YANA'S
"Sigurado ka ba Yael na hindi si Dianne na anak namin at asawa mo itong kasama mo?"
Gulat pa rin na tanong ni Mrs. Rosenda Alvares. Maging ang asawa nito na si Mr. Derrick Alvares ay nakatitig at hindi pa rin makapag-salita sa akin.
"Yes, Dad. I check everything about her. And my friend RJ-who is a doctor- test her with my daughter Sab. Hindi siya si Dianne pero baka related siya kay Dianne, sa inyo."
Sagot naman ni Yael sa kanila.
"Ano ang pangalan mo, hija?"
Mr. Alvares finally ask.
"Ako po si Queyana Baltazar, Yana na lang po."
Magalang kong pakilala dito.
"Tell us about yourself. Kailangan ka namin kilalanin. Kailangan namin kung sino ang nag-palaki sayo. And we also need to do a DNA test to see kung anak ka ba namin o kamukha mo lang ang anak namin."
Wika pa ni Mrs. Alvares.
"Lumaki po ako sa probinsya kasama ang lolo Edel at lola Felly ko. Carmela Baltazar po ang pangalan ng nanay ko. Na-"
Pinutol ni Mr. Alvares ang sinasabi ko nang marinig nito ang pangalan ng nanay ko.
"Wait, anak ka ni Carmela?"
Nagtinginan ang mag-asawa.
"Kilala niyo po ang nanay ko?"
Takang tanong ko naman.
"Yes, we know her. Surrogate mother siya ng anak namin na si Dianne. May Antiphospholipid antibody syndrome or APAS ang asawa ko. About siya sa pagiging over-drive ng antibodies ng isang tao. It means my wifes antibodies attack all foreign bodies- which includes anything related to making babies. Kaya we decided na kumuha kami ng pwedeng mag-buntis para sa kanya. Kukuha ang doctor ng egg cell at sperm cell sa aming dalawa tapos ibang babae ang magbubuntis. Nakilala namin si Carmela through Aling Isay, dati namin siyang katulong. Ipinakilala niya sa amin si Carmela kababaryo daw nila na nangangailangan ng malaking pera. Noong una nag-alangan pa kami sa kanya kase dalaga siya ayaw namin makasira ng kinabukasan. Pero dahil desperado na rin kami kinuha na rin namin siya. Risky para sa asawa ko at sa magiging baby namin kapag nag-dalang tao siya. At ayoko rin malagay sila sa alanganin kaya natuloy rin ang pagiging surrogate mother ni Carmela."
Mahabang paliwanag naman ni Mr. Alvares.
"Si Aling Isay at ako ang nag-alaga kay Carmela habang pinagbu-buntis niya ang anak namin ni Rick. Pero ang alam ko isa lang ang bata na pinagbu-buntis niya. Dahil yun ang lumabas sa ultra sound. Nang manganak si Carmela sa anak namin na si Dianne wala ang isa man sa amin ng asawa ko ang nasa tabi niya. Tanging si Aling Isay lang ang kasama niya. Nasa bussiness trip kami pareho ng asawa ko at pag-balik namin ibinigay na lang sa amin ang isang sanggol. At si Dianne 'yon. Gusto sana namin mag-pasalamat kay Carmela dahil siya ang naging daan para matupad na namin ng aking asawa ang aming pangarap na magka-anak. Pero hindi na namin alam kung saan ko-contact-in si Carmela o kung saan siya hahanapin. 'Ni hindi niya nga nakuha ang pera na dapat ibabayad namin sa kanya."
Hindi ko alam kung paano magre-react sa mga narinig mula sa mag-asawa. Gusto kong sabihin na mali lang ang mga ito. Pero tumutugma ang lahat ng kwento ng mga ito.
"We don't know na may kambal ang anak namin. Hindi na kailangan magpa-dna test dahil kitang kita ko sayo ang mukha ng anak namin."
Sabi pa ni Mr. Alvares.
Kahit may bikig sa lalamunan ko dahil sa pinipigil na emosyon ay nag-salita pa rin ako.
"Hindi pa rin po ako makapaniwala sa mga narinig ko. Pero para sa peace of mind ko po, pwede po ba na magpa-DNA test pa rin po muna tayo. Gusto ko pong bigyan ng benefit of the doubt si Mama ko. Gusto ko pong patuyan sa sarili ko at sa inyo na baka nagkakamali lang po tayo ng hinala dahil magka-mukha kami ni Dianne."
Emosyonal kong wika.
"Naiintindihan namin hija."
Wika naman ni Mr. Alvares habang pinipisil ang kamay ng asawa.
"Yael, where did you find Yana? Nahanap mo ba siya habang hinahanap si Dianne?"
Maya maya naitanong ni Mrs. Alvares.
"Nakita po siya ng mga tauhan ko sa hacienda sa dulo ng lupain ko walang malay at puro sugat. "
Sagot naman ng lalaki.
Nagaalalang tumingin sa akin ang mag-asawa.
" 'Wag po kayong mag-alala okay na po ako. Hindi ko lang po maalala sa ngayon ang nangyari sa akin kung paano ako napadpad sa poder ni Yael."
Wika ko naman para mawala ang pag-aalala ng dalawa.
" Ang sabi po ng doctor niya hindi niya maalala sa ngayon ang nangyari sa kanya kase nire-refuse ng brain niya na maalala ito dahil na-trauma siya sa kung ano man ang nangyari sa kanya."
Dugtong pang muli ni Yael.
"Ano ba ang huli mong natatandaan hija?"
Tanong pa ni Mr. Alvares.
"Ang huli ko pong natatandaan si Aling Isay, isasama niya daw ako dito sa maynila para makilala ko ang tunay kong papa. Sumama ako sa kanya pero nagising na lang ako na nasa bahay na ako ni Sir Yael."
" Don't worry malalaman na natin kung ano ba ang nangyari sayo. Pinakikilos ko na ang tao ko para alamin 'yon."
Wika naman ni Sir Yael.
"Salamat po, Sir." Pasasalamat ko dito saka tumingin muli sa mag-asawang Alvares. " Kailan po tayo magpapa-DNA test?"
"Bukas na bukas din. Magpapa-schedule na kami sa family doctor namin. Pero kung kami ang ttanungin, wala na kaming pagdududa. Nararamdaman ko na anak ka namin. Pero dahil nire-respeto namin ang desisyon mo susundin ka namin . "
Mabilis na sagot ng ginang.
Nag-pasalamat ako sa naging tugon nito. Mabait ang mag-asawang Alvares kaya kung totoo man na ito ang mga magulang ko ay ma-swerte ako. Pero hindi rin naman ako malas dahil pinalaki ako ng lolo at lola ko sa sobra sobrang pagmamahal. Oo nga at kulang kami sa mga materyal na bagay pero hindi naman sila nag-kulang sa pagbibigay ng mabubuting pangaral at pagmamahal sa akin.
Sa naisip ay bigla kong na-miss ang dalawang matanda.
______________________________________💜
To be continued...
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
RomanceNagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng taong hindi niya pa naman nakikilala sa buong buhay niya. At kahit alam niya na isa itong estranghero a...