SC -3 Us

353 13 6
                                    

GLEN'S POV

Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko. Lahat ng takot ko noon na baka ay wala na kaming pag asa pa na magkaayos. Na baka hanggang doon nalang talaga kami. At yung baka galit sya sa akin sa lahat ng ginawa ko. Nawala lahat ng yun ng banggitin nya na mahal nya pa rin ako.

Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi nya. Lahat ng agam agam ko ay nawala dahil doon. Hindi ko na sya binitawan simula ng matapos ko syang halikan.

Sa pamamagitan ng halik na iyon ay ipinaramdam ko sa kanya ng pagka miss. Bawat halos ay nandoon pa rin ang pagsuyo.

" I can't believe na tayo pa rin talaga" turan ko. Lumipat ako sa likod nya at muli syang niyakap patalikod at sabay naming pinagmasdan ang ganda ng Buwan

"Akala ko hindi ka na babalik sa akin ehh."

"Pwede ba naman yon? Ikaw ang una kong minahal ng ganito kalala at hindi ko kakayaning isipin na hindi ikaw ang kasama kong tatanda"

"Susss. Yan ka nanaman sa mga banat mo na yan ehh. Tapos sinasaktan mo lang ako"

"Uyy hindi ahh. Totoo ang mga sinasabi ko. Napanghinaan man ako ng loob noon, sa kadahilanan naman na ayaw kitang mahirapan sa kalagayan ko"

"Hindi naman ako mahihirapan kung tinutulungan mo rin ako ehh. Pwede naman nating sabay na harapin yang nararamdaman mo noon. Di'ba sabi ko nga sayo. Kung noon ikaw ang nag aalaga sa akin kapag may sakit ako. Hindi ba pwedeng ako naman ang gumawa niyon sayo kapag ikaw naman ang may karamdaman?"

"Sorry po"

"Huwag ka na ulit mawawala ah"

"Hindi na po. Hinding hindi na. So pwede na rin nating ituloy ang naudlot nating kasal?"

"Pwede naman, kaso where's the ring?"

Mula sa bulsa ng suot nyang suit ko ay kinapa ko ang ring na sinadya ko pa sa bahay nila kaninang umaga.

"I'm prepared for that."

"P-paano mo nakuha yan?"

"Lakasan ng loob. Nagpunta ako sa inyo kaninang umaga paglapag ko dito sa Pilipinas. Sila ang unang sumagi sa isip ko. Marami din akong kasalanan kay Tito. Marami akong pangakong hindi natupad."

"Hinarap mo sila!?"

"Opo, lalong lalo na si Makkie. Grabe talaga ang pagmamahal nila sayo no? Natakot ako bigla sa kanya. Lalo na binatang binata na sya ngayon isang sapak nya lang taob ako." Pagbibiro ko pa

"Sila kase ni Grace ang naglalakas loob noon na puntahan ako sa kwarto. Yung mga panahon na iyak lang ko ng iyak. Kaya hindi ko rin sila masisisi kung galit sila sayo hanggang ngayon."

"Yun na nga. Pagdating ko kanina muntikan na nga kong masapak buti nalang naawat agad ni Tita. Pinapasok naman nila ko. Ipinaalam ko ang sadya ko. Ipinaliwanag sa kanila ang lahat. At humingi ng tawad sa lahat ng nagawa k9ng kasalanan sa kanila. Noong una hindi pa pabor si Makkie sa mga sinasabi ko. Hindi ko naman maaalis sa kanila yun ehh. Pero ng nangako ako sa kanila na hinding hindi na kita sasaktan pang muli at doon na rin sila pumayag. Hiningi ulit kita sa kanila at luckily pinayagan ulit nila ko. Ipinagkatiwala ka ulit nila sa akin. Kaya ngayon ikaw nalang ulit ang kulang Bub. Sang ayon mo nalang ulit ang kailangan ko para matuloy na talaga to."

"Pumayag naman na pala sila ehh. Edi Yes pa rin ang sagot ko"

Muli kong inilagay sa palasingsingan nya ang engagement ring na binigay ko sa kanya noon. Hindi pa rin nagbago ang sukat ng daliri nya dahil fit pa rin sa kanya ang singsing.

"Hoy kayong dalawa, antagal nyong bumalik ahh" sigaw ni Star

Paglingon namin sa gawi nila ay kumpleto silang anim not including their children

Through The Years Where stories live. Discover now