14

217 12 4
                                    

YVES'S POV

Mali na napa amin ako kay Cley noong isang araw. Ang ungas hindi na ko tinantanan. Kahit sa harap pa ng mga kaibigan namin wala talagang preno ang bibig nya.

Porke ayus na sila ni Jia ay ako naman ang ginugulo nya.

Sa parking lot kase nung isang araw ay nag asaran pa kami bago umuwi. Ayaw kaseng sumama sa amin sina Cley at Jia dahil may sarili silang lakad. Tapos ako pa ang napagtripan nila.

Napaamin din ng mga oras na yun sina ate Ara at Jan na mag jowa na. Though hindi naman sila umamin. Si Cley din ang may pakana kung bakit napunta sa dalawa ang usapan.

Tahimik si Cley pero mapag matyag sya. Kahit wala kang sabihin sa kanya kusa nya itong mararamdaman kaya mahirap magtago sa isang yon.

Isang araw ng makapag solo kaming dalawa ni Cley ay kinausap nya ko. Iirapan ko na sana sya kase paniguradong aasarin lang nanaman nya ko pero hindi

"Panda, ano na?" Tanong nya.

Kasalukuyan kaming nasa music room. May klase pa si Jia ng mga oras na yon at wala din ang iba kaya kami ang magkasama dito at inaasikaso ang mga naka dikit sa bulletin board.

"Anong ano na? Naku Cley Laiden tantanan mo ko ahh. Wala akong oras sa mga pambbwisit mo."

"Seryoso ako. Anong balak mo ngayon.?"

"Saan?" Malapit ko na syang irapan dahil sa hindi nya kompletuhin ang mga tanong nya.

"Ikaw, dyan sa feelings mo. Gagaya ka na pang ba kay Jia noon? Na inuna ang takot na baka mawala ang friendship kaysa sa love na nararamdman mo? Siguro oo, inaasar man kita kase gusto ko na maging masaya ka din. Pasasalamat ko na sa'yo dahil hindi mo kami binitawang tatlo. Isa ka sa naging dahilan kung bakit nandito kami sa kinalalagyan namin nato ngayon. Kaya din kita binibiro dahil ayo'ko na isipin mo na sinisisi ka namin kung bakit kami nagka ganito. Hindi okay?"

Hindi sya tumitungin sa akin. Patuloy lang syang naka yuko at inaayos ang ibang gamit sa music room.

"Ang drama mo ahh"

"'ta mo to kung kailan seryoso ako doon naman nagbibiro. Seryoso kase" maktol nya na ikinatawa ko

"Oh game na"

"Ano to laro?"

"Hindi, ituloy mo na yung sasabihin mo"

"Huh? Wala ka man lang bang say sa sinabi ko?"

"Meron pero mamaya na tapusin mo muna yung sayo"

"Osya, ikaw na rin ang nagsabi na may gusto ka sa kaibigan ko. Alam kong si Glen yon. Halata naman ehh. The way you get annoyed when they are together? Pati kapag inaasar ko silang dalawa ni Star. Kita ko kung paano mo ko patayin ng mga titig mo."

"Ang lakas mo kase mang asar ehh. Pero tama ka naman. Hindi ko maiwasang hindi mag selos lalo na napaka close na nila sa isa't isa tapos naeetchapwera na ko, na oout of place ba? Wala namang masama kung gayahin ko si Jia di'ba? Gusto lang naman namin na maging masaya sila both. Parang kayo noon. Hinayaan kayo ni Jia"

"What if gaya ko din Hindi naman pala talaga masaya si Glen kay Star"

"What if mali ka? Kita mo naman diba? Kung gaano sila kasaya sa isa't isa. Paano ko sisirain yon? I love Bes but at the same time mahal ko din naman si Star. Kapatid ko na din naman sya kaya hindi ko magagawang hadlangan ang kaligayahan nya. Nila."

"Wala namang masama sa suggestion ko. Paramg ikaw lang din. Hindi ka nagsawa na magbigay sa amin ng advice kaya binabalik ko lang din sa'yo kaya paka isipin mo to Yves. Naka salalay ang kaligayahan mo sa desisyong gagawin mo"

Through The Years Where stories live. Discover now