3

579 15 0
                                    

GLEN'S POV

For some reason hindi ko alam kung bakit ko ba napagdiskitahan ang binili kong drinks para kay Yves

Alam ko ever since na favorite ni Yves ang Strawberry kahit anong pagkain basta may strawberry kakainin at kakainin nya. Kaya pati ako ay nasasanay na sa lasa nito.

Kaya naman kanina ng matikman ko mismo ang inorder ko ay hindi ko na na awat pa. Sabi ko kay Star ay titikim lang ako kaya tawa sya ng tawa ng makita nyang halos paubos ko na ang isang Cup.

At hindi nga nagkakamali si Star ng sinabi pagdating namin sa music room naghahanap nga si Yves ng drinks.

Pero sya din naman ang kumontra ng bibili ko nalang sana sya ng drinks sa Canteen at mag ttubig na nga lang daw sya.

Glenda Louisse Apuli nga pala ang pangalan ko. A 5th year student as an Engineer. Classmate ko si Cley Laiden since first year but kaibigan ko na sya since grade 9 palang kame. Hindi ko alam kung friend na va ang turung nya sa akin noon dahil hindi ito pala kibo. Aaminin ko minsan ay naiinip ako sa tuwing kasama ko sya. Pero kase hindi naman nya ko tinataboy ehh kaya siguro ang hirap nya ring iwan. Baka want nya lang ng kasama at hindi nya gusto ang may kausap.

Sumasama man ako sa ibang classmate namin noon ay sa kanya pa rin ako babalik. Until mag senior high school kame ay same strand pa run ang kinuha namin. Or sabihin na natin na sunundan ko talaga sya sa STEM para kahit papaano ay may makasama sya. Baka kase kapag nag iba ang ng strand ay wala nang kumausap sa kanya.

At doon ko nakilala si ate Ara. Transferee sya sa School na pinapasukan namin kaya wala pa syang masyadong kakilala. Kaya ako heto bilang isang extrovert person ay nilapitan ko sya at nakipag kaibigan.

Nang medyo close na kami ay tyaka ko naman sya pinakilala kay Cley. Ilag pa si Cley noong una pero nasanay na rin kalaunan sa presence ni ate Ara. At hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kame matatag patun ang smahan naming tatlo kahit na sinukuan ni ate Ara ang pagiging engineering student. Hinayaan naman namin sya kung anong gusto nya pero hindi nagbago ang samahan namin. She have friends din sa course nya pero kami talaga ang kasa kasama nya.

Naghihintayan kami every break at lunch time. Kung sino ang unang matatapos na class hour ay matyagang maghihintay sa amin sa music room. Ganon ang gawi namin lagi hanggang sa dumating sa buhay namin ang tatlong magkakaibigan din. Unexpected lang din yon. Tatlo din sila ang kaibahan lang ay ngayong college lang sila nagkita at nagkasama

One time kase habang naghahanap kami ng mappwestuhan ay nakita namin sila at suggest ni ate Ara na samahan na lang namin sila tutal ay same club at group lang naman daw kami. Kami naman ay nagpatangay agad at yun, doon nagsimula na lumaki ang barkadahan namin.

Everyday kami na ang sama sama. Naging close sa isa't isa hanggang sa napapansin ko na nagiging by partner na kami. Si Ate Ara laging kasama si Jan kase nga Englishera matter. Tapos ako laging kasama si Yves dahil same vibes din kami pareho. Hyper din naman si Jia pero mas pinili nyang lapit lapitan ay ang nananahimik na si Cley.

Doon ko naman nakita na unti unti nang nagsasalita si Cley. Wow ahh ano si Cley pipe? Or batang hindi pa marunong magsalita? Haha. Hindi ehh. Hindi ko alam kung anong meron kay Jia pero imbis na mainis si Cley sa kakulitan nya ay sinasabayan nya pa ito. Isang Jia lang pala ang makakapagpakibo dito sa bestfriend ko.

Ngayon? Masasabi ko na goods kaming lahat. Lalo kaming naging solid. Walo na rin kami ngayon. Naunang napabilang sa amin si Star na kasa kasama nga namin ni Yves tapos si Shen na kaklase din ni Star. Nirecommend kase nya sa coach namin si Shen at dahil recommended nga sa grupo din Namin sya napabilang.

"Para ka talagang koala no?" Biglang sabi ni Jia mula sa likod namin ni Yves.

Nakayakap kase ako sa kanya. Ganito kami lagi. Mahilig kami pareho manyakap ng tao kaya tawag nga nila sa amin minsan ay koala at panda ehh. Out of nowhere yayakap nalang ako bigla. Si Cley nga lang ang hindi ko nayayakap, madalang lang sa madalang tapos hindi pa nagtatagal.

Through The Years Where stories live. Discover now