24

177 11 17
                                    

GLEN'S POV

Matapos ang mahabang byahe ay sa wakas ay nandito na rin kami sa Airport ng Dubai. Hindi kami nahirapang hanapin ang sinasabi ni Cley na susundo sa amin dahil mula sa malayo ay natatanaw na namin ang pangalan naming dalawa ni Yves.

Naging emosyonal si Yves dahil sa sinabi ni Cley kanina. Kapag talaga si Cley ang bumanat kahit minsan lang sya magsalita alam ko na totoo ang mga lalabas sa bibig nya. Kaya buong byahe namin ay natulog lang Kaming dalawa. Dahil sa ilang araw din kaming puyat at pagod ay napahaba ang tulog namin. Kung hindi pa kami ginising ng flight attendant na nagseserve ng food ay hindi kami magigising na dalawa.

But now we're finally here. Lumapit kami sa lalaki na may hawak na banner.

"Hi Ma'am are you miss Glen and Miss Yves?"

"Amm yes we are. Are you our service!"

"Yes madam, your presence is waiting in our hotel"

"Thankyou"

Ang lalaki na rin ang nagbuhat ng mga maleta namin papasok ng sasakyan. Habang nasa byahe papuntang hotel ay pinagmamasdan namin ang daan. Ibang iba ito sa Pilipinas.

Malaki din ang pagkakaiba nito sa U.S.A. na minsan na naming napuntahan

"Magtatagal po ba kayo dito ma'am?"

"Ay nagtatagalog ka!?" Gulat na tanong ni Yves.

"Hehe, yes po ma'am, karamihan po sa amin ay mga pilipino dahil nga po Pinay po ang may ari ng hotel. May mga ibang lahi pero priority po ang mga pilipino na nag aapply"

"Ang astig naman" wika ko naman

"Way daw po ng CEO yun para makatulong sa kapwa nila pilipino."

"Gusto ko rin ng ganitong set up soon."

"Wala pong imposible ma'am. Libre lang naman po ang mangarap di'ba po?"

"Ay opo naman kuya, we're starting palang din po kami."

"Kaka graduate nyo lang po diba?"

"Paano nyo po nalaman?"

"Sinabihan na po nila kami na may darating nga daw po kaming special guest. At sinabihan na po kami about sa inyo."

"Ano nga po palang pangalan ng CEO ng hotel?" Tanong ko

"Jiezel Robles po"

"Ahhh Robles"

"You know her po?"

"Yung apelido nya, kase yung isang friend namin Robles din ang apelido. Nasabi naman na sa amin na pinsan nung friend namin ang may ari ng Hotel but we don't know na sa mga Robles pala."

"Nandito na po tayo mga ma'am. Mauna na po kayo sa loob ako na po ang magbababa ng mga maleta ninyo"

"Salamat po kuya"

"No worries ma'am. Enjoy your vacation here po"

"We will"

Pagpasok namin sa loob ay mas lalo Kaming namangha. Nakita ko na kase ang itchura nito sa labas noong sinearch ko yung hotel pero kung maganda ito sa picture ay mas maganda ito sa personal.  Triple naman ang ganda nito sa loob.

Malugod kaming pina unlakan ng mga taong naririto. Lahat kami ay binabati na tila kami ay talagang sikat na tao.

"Hi I'm Jiezel, the CEO of this Hotel." Pakilala ng isang babae.

"Am Hello po. I'm Glenda Louisse Apuli and this is Melly Yves Ricalde. Jerian's friend "

"Oo nabanggit na nga nya"

Through The Years Where stories live. Discover now