13

224 12 3
                                    

YVES'S POV

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay naki bonding muna kina mama si Glen habang ako naman ay nag aayos na.

Tulad ng plano ni Glen ay sasamahan nya nga kong mag grocery para sa project presentation na gagawin ko mamaya. Sya na rin ang nag presinta na videohan ang gagawin ko. Sya na daw ang bahala.

I don't know but it feels so real? Lahat ng ipinapakita ay ay kakaiba. Kapag ako ang kasama nya ay napaka caring nya. Makikita mo talaga sa mga ikinikilos nya yung pag aalagang meron sya. Kapag naman kasama namin si Star kulang nalang kalimutan na nya ko dahil sa masaya silang dalawa.

Ang gulo nya promise. Ang hirap nyang basahin. After kong mag bihis ay bumaba na agad ako. Nadatnan ko sa sala si mommy kaya agad kong tinanong si Glen sa kanya

"Mommy si Bes po?" Tanong ko

"Nasa terrace tinutulungan si Makkie"

"Anong ginagawa nila my?"

"Ewan ko lang. Kanina pa nga magkasama yung dalawang yun ehh"

"Sige my puntahan ko nalang sila. And aalis lang po kami saglit ni Glen my ah?"

"Saan ang punta nyo?"

"Sa grocery po my, nakalimutan ko pong sabihan si Yaya kagabi ehh tapos hindi pa po ako ginising ni Glen kaninang nag alarm Cellphone ko kaya hindi ko rin po naabutan si yaya papuntang palengke."

"Ahh ganun ba?"

"Opo my, may pabibili pa po ba kayo?"

"Wala naman na. Ingat kayo ahh"

"Opo my, thankyou po"

Pinuntahan ko ang dalawa na abala sa pagkukumpuni ng bike ni Makkie.

"Oyttt anong chismis natin dyan? Napaka busy nyong dalawa ahh" sita ko sa kanila.

"Wala ate, kini- kwento lang ni ate Glen yung bike nya na nasa Bicol"

"Haha sinasabi ko lang sa kanya yung bike na sana bahay Bes? Manghang mangha sya ehh"

"Ahh yun ba? Ayy oo Mak kung makikita mo lang yun di ka maniniwala sa presyo non."

"Sinasabi nga ni ate Glen ate. Muntik pa nga along hindi makapaniwala ehh, kung hindi nya pa pinakita yung picture hindi ako maniniwala."

"Osya mamaya nalang ahh alis muna kami ni Bes. Wala ka bang pabibili? Punta kaming super market"

"Ice cream lang ate okay na" sagot pa ng kapatid ko habang tumataas baba ang mga kilay.

Kapag talaga usapang favorite magkakasundo kami nitong kapatid ko. nagkaiba lang sa flavor na gusto namin. Ako kase mas gusto ko yung strawberry tapos sya naman more on chocolate flavor ang gusto.

Natatawa pa kaming umalis ni Glen dahil sa bilin ni Makkie.

Sa malapit na super market kami nagpasyang mamalengke. Pagpasok namin ay kumuha agad si Glen ng push cart kaya hinintay ko muna sya bago kami nagtungo sa meet section.

"Ano ba balak mong ihanda mamaya?" Tanong nya habang nagtititingin ako ng mga karne na swak sa lulutuin ko.

"Hindi ko rin alam ehh, basta ang main dish daw ay pork and fish. Kami na daw bahala kung paano namin mapag cocombine yun dahil nga matagal lutuin ang pork tapos madali naman ang fish." Sagot ko naman na ikinatango naman nya.

"Mahirap nga yun. Pero sure naman na kaya mong lusutan yon ehh ikaw pa?" Pampalakas pa nya ng loob sa akin kaya napangiti naman ako

"Todo cheer ka kase paniguradong ikaw ang unang titikim ng lulutuin ko"

Through The Years Where stories live. Discover now