12

209 13 0
                                    

GLEN'S POV

Hindi na ko muling dinalaw ng antok ng mag alarm ang Cellphone ni Yves. Hindi ko na sana papatayin ito dahil baka may gagawin pa si Yves pero ilang minuto na ay hindi pa rin sya nagigising kaya ako nalang ang nagpatay.

Mag gagawin din siguro itong project kaya sya nag alarm ng maaga. Mukhang pagod sya sa ilang linggong pasok tapos puyat pa kagabi. Imbis na gisingin ay pinagsawa ko nalang ang sarili ko na titigan ng maganda nyang mukha.

Magkatabi kaming matulog kahit na may kaba sa aking dibdib ay sa kama nya parin ako natutuloy. Hindi naman nya bibigyan ng malisya to kase magkaibigan naman kami. At ganito rin naman ang ginagawa namin kapag ng oover night kami sa isang bahay. Magkakatabi kaming matulog.

Pinaka titigan ko ang mukha nya. Napaka inosente nitong tignan. Sa tuwing ganito ko lamg din kase sya malayang tignan. Hindi ko magawang tignan sya ng matagal kapag magkasama kame. Natatakot kase ako na baka mahuli nya ko. Kaya kapag tulog nalang sya ay tyaka ko tinitignan ang maganda nyang mukha.

Lagpas ala sais palang ng umaga. Ang balak kong bumalik sa pagtulog ay hindi ko na nagawa kaya naman dahan dahan akong tumayo sa hinihigaan ko para hindi ko sya magising. Maingat ang bawat hakbang ko para hindi makagawa ng anumang ingay.

Dumiretcho ako sa may kusina at doon ay nakita ko si Tito na nagkakape.

"Goodmorningg po tito" nahihiya pang bati ko. Lumapit ako sa kanya para magmano at tinanggap naman nya yon.

"Magandang umaga din sayo Hija. Inumaga nanaman ata kayo?"

"Medyo po. May pinagusapan din po kase kami ng girls bago naghiwa hiwalay ehh"

"Ehh bakit bumangon ka na? Maaga pa ahh sigurado puyat pa kayo. Wala naman din kayong klase"

"Nag alarm po kase yung phone ni bes, ehh hindi naman po nya pinatay hanggang sa nagising po ako. Hindi na rin po ako ulit nakatulog pa. Sina tita po tulog pa?"

"Ganun ba? Ito talagang si Yves. May gagawin siguro yan kaya nag alarm. Oo tulog pa sila. Kadalasan tuwing ganitong sabado eh late lahat sila tumatayo. Depende nalang kung wala silang gagawin. Kaya late na din magluto sina Yaya. Kape gusto mo? Yun lang kase ang maiaalok ko sa'yo ehh".

Naisip ko naman na ako nalang ang magluluto ng umagahan para sa lahat. Para kahit papaano naman ay makabawi ako.

"Ako na po tito, amm pwede po ba kong maglagalag dito sa kusina nyo tito? Ako na po sana ang magluluto ng breakfast para sa lahat. Pambawi na rin po sa pakikitulog ko dito ng madalas "

"Naku ano ka ba. Hindi naman na kailangan yon. Mga anak na rin ang turing namin sa inyong pito. Gaya ng ibang parents sa inyo. Hindi na kayo iba sa amin kaya huwag ka ng mahiya. Feel at home ka lagi dito"

Sa sinabing iyon ni tito ay muli akong napakamot ng ulo. Kahit kase close ako sa kanila hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya lalo na parents sila ng taong pinaka mamahal ko

"So pwede po ako gumamit ng kusina?" Pag uulit ko pa.

"Ikaw na bahala mukhang hindi naman kita maaawat ehh. Basta lahat ng pinag gamitan mo lagay mo nalang sa lababo hayaan mo na sina Yaya na magligpit ng mga iyon. Tignan mo nalang sa ref kung anong mailuluto mo"

"Yes po tito, thankyou po"

Nagpunta na ko sa kitchen at naghanap ng maaari kong lutuin. I decided to cook sunny side up eggs, bacon, hatdog and nuggets. Then nagsangkap na rin ako para sa pancakes na lulutuin ko din.

Favorite ko kase ang pancake at ilang buwan na rin akong hindi nakakakain nito. Tinatamad kase akong magluto sa condo dahil ako lang namang mag isa don at wala din akong kasamang kakain.

Through The Years Where stories live. Discover now