SC- 2 Deep Talk

250 13 6
                                    

YVES'S POV

Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam muna ko sa kanila na maglalakad lakad muna para bumaba ang kinain ko. Para na rin maka iwas sa isang tao sa loob.

Ang awkward kase hindi kami ayos tapos dito pa kami ulit nagkita. Ayaw ko naman na mag cause kami ng gulo kaya ako nalang ang iiwas.

Naging mas maganda ang awra ni Glen ngayon. Nakatulong ang therapy sa kanya para umayos pati ang tindig nya. Medyo nagkakalaman na rin sya.

Dahil naka beach dress ako at sleeveless yun dama ko yung ginaw ng gabi. Sariwa ang simoy ng hangin at tanging naririnig ko lang ay ang agos na nagmumula sa dagat.

Yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig. Hindi ko naman kase expect na ganito ang simoy ng hangin dito sa lugar na ito kapag gabi.

Nakatayo lang ako sa dulo ng dalampasigan kung saan hindi inaabot ang paa ko ng tubig. Pinagmamasdan ng madilim na paligid. Tanging nagbibigay liwanag ay ang buwan.

Habang nakatingin sa kawalan ay muling bumabalik sa ala ala ko ang lahat.

Biglang may pumatong na kung ano sa balikat ko. Nang tignan ko kung ano yun ay isang pamilyar na coat ang bumungad sa akin. Ito yung suot ni Glen kaninang pagkakita ko sa kanya.

Dumako ang tingin ko sa taong nagpatong nito. Sya nga. At ngayon ay tanging tube nalang ang suot.

"P-paano ka?" Utal na tanong ko. Alangan pa kase ako kung kakausapin ko sya or hindi.

"Sanay ako sa lamig. Ahmm can we talk?"

"We are actually changing conversation" simpleng ani ko.

Gaya ko ay nakatanaw lang sya sa malayo. Pinantayan nya ko sa kinatatayuan ko. Kaya naman ngayon ay nasa tabi ko na sya. Narinig ko pa syang bumuntong hininga bago nagsalita

"Sorry for what I did to you 4 years ago"

"Okay na yun tapos na. Ang mahalaga naman eh yung naging maayos ka na"

Hindi ko sya tinitignan. Pareho lang din kaming nakatanaw sa malayo.

"Hindi ehh, pinabayaan kita. Masyado akong naguilt. To the point na nakalimutan ko yung effort na pinapakita mo. Ang gusto ko lang kase is yung layuan mo na ko dahil nagiging pabigat na ko sayo. Hindi kita pinapansin dahil gusto ko na ikaw na ang mismong magsawa. Yun lang kase ang nakikita kong way para layuan mo ko ehh. Sorry kase nasaktan kita."

"Bakit sinasabi mo ngayon yan? Okay na ko ehh. Naka move na ko sa lahat ng sakit na idinulot mo dito ohh" turo ko pa sa dibdib ko. Bakit kase ngayon nya lang sinasabi yang mga bagay na yan? Kung noon pa man sinabi na nya sa akin. Hindi na sana ako nasaktan ng ganito. Mas naintindihan ko pa sana ang gusto nyang mangyari. Hindi sana kami humantong sa bagay na pareho lang din naming pinagsisisihan.

"Kase natatakot ako. Natatakot ako na baka lalo lang kitang masaktan kapag pinigilan kita that night. Nang tawagin kita gusto kong pigilan ka. Gusto ko ng humingi ng tawad sayo non. Pero naisip ko na kailangan ko munang baguhin ang sarili ko. Ahmm no. Kailangan ko palang bumalik sa dating ako. Kailangan kapag humarap ulit ako sayo ayos na ayos na ko."

"Then what's now?"

"I love you, hindi nawala yun simula noon. Hindi nagbago ikaw lang ang laging laman ng puso ko. Can I asked your forgiveness and let's continue our love story? Alam kong napagago ko. Napaka sira ulo ko dahil ang lakas ng loob kong hingin ang kapatawaran mo. Lahat gagawin ko para lang  makamit ang inaasam kong kapatawaran."

Nagsimula ng umagos ang luha sa aking mga mata. Akala ko wala na kong luhang mailuluha pa, meron pa pala.

I didn't expect na lalabas ang mga katagang iyon sa bibig nya. Muli kong narinig sa mga labi nya ang mga katagang ang tagal kong hinintay mula ng magising nya.

Through The Years Where stories live. Discover now