23

355 13 2
                                    

YVES'S POV

"Hindi talaga kayo mansasama?" Nakasimangot na tanong ni Star.

Kumpleto silang anim na naghatid sa amin dito sa Airport. Akala mo mawawala kami ng napakatagal na panahon dahil sa kumpleto nga sila.

Nabanggit na kase namin sa kanila ang plano nga namin ni Bub na mawawala kami ng limang araw. Saktong pagbalik namin ulit dito ay sya namang pag alis nina tita pabalik ng probinsya..

Ayus na rin ang lahat. Naikwento na nina Jan at Ate Ara ang nangyari sa kanila nung gabi. I know Jia and Jan are both happy right now because of their own love story. And it's my turn today para ako naman ang kumilos sa sarili kong kwento ng pag ibig.

Ano sila lang? Dapat ako din and gagawin ko itong extra special. Oh di'ba? Mag du- Dubai pa kami hahaha

"Panggulo ka lang sa amin don" sagot ni Bub na mas lalong ikinasimangot naman ng isa

"Haha, Don't worry planuhin natin ang Ot8 out of the country bonding soon" suggest ko naman

"Ay gusto ko yan. Dali dalian nyo dun ahh." Ani naman ni Shen

"Limang araw lang naman kami doon. Gusto ko lang masolo tong MANLILIGAW KO" enemphasize ko pa ang salitang manliligaw para mas dama nila haha

"Ang landi" komento naman ni Jia

"What if sagutin mo na si Koala para maging official na rin kayo?" Singit naman ni Jan

"What if sila na talaga ayaw lang nila umamin?" Gatong pa ni Cley na naka angkla pa sa bewang ni Jia

"What if mali ka mare? Bakit ko naman itatago sa inyo di'ba?" sagot naman dito ni bub

"What if pagbalik namin dito kami na?" Pa suspense naman na sagot ko sa mga what if's nila.

Lahat sila nagulat dahil sa sinabi kong iyon.

"Oyyy totoo ba yan?" Tanong pa ni ate Ara na ikinatawa ko ng malakas.

"Joke lang. Masyado kase kayong maraming haka haka. Pero malay nyo nga malapit na yung araw na yon diba? I know it's hard for Glen pero alam kong makakapag hintay pa sya. Di'ba bub?"

"Of course bub. Kahit gaano pa katagal" sagot nya na ikinangiti ko

"Wews? Talaga ba Koala?" Paninigurado pa ni Star

"Oo naman, nahintay ko nga sya ng halos tatlong taon bago umamin diba? Ngayon pa kaya na manliligaw na nya ko. Doon pa ba ko susuko?"

"What if sagutin ka ni ate Yves after 10 years pa?"

"Ayus lang"

"Tatag mo ahh.. ikaw na ang dakilang manliligaw" wika ulit ni Star at umakto pa na nililipat nito ang korona kay Glen na ikanatawa namin ng malakas.

Lakas trip din talaga ng mga ito. Nakaksabog sila ng braincells haha

"Tama na nga yan. Baka malate pa kayo sa flight nyo kaka chismis sa amin." Awat ni ate Ara

We still have time pa naman pero nagpasya na kaming maghiwa hiwalay na para hindi na hassle sa amin ang pag pila pila sa loob ng Airport.

"Yung bilin ko Glen ahh?" Kunot noo naman akong napatingin sa nagsalitang si Cley. Binigyan nya lang ako ng makahulugang ngiti bago kumindat kay Glen."

Ano nanaman kayang kalokohan ang naiisip ng isang to.

Nang mapagsolo naman kami ni Glen ay doon ko sya tinanong

"Ano yung sinasabi ni Cley kanina?"

Mula sa phone ay umangat ang tingin nya sa akin.

"Ah yun ba? Wala lang yun. Adik lang talaga yung isang yun. Kung anu ano naiisip"

Through The Years Where stories live. Discover now