38

270 12 1
                                    

YVES'S POV

Pagmulat ng aking mga mata ay hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. Nasa hospital ako dahil ito ang amoy na ayaw ko.

"Finally gising ka na din." Napalingon ako sa nagsalitang si Star.

Tatangkain ko sanang bumangon ngunit hindi ko kinaya.

"Don't move ate Yves wait I'll call the doctors" hindi pa ko nakakasagot ng lumabas sya ng kwarto

"Kamusta kalagayan mo?" Tanong naman ni Jia

"Si Bub? Nasaan sya?" Yun ang unang pumasok sa isip ko.

Paniguradong mas napuruhan sya sa aming dalawa dahil inilayo nya sa akin ang tatamang poste

"Yves" malungkot na wika ni Star

"What? Tell me ayus lang ba sya?" Ng umiling si Star ay para akong nanlumo at kinabahan ng sobra "nasaan sya? I want to see her." Ng nagtangka ulit akong tumayo ay pinigilan ako ng tatlo.

"It's hard to explain. Hintayin lang natin si Cley sya ang magpapaliwanag sayo. Nasa labas silang tatlo nina Ate Ara." Muling saad ni Star

"Bakit si Cley pa ang dapat magpaliwanag sa akin? Kung pwede naman kayo."

"Kase hindi rin namin ma handle ate Yves. Baka ma mali kami ng banggit sayo at lalong makasama sa kalagayan mo" paliwanag naman ni Shen

Nagsimula ng mangilid ang mga luha sa aking mga mata. "Tell me what happened please? Alam kong napuruhan sya. Dahil imbis na sa akin tatama ang poste ay inilihis nya ito papunta sa gawi nya. Kaya please sabihin nyo na sa akin. Huwag nyo na kong pakabahin."

"Husshhh tama na Ves. Wait lang natin sina Cley okay.?"

"What happen here?" Tanong agad ni Jan pag pasok nilang tatlo kasama ang doktor.

"Tell me anong nangyari kay Bub please?"

"Ligtas naman na si Glen. Kaso gaya ng paghihintay namin sayo hindi pa rin sya nagigising. Kung yung sayo ay mild lang, yung kanya kase sapol ang lahat. Hanggat hindi pa sya nagigising hindi pa natin malalaman kung ano ba talaga ang lagay nya. I know Glen is a strong woman. Malalaban nya ito tiwala lang Yves" pampalubag loob ni Cley

"I want to see her" nanghihinang turan ko

"Kailangan mo munang magpagaling. At kailangan ka pang obserbahan ng doktor. Please makinig ka muna sa amin ngayon. Alalang alala kami sa inyo and ayaw naman namin na may mangyari pa sa'yo once na nagkikilos ka."

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha sa aking mga pisngi. Gustong gusto kong makita si Glen. Gusto ko syang kamustahin pero hindi ko magawa. Ang tangi ko lang magawa eh ang umiyak ng umiyak.

"Tahan na Ves, kung pwede lang kitang dalhin sa kanya ngayon ginawa ko na. Pero hindi kase talaga pwede ehh. Sa ngayon pagtyagaan mo muna ang mga pagmumukha naming pagod at puyat hahah"

"Bakit lahat kayo nandito? Sinong kasama ni Bub?"

"Si tita, kasama si Grace at Makkie. Pero hanggang labas lang sila ng ICU dahil wala pa ngang update about kay Glen kaya bawal pa ng dalaw. Your father suggested that Grace and Makkie will accompany Glen's mother. Nandoon kaming tatlo kanina ng tawagin kami ni Shen kaya napasugod din kami dito. Kaya gaya ng sinabi ni Jia, gusto man naming dalhin ka kay Glen ay hindi ppwede dahil hindi ka rin makakapasok sa loob" sumagot ay si Jan

"Kahit sulyapan ko lang sya saglit."

"Huwag na makulit Yves. Hindi mo pa kaya. Kapag sure na ang sayo at may update na kay Glen ako mismo ang magdadala sayo sa kanya." Saway ulit ni Cley sa akin

Through The Years Where stories live. Discover now