baduy pakinggan kapag galing sayo"

"Niaaway mo na ko love?"

Putek na Jaja. Kapag talaga kay ate Ara nawawala pagiging maangas nya. Actually pati si Cley ganoon.

Iba talaga nagagawa ng pag ibig no? Handang gawin lahat mapasaya lang yung taong mahal mo.

"Bwisit ka Jaja ang panget mo" sita ko ang loko nag puppy eyes pa talaga sya kaya naiiling nalang ako. Yumakap pa sy kay ate Ara. Ng tignan ko naman sina Cley at Jia ay busy ang dalawa. Naka akbay pa si Cley kay Jia. Kailan ba yun kapag naghahain ng pagkain?

Nagulat ako ng bigla namang yumakap sa akin si Glen mula sa likod. Nag reready kase kami sa isang boodle fight. Nagtutulungan kaming maghain ng pagkain bago magsimula. Toka toka kami ng gawain.

"Ako na gagawa nyan." Kinuha nya sa kamay ko ang kutsilyo. Akala ko ay hihiwalay sya sa akin pero nagkakamali ako. Nanatili lang sya sa likod ko habang hinihiwa ang kamatis na gagamitin din namen.

Kumuha pa sya ng ilang piraso at hiniwa hiwa ang mga ito ng hindi umaalis sa likod ko. Siguradong tutuksuhin kami ng mga kolokoy na to once na napansin nila kami. Hindi nga ko nagkakamali.

"Aray, aray Star kumuha ka nga ng pang spray. May anim na malalaking langgam dito ehh.  Bilis ng mawala sila sa paningin ko" sabi ni Shen na kasama si Star na lumabas galing kusina para kuhanin ang ilang pagkain.

"Bigla nga kong nilanggam ehh wait wait wait. Hoy kayo paki bawas bawasan ang ka sweetan nya kapag nandito kami ni Shen. Respeto naman ohh"

"Oh bakit may manliligaw ka rin naman ahh" sagot pa ni Glen

"Wala naman dito. Pero kahit na. Si Shen single"

"Hindi mo suree"

Naintriga kaming lahat dahil sa sagot ni Shen. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ano yan bebe?"

"Joke lang ito naman. Busy ako wala akong time para jowa."

Candidate kase si Shen bilang SSC president ng DMSU. Nasabi na nya to sa amin nung isang araw kaya sobrang busy na ng isang to lately. Nakakasama nalang namin sya tuwing mag ttraining sa music room at sa ganitong weekend gala namin.

Ito nalang din nagiging pahinga nya kaya kahit pagod sya sa buong week ay sumasama pa rin sya sa aming pito. Namimiss daw kase nya makipag bardagulan kay Star at Jia ehh.

Tiwala naman ako na sya ang magkakamit ng tagumpay sa bandang huli. Nakikita ko rin kase kung paano pamunuan ni Shen ang Groupmates nya ehh. Hindi man sya yung leader pero willing pa rin syang tumulong para sa group nila. And iyon ata ang nakita ng isa sa coach nila kaya sinabihan sya na mag pasa ng form para sa election ng SSC officer.

"Good. Akala ko naglilihim ka nanaman sa amin ehh. Baka masaktan ka nanaman."

"Cley ohh niaaway ka ng bestfriend mo" sumbong pa nito kay Cley ng sabihin ni Glen ang mga katagang masaktan nanaman sya

"Joke lang din mare. Ito naman si Bebe ang bilis mag sumbong. Joke lang naman ehhh"

"Takot pala ng koala ko ehh" sabat ko

"Sinong hindi matatakot dyan. Tignan mo nga kung makatitig. Para syang wolf sa talas ng mga mata"

________________________________________

Oyyyt ikaw. Oo ikaw nga. Amin amin na din kapag may time. Gayahin nya si Star malay nyo diba? Hahahah joke lang po. Study first po dapat tayo mga mamser

Through The Years Where stories live. Discover now