CHAPTER 35

294 4 0
                                    


YAEL'S

Seeing Yana in my arms, sleeping soundly makes me at peace. Masarap kase sa pakiramdam na komportable siya sa bisig ko. Nakakabakla man pakinggan para sa akin, siya ang nag-iisang babae na nakakapag-palambot sa akin ng ganito.

Hiniling ko nga kanina na sana huminto ang oras. Tumigil ang mundo. Para hindi na kami umalis dito. I know that was a selfish wish. Hindi ko na naisip ang anak ko. I heaved a deep sigh.

Mami-miss ko ang lahat nang ito oras na bumalik kami. Tapos na kase ang dalawang araw na pagsasaya at ngayon na kami babalik pa-manila. Gusto ko pa nga sanang sabihin kay Yana na mag-tagal pa kami kahit kaunti. Pero alam ko naman na hindi siya papayag. Hindi man niya sabihin, pero alam ko na nag-aalala siya kay Sab. Parang mas magulang pa nga siya kaysa sa aming dalawa ni Dianne.

Ilang beses kong hiniling na sana si Yana na lang ang naging nanay niya. Dahil mahal na mahal siya ng babae kahit hindi naman siya galing dito. I want Yana to be the mother of my daughter. To be my wife. At sisiguraduhin ko na mangyayari yun. Gagawin kong legal ang lahat. No matter what it takes.

Bumangon ako at dumeretso sa banyo. Mauuna na akong maligo. Gigisingin ko na lang mamaya si Yana. I don't want to cut her rest. Halos pumuputok na ang araw ng matulog kami, because of our uncontrol desire with one another. Napangisi ako. When it comes to Yana my patience is thin.

Nang matapos akong maligo ay lumabas ako na nakatapis lang ng tuwalya. Agad dumako ang paningin ko kay Yana na kakagising lang at pumu-pungas pungas pa.

"Naligo ka agad? Ang aga naman?"

Tanong niya.

"Yeah. May tatawagan kase ako. Para hindi na tayo bumyahe ng matagal. We are going to ride my helipad. Matulog ka pa. I am sure you're tired and sore."

Sagot ko naman na naka-ngisi.

"Sino kaya ang may kasalanan?"

Narinig kong bulong niya. Natawa ako saka lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo.

"Yes, it's my fault. And I'm not sorry for that."

"Teka sabi mo sasakay tayo ng helipad? E paano yung kotse mo? Iiiwan mo lang?"

Nagtataka niyang tanong kapag-kuwan.

"Silly girl. Tatawag ako ng designated driver na maghahatid ng kotse ko sa bahay."

Napa