CHAPTER 11

1K 13 0
                                        

YAEL'S

Sabay sabay silang pumasok sa kusina ng mga kaibigan. Naabutan nila na naghahanda ng pagkain sa mesa ang ina at si Manang Luz. Tumingin lang sa akin si mama bago inaya ang mga kaibigan ko na kumain.

"Maupo na kayo at kumain na."

"Thank you Tita."

Sabi naman ng mga kaibigan ko. Hindi ko na muna binati si mama dahil sigurado akong galit pa rin ito sa akin.

"Manang, tawagin mo na si Yana at Sab. Atsaka sumabay na kayo ni Yaya sa amin kumain."

Utos naman nito sa kasambahay.

Bago pa sumunod si Manang Luz sa utos ni mama ay inunahan ko na ito.

"Ako na ang tatawag sa kanila. Maupo ka na lang manang para makakain ka na rin."

Nag-tinginan ang dalawa bago ako umalis para puntahan si Yana at ang anak sa garden. Naabutan ko ang dalawa na nakahiga sa manipis na damo ng garden. Marahil ay napagod ang mga ito sa habulan kaya naisipan mahiga sa manipis na damo ng hardin. Ang kasambahay na si Yaya Alma ang tinawag ko para makuha ang pansin ng dalawa.

"Yaya Alma, pumasok na kayo sa loob kakain na."

Lumingon ang tatlo sa akin.

"Daddy~"

Sigaw ng anak  ko saka tumayo para tumakbo papunta sa akin. Agad ko naman itong sinalubong.

"Your sweating baby. Did you have fun?"

Tanong ko sa anak. I saw Yana and Yaya Alma in my peripheral vision, na naglalakad palapit sa amin ni Sab.

"Yes Daddy. Ang saya pala magkaroon ng mommy. Nagkaroon ako ng playmate, wala kase ibang kids near dito sa hacienda. Kaya wala ako kalaro. Pero dahil nandito na si mommy meron na."

Masiglang wika nito sa akin.

"Ang daldal naman ng baby."

Wika ko dito ng naka-ngiti saka marahang pinisil ang ilong nito. Humagikgik naman ang bata.

"Kain muna tayo anak tapos mag-rest ka saglit saka ka maligo. Medyo umasim ka e."

Sabi ko pa sa anak ko.

Agad naman pumayag ang bata. Akala ko ay mapabuhat ito ngunit hinawakan lang nito ang isa kong kamay saka nito tinawag si Yana para hawakan rin ang kamay ng dalaga.

"Yey, I have mommy's hand and daddy's hand. We're complete na po."

My daughter said. I look at Yana to see her reaction but she is just staring at my daughter with her tearing eyes. Tumalikod ang dalaga sa kanila bago patago na pinahid ang namuong luha sa mata nito na nakita ko. Nanatili naman na hawak nito ang kamay ng anak ko.

_______________________________________

YANA'S

Nakikita ko ang sarili sa anak ni Yael. Bata pa ako ng maulila sa ina samantalang hindi ko naman nakilala ang ama ko. Kahit lumaki ako na parang may magulang sa katauhan ng lolo at lola ko. Hindi ko pa rin maiwasan na mangulila sa mga taong nag-bigay ng buhay sa akin. Naiinggit pa rin ako sa mga batang kasama ang mga magulang nila.

Kaya hindi ko naiwasan na mangilid ang luha ng makita sa bata ang saya habang iniisip nito na kompleto ang pamilya nito. Mapatawad pa kaya ako ng bata oras na malaman nito ang totoo? Hinihiling ko na sana hindi ito mag-tanim ng sama ng loob oras na malaman nito ang totoo.

Tumingin ako kay Yael ng maramdaman  ko ang paninitig nito. Agad rin akong nag-binawi ng tingin dito ng mapansin na tila sinusuri ako ito.

"Tara na mommy, daddy. Baka kumakain na si mamita."

