CHAPTER 43

351 5 0
                                    

YAEL'S

"Ano nga ang ginagawa mo dito?" Muli niyang tanong nang hindi ako sumagot. "Alam mo ng magagalit ang magulang ko dahil sa pag-sunod mo dito sa kwarto ko." Diin niya pang wika.

"Hindi pa ba halata? Sinundan ko kayo, dahil na-miss kita. Nang sobra-sobra. At mababaliw na ako ng tuluyan kung iiwasan mo pa ako." There I said it.

Lumingon siya kay Sab na nakatingin sa amin. " Baby, dito ka lang sa kwarto ko ha? Mag-uusap lang kami ng Daddy mo. Atsaka kalimutan mo na ang narinig mo sa kanya, nag-bibiro lang siya." Tumango lang sa kanya ang anak ko kahit halata sa mukha nito na tila naguguluhan ito.

Hinila niya ako palabas ng kwarto niya. Isinarado niya iyon, para siguro hindi kami marinig ni Sab. Nang nasa labas na kami, sa may hallway ay saka niya ako hinarap.

"Nababaliw ka na ba talaga? Sa harap talaga ng bata? Lolokohin mo ang nanay niya?" Nanggigigil niyang wika.

"Hindi ko niloloko ang Mommy niya." Madiin kong sagot.

"Ang ibig mo bang sabihin ako ang niloloko mo?"

"I did not say that." Sagot ko agad. "Hindi ko lang masabi noon, pero alam kong kahit papaano naparamdam ko sayo. Mahal kita, Yana. Mahal na mahal at hindi ako papayag kung mapupunta ka lang sa iba."

I said. Declaring how deep my feelings for her. I stared at her eyes. I am trying to not look away, scared that she will not believe me. "Paano si Dianne?" Mahinang tanong niya.

I closed the remaining distance between us. "You don't need to worry about her. Nag-usap na kami. Nag-kasundo kami na mag-hiwalay."

"Nag-usap? Nag-kasundo? Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin. Pero sa tingin ko nababaliw na kayong dalawa. Inisip niyo man lang ba si Sab? Ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na mag-hihiwalay ang parents niya? Ang magulang namin ni Dianne? Ano na lang ang sasabihin nila? Sa tingin mo papayag sila?" Naguguluhan niyang wika. Fear is visible in her eyes.

"Maiintindihan ni Sab, kapag ipinaliwanag natin sa kanya. And as for your parents, hahayaan mo ba na pigilan nila ang happiness mo? Andito na tayo, Yana. Hindi na kita kayang pakawalan." I sighed. Pilit pinipigilan na bumuhos ang namumuong luha sa aking mata, dahil sa takot na baka tanggihan niya ako.

"Hindi ko sila kayang suwayin, Yael. Naging napakabuti nila sa akin at sa mga nag-palaki sa akin. Tinanggap nila ako... kami ng buong puso."

" Paano ako Yana? Mahal kita. Mahal na mahal. Pipiliin mo ang magulang mo? Ngayon mo lang sila nakilala." Lumalakas na ang boses na wika ko.

Nakita ko ang pag-patak ng luha sa mga mata niya. Hinila ko siya para yakapin.

"Tama ka ngayon ko lang sila nakilala. Kaya nga gusto ko pa silang mas makilala pa. Yael magulang ko sila. Hindi sila kung sino lang. Sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay."

Pilit kumakawala sa akin si Yana, pero hindi ko siya hinayaan. "Bitawan mo na ako, please?" Nagmamakaawa na wika niya.

"Ayoko." Mariin kong wika. "I don't want to let you go, Yana. Dahil kapag ginawa ko yun para mo na ring sinabi na wag na akong huminga." I kissed her shoulder. "It maybe cliche it may sound but, you are my home. You make me believe that love is still for me. I thought this love would never happened to me. But you came like a thunder bolt. It happened so fast and I never expected that it pointed straight to my heart."

_________________________________________

YANA'S

I could hear the rapid sound of my heartbeat. Na parang nais noon kumawala sa kinalalagyan. Para akong idinuduyan ng mga salitang narinig ko mula sa kanya. Eto na yun, ang mga katagang hinihintay ko na marinig sa kanya. Sinabi na niya. Pero bakit ganito? Hindi ko lubusan na maramdaman na masaya ako.

"Mahal rin kita, Yael. At masaya ako na sayo ko naramdaman ang ganitong klase ng love. You are worth it...para pag-alayan ko ng pagmamahal ko." Tinitigan ko siya sa mga mata at pinawi ang luha sa kanyang pisngi. " Pero mali ito. Hindi ko kayang masaktan ang mga taong importante sa atin. Dahil sa nararamdaman nating dalawa. Worth it, ang pagmamahal na ito...pero hindi worth it na masaktan sila dahil dito. Hindi nila deserve na masaktan dahil satin Yael."

Kita ko ang determinasyon sa mga mata ni Yael na wag akong pakawalan. Lalo ko lamang nararamdaman ang bigat sa dibdib ko. Gusto ko siyang yakapin at tanggapin na lang ang pagmamahal na  binibigay niya. Pero hindi ko kaya na may masasaktan kami. Dahil alam kong hindi naman ako magiging masaya ng lubos kung sakali.

"Please, Yana. Give me a chance na ipaglaban kung ano ang meron tayo. Wag mo naman akong tanggalan ng karapatan na patunayan sayo na kaya kong ipanalo ang pagmamahalan natin."  Hawak ko pa rin siya sa pisngi. Nakatingin ako sa mga mata niya , sa ilong hanggang sa dumako ang mata ko sa mga labi niya. Para akong nasa paraiso habang pina-pakinggan ang mga sinasabi niya. " Give me a chance, Yana. Pangako gagawin ko ang lahat para matanggap nila kung ano ang meron tayo."

Yael said, then captured my lips with a hungry kiss. Ang lahat ng isipin at pag-aalinlangan ko ay parang natunaw na lamang bigla ng dahil sa iginawad na halik sa akin ni Yael. He how me through the kiss how much he miss and loves me. Like he is trying to redeem all the days we're apart from each other. The kiss last longer than ever. Kung hindi nga lamang kami kinapos ng hininga ay hindi pa rin kami mag-bibitiw sa labi ng isa't isa.

Gusto kong maniwala sa kanya. Gusto kong maniwala na pwede kaming magmahal na wala kaming masasaktan na tao. Pero nand'yan  si Sab, at ang mga magulang ko.  " I'm sorry." Wika ko at kumawala sa kanya.

Nag-tagumpay naman ako na makawala sa kanya. Ngunit nakaka-ilang hakbang pa lamang ako, nang pigilan niya ako sa kamay. "No, i won't let you go."

"Please? Just please?"

Pilit kong hinihila ang kamay ko. Pero dahil mas malakas siya kaya hindi ako maka-alis. Nabitawan niya lang ako ng bigla siya matumba dahil sa suntok ni Papa. Na hindi ko namalayan ang pagdating.

"Yael!" Naisigaw ko na lamang ang pangalan niya ng makita ko ang dugo sa gilid ng labi. Plano ko dapat na lapitan siya ngunit hinila ako ni Papa at nilagay sa likod niya.

Doon ko napansin na nandito na sa taas na ang lahat. Maging si Alex at Tita Ria. Nakita ko ang paglapit ni Dianne kay Yael. Tinulungan niya itong tumayo. Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang pag-alalay ni Dianne kay Yael. Kinakain ng selos ang buong pagkatao ko. Hindi ko gustong nakikita na mag-kadikit sila.

"Pinag-sabihan na kita. Layuan mo si Yana. Hindi ka talaga titigil ano? Gusto—"

"Tama na, Pa." Putol ni Ate Dianne sa galit na galit na si Papa. " Walang kasalanan si Yael. Nagmahal lang siya. At mahal niya ang kapatid ko. Bakit hindi na lang natin sila hayaan?"

________________________________________
💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon