YANA'S
May kung ano na binabasa si Yael ng maabutan ko ito sa loob. Agad naman nitong binitawan iyon ng makita ako.
"May kailangan ka ba?"
Tanong nito sa akin.
"Sinabi sa akin ng mama mo last time na pa-iimbestigahan niyo ako. Ngayong napatunayan ko na sayo na hindi ako ang asawa mo. Pwede ko bang hilingin na mag-trabaho sa bahay niyo kahit isang buwan lang? Para maka-ipon ako ng pamasahe pauwi sa amin. Nasabi ko na 'to dati sayo, gusto ko lang ulitin para malinaw sa atin na nag-i-stay lang ako dito dahil hinihintay ko na sabihin niyo sa bata ang totoo. Atsaka isasabay ko na rin ang pagta-trabaho ko dito habang hindi niyo pa nasasabi sa kanya."
Tumitig ito sa akin na ikina-ilang ko.
"You don't need to ask. Pero pwede naman kitang bigyan na lang pamasahe pauwi. Kung gusto mo. Pero dahil alam ko naman na hindi ka papayag kaya hindi ko na ipipilit."
"Ayoko mag-pabayad ng wala naman akong ginagawa. Sana lang bago matapos ang isang buwan magawa niyo ng sabihin sa anak mo na hindi ako ang mommy niya. "
"Your right. I should tell her the truth. I probably would. But not now, give me time. Ngayon lang naging masaya ang anak ko. Sana maintindihan mo."
Paki-usap nito sa akin.
"Sige. Pero sana maintindihan mo rin na naaawa ako sa kanya. Dahil pina- paniwala natin siya sa isang kasinungalingan. Masasaktan siya sa huli kapag nalaman niya ang totoo ."
Tumango lang ang lalaki. Hindi dapat ako maawa sa lalaki dahil sa ginawa nito sa akin. Pero dahil nakikita ko dito ang pagmamahal sa anak, na nagawa pa nitong mag-sinungaling para lang maranasan ng bata na magkaroon ng isang ina. Ano nga kaya ang rason para iwanan ng babae ang asawa at anak nito?
Mukhang mahal na mahal naman ito ng lalaki. Dahil hindi naman siguro nito hahanapin ang babae ng mahigit dalawang taon kung hindi nito mahal ang asawa.
"Ayoko sana makialam. Pero bakit ba umalis ang asawa mo? Bakit nagawa niyang iwan ang isang batang anghel na gaya ni Sab? Sinasaktan mo ba siya?"
"Hindi ko kahit minsan sinaktan ang asawa ko. My mom and I were abused by my biological father."
Madiin niyang sagot.
"Sorry, sige labas na ako. Kinausap lang talaga kita para maging malinaw na ang lahat."
_______________________________________
YAEL'S
Napahilamus ako sa mukha ng makalabas ng opisina ko si Yana.
Hindi ko alam kung ano ang tamang akto ang gagawin ko sa harap ng dalaga. Nahihiya ako sa mga nagawa ko sa kanya. Kinamumuhian ko ang sarili dahil hinayaan ko na pangunahan ako ng damdamin ko.Pinangako ko sa sarili noon na hinding hindi ako mananakit ng babae. Pisikal man o sa emosyon na aspeto, dahil ayaw kong maging katulad ng biological father ko. Pero sa tingin ko mas malala pa ako sa ama ko.
Sa bawat araw na nakikita ko ang babae habang kasama ang anak ko. Hinihiling ko na sana ito na lang ang nanay ng anak ko. Dahil nakikita ko kung paano nito mahalin ang anak ko base sa kilos nito. Kahit pa nga hindi naman nito anak ang bata.
Akmang tatayo ako para kumuha nang tubig ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello, Ma."
Sagot ko nang makita kong si mama ang tumawag.
"Binigay na sa akin ni Dr. Camposano ang result ng medical record ng babaeng kamukha ng asawa mo. Two days ago pa, kaya lang may iba akong inasikasso kaya ngayon ko lang nasabi sayo. She's telling the truth, hijo. She is not your wife."
Bumuntong hininga ako bago nag-salita.
"I know, Ma. Nag-report na rin sakin ang PI na inutusan ko para alamin ang lahat tungkol sa kanya. And there is a chance na related siya sa asawa ko."
"What do you mean related?"
Nahimigan ko ang pagtataka sa tono ng boses ni mama sa kabilang linya.
"Saka ko na sasabihin kapag sigurado na ako."
Sagot ko na lang dito.
"Okay. Sana lang hindi mo pinapakitaan ng hindi maganda si Yana. Ipapa-alala ko lang. She is not your wife. Mag- kamukha lang sila pero mag-kaibang tao sila."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay mama. Pero napag-desisyunan ko na sabihin dito ang totoo. Alam kong hindi siya matutuwa kapag nalaman iyon ng mama ko. Dahil walang babae na biktima ng pang-aabuso ng lalaki ang matutuwa sa ginawa ko kay Yana. What I did was a crime and I am thanking Yana for not reporting me to the authority. Alang alang na llang daw sa anak ko. Yana loves my daughter her own.
"Ma, I did a terrible mistake to Yana."
Panimula ko.
"What mistake? Did you hurt her?"
"Worse than that." I sigh before I continue. "I rape her, Ma. My emotion got me out of control. I force myself to her."
Matapos kong sabihin iyon ay isang mahabang katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya.
"Ma? Are you mad?"
What am I asking? Malamang galit siya.
There is a long silence before I heard her spoke with a trembling voice."Did I raise you wrong? Did I failed as your mother?"
Kapagkuwan ay tanong nito. Narinig ko ang pag-piyok sa boses nito.
"No, Ma. You raise me really really good. My action is my fault and not yours. Hindi ka nagkamali sa pagpapalaki sa akin. "
"Pupunta ako ngayon dyan. Pag-usapan natin ang nangyari. Gusto ko rin maka-usap si Yana."
Sabi nito bago putulin ang linya.
Lumabas ako ng opisina para puntahan ang anak ko. Ngunit nang makita ko naman ito ay kasama nitong muli si Yana sa kwarto. Nakadapa ang dalawa sa sahig habang busy sa pagkukulay ng coloring book.
Nakikita kong masaya ang anak ko kapag kasama ang dalaga. Ganoon rin ang dalaga. Muli na naman akong napatitig sa dalaga ng makita ko na ngumiti ito. Hindi kase ito ngumingiti kapag kaharap ako.
Mayroon itong maganda at inosenteng ngiti na sa tingin ko ay sa anak ko at sa mga ka-close lang nito ipinapakita. Habang tumatagal ang titig ko dito ay nakikita ko ang pagkakaiba nito sa asawa ko. Magka-pareho ang mga wangis nila pero makikita ang pagkakaiba.
Hindi ko na inabala ang dalawa sa ginagawa. Umalis na lang ako at dumeretso sa bar area ng bahay. Kumuha ako ng baso at nag-lagay ng yelo saka nag-salin ng alak. Muli akong bumalik sa opisina ako habang dala ang inumin.
______________________________________
💜
To be continue...
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
RomanceNagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng taong hindi niya pa naman nakikilala sa buong buhay niya. At kahit alam niya na isa itong estranghero a...