Nagpatianod lang sila ni Yael sa bata papunta ng kusina. Ang inaasahan ko na naghihintay sa amin ay ang ina lang ni Yael at si Manang Luz. Ngunit iba ang nadatnan ko. May mga lalaking hindi ako pamilyar na kasalo ng ina ni Yael na kumakain.

"Mamita~"

Masiglang tawag ni Sab sa lola niya. Lahat ay nakatingin sa kanila maging ang ina ni Yael na si Ma'am Cita ay masuring nakatingin sa kanila. Sinubukan ko na bitawan ang kamay ni Sab pero hinila lamang ako nito papunta sa hapag kasama si Yael.

"Mukhang masaya ang apo ko."

Bati naman ni Ma'am Cita kay Sab pero sa amin siya nakatingin ni Yael.

"Syempre naman Mamita. I played with mom in the garden and dad came. Para sunduin kami kase kakain na. May buong family na talaga ako mamita. I'm so happy po."

Masaya pang kwento ng bata.

Nang sa wakas ay binitawan na ni Sab ang kamay ko ay ipinag-hila ito ni Yael ng upuan ay aalis na sana ako. Ngunit ang lalaki naman ang humawak sa kamay ko. Napapitlag ako sa ginawa nito at tumingin sa mga kasama nila. Bakas rin ang gulat sa mukha ng mga kasama nila.

Tiningnan ko ang lalaki at sinubukan alisin ang kamay sa hawak nito.

"Sumabay ka na sa amin."

Wika pa nito. Tatanggihan ko sana ito ng muli itong mag-salita ng pabulong.

"Ayaw mo naman sigurong isipin ng bata na ayaw mo siyang kasabay na kumain?"

Saka ako pinag-hila rin ng bangko ng lalaki. Ramdam ko pa rin ang tingin na ibinibigay ng mga kasama sa hapag.
Pilit ko na lamang na ini-ignora iyon. Itinuon ko na lang ang sarili sa pag-aasikaso kay Sab para mawala ang ilang na nararamdaman ko.

Ngunit tila yata nananadya ang lalaki dahil nag-umpisa itong lagyan ang plato ko ng mga pagkain. Hindi alam ni Yana kung paano pipigilan ang lalaki sa harap ng anak nito.

" 'Wag puro si Sab ang intindihin mo. Kumain ka rin."

Wika nito.

Nag-init ang mga pisngi ko ng makita ang nakakalokong ngisi ng mga lalaki na kasama nila sa hapag.

"Sab ang sweet ni daddy mo kay mommy, ano?"

Sabi nang lalaking may hikaw sa kanan at green ang mga mata.

"Uncle Titus, it's a fact na sweet sila. Mag-asawa kaya sila. Kagabi nga nakita ko sila sa kitchen e. Daddy is staring at mom like she is the only one matter to him. "

Kanya kanyang tikhim ang narinig ko sa mga kasama sa hapag.

"Talaga ba, Yael? Sa kitchen?"

"That is not what you think, Jacob."

Babala ni Yael sa lalaking tinutukso sila. Habang ako naman ay kinabahan. Nakita sila ni Sab sa kitchen kagabi hindi kaya narinig nito ang usapan nila.

"Nakita mo kami kagabi, baby?"

Tanong ko sa bata.

"Yes po. Pero hindi po ako nag-stay kase alone time niyo po ni daddy yun e. Ako sa morning si daddy sa night."

Naka-ngiti pa nitong wika.

"So, wala kang narinig anak?"

Tanong naman ni Yael sa bata.

"Wala po. Yaya Alma said na kapag alone time ng mommy at daddy dapat hindi sumisingit ang anak. Kaya I gave mommy's time with you last night. See? Akin siya all morning. We played until we got sweaty."

Makulit pa nitong paliwanag. Sabay silang napalingon ng lalaki kay Ate Alma na agad naman nag-iwas ng tingin.

_________________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon