27

192 10 8
                                    

YVES'S POV

Dumaan pa ang mga araw namin dito sa Dubai. Sinulit ang bawat oras na nandito kaming dalawa ni Bub bilang magkasintahan.

Sobrang naging espesyal ang mga araw namin dito dahil naging doble ang pagiging sweet ni Glen sa akin.   Pero sa ngayon kailangan na naming lisanin ang lugar na ito. Ang lugar na naging saksi ng lahat ng magagandang ala ala namin bilang isang opisyal na magkasintahan.

Isa ang Dubai sa siguradong babalik balikan ko. Lalo na ang disyertong pinuntahan namin.

Hindi din alam ng girls na kami na. Gusto ko silang surpresahin kaya balak ko na magtipon tipon muna kami sa condo ni Glen. Goods na rin kase nandoon na din si Tita.

Silang anim pa nga ang susundo sa amin sa Airport ehh. Akala mo talaga nawala kami ng dalawang taon kung maka react sila ng ganon.

"All set bub?" I asked her when I saw her in our bed, comfortably sitting there.

"Kailangan na ba talaga nating bumalik ng Pinas? Parang hindi ko ata kayang iwan tong Dubai" sagot nya at muling inilapat ang likod sa malambot na kama.

"Gusto ko mang mag extend pero kailangan na nating bumalik sa Pinas ehh. May family dinner pa tayong lahat di'ba?" Pangungumbinsi ko pa sa kanya

"Andami nating memories dito together ehh"

"I know and ako man ayo'ko pang iwan din tong bansang to. Pero kailangan ehh. So tara na?"

Hindi sya bumangon sa kanyang pagkakahiga kaya naman lumapit ako sa kanya at hinila ang mga kamay nya patayo. Pero imbis na ako ang humila sa kanya ay ako ang hinila nya. Hindi ko napaghandaan ang kinilos nyang iyon kaya naman nawalan ako ng balanse at napadapa ako sa may harap nya.

Nadaganan ko sya ng bahagya dahil sa lakas ng pwersa nya. But the next thing she do is she pull my nape and kiss me passionately.

Nagpatangay ako sa halik nyang iyon dahil nakaka adik. Hindi ko alam kung may experience na ba sya sa mga ganitong bahay dahil napakahusay nya. Nadadala nya ko sa lahat ng kilos nya. Na kahit ako na wala pang karanasan sa paghalik ay nahahatak nya.

I love the way she look at me. Yung titig na para bang inlove na inlove sya sa akin. At yung mga titig na para bang ayaw nya kong mawala sa paningin nya.

"Ikaw ahh nasasanay ka nang hinahalikan ako ng walang permiso ko" sita ko.

"Kailangan pa ba yon? Girlfriend na kita at lahat pwede ko ng gawin pero hindi naman lalalim pa doon kase nirerespeto pa rin naman kita." Sagot nya na nagpamula sa buong mukha ko.

Alam ko kase ang tinutukoy nya. Nag init ang buong sistema ko pero hindi ko pinahalata. Mahirap na.

"Sus, ngayon pa nga lang ang aggressive mo na ehh."

"Nakakagigil kase yang lips mo ehh. Pwede isa pa?"

"Eh kung eto tumama sa lips mo payag ka?" Pakita ko sa kamao ko

Sunod sunod ang pag iling nya na ikinangisi ko ng bahagya

"Alam mo Bub? Buti nalang pala magaan ka. Kung hindi baka lumuwa na lahat ng lamang loob ko sa katawan dahil sa pagdagan mo sakin" pagbibiro nya pa

"Eh kung hindi mo ako hinatak hindi sana kita madadaganan. Bahala kang kapusin ng hininga dyan, hindi ako tatayo dito."

"Pabor naman ako. Ikaw ahh gusto mo lang nyan ng tyansing ehh. Whole day tayong mag ccuddle dito hanggang sa malate na tayo sa flight"

Doon naman ako na alarma at dali daling tumayo para tignan ang oras. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko na maaga pa.

"Tayo na dyan bub magpapaalam pa tayo kay ate Jiezel ehh"

Through The Years Where stories live. Discover now