20

237 12 0
                                    

GLEN'S POV

Kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin maayos si Cley. Si ate Ara okay na sila ni Jan nitong mga nakaraan pero muling nagkagulo dahil sa kagagawan ni Cley.

Ewan ko ba dito sa bestfriend ko kung anu ano naiisip, sugod ng sugod wala naman palang patunay. Pinapasunod ko lang naman sya dito sa university dahil hinahanap sya ng proff na nag oorganize ng graduation program.

Akala ko ayus ang loko tapos biglang bwisit at lutang na nagpunta sa akin. Nagkasagutan daw sila ni Jan at huli na bago nya na realize na mali yung ginawa nya. Kaya heto sya ngayon nagpapahupa ng yang over.

Sinabihan sya na mag cchange ng part ang speech ng architecture department at engineering department. Sa madaling salita mauunang mag sspeech si Cley kaysa kay Jia. Ako rin naguluhan dahil nabigay na sa amin ang program set list pero wala kaming magagawa dahil desisyon nila yon.

Pagkatapos naming mag usap ni Cley ng personal ay hinatid ko na sya sa Condo nya para makapag pahinga at makapag isip.

Ngayong hapon din kase gaganapin ang Graduation ni Yves at ayaw kong mawala sa oras na iyon. Tapos na rin ang rehearsal namin kaya dumiretcho muna ako ng Condo para magbihis.

After magbihis ay umalis na ko at nagpunta sa kanila. Bihis na sya ng dumating ako at parang ako nalang din ng hinihintay

"Sorry late ba ko?" Tanong ko

"Hindi naman halos katatapos ko lang din. Tara na?"

"Sina tita?"

"Susunod nalang daw sila. May inaasikaso pa si Daddy ehh pero makakahabol naman sila sa graduation march"

Nagpaalam na kami kina tita na mauuna na kami. At habang nasa sasakyan ay naisipan kong i kwento sa kanya yung ginawa ni Cley.

"Loko loko talaga si Cley. Masyadong naaapektuhan sa hindi pagpaparamdam ni Jia"

"Mahal nya ehh. Ano bang nangyari?

"Di'ba kanina nasa university ako. Wala pa rin sya at hinahanap na sya ng isa sa mga nag oorganize ng graduation kaya kinontak ko. Akala ko ayos sya. Sumunod sya sa university right there and then lasing pala ang putek buti nalang at ligtas syang nakarating ng School kundi makokotongan sya sa akin."

"Tapos? Anong nangyari"

"Lutang at tulala. Ni hindi ko nga sure kung naintindihan nya yung sinabi nung proff ehh. Kaya tinanong ko sya after kung ano saloobin nya. Yun pala napag away nya pala sina Jan at Ate Ara"

"Huh? Agik napano?"

"Di'ba nasabi ko sayo nung niyaya ko sya lumabas?"

"Opo. Yung treat mo sa kanya?"

"Yup, nung araw pala na yun nakita nya nya yung dalawa sa Japanese restaurant na dapat pagkakainan namen. Kwento nya masaya daw yung dalawa habang kumakain tapos hindi pa sinasagot ni Jia ang phone nya. Nung akmang lalapit na daw si Cley sa dalawa doon naman tumunghay si Jan kay Jia na parang hahalikan daw"

"Shocksss. Tapos?"

"Hindi naman nya talaga nakita na mag kiss na naganap kase hinila na nya ko palabas ng Restaurant. Tapos kanina nga nakasalubong daw nya yung dalawa which is si Jan at si Ate Ara naman. Kaya akala ni Cley nag ttwo time si Jan. Dahil lasing nga agad na nag init ang dugo ni Cley, sinugod nya yung dalawa then yun boom. Lakas tama talaga ni mare."

"Sira ulong Cley? Hindi ba nya naiisip na hindi magagawa ng dalawa yun? Sa tinagal tagal ng pagsasama naming tatlo kilala ko yung dalawa at alam ko ang paghihirap ni Jia noon para kina Cley at Shen tapos sisirain nya lang?"

Through The Years Where stories live. Discover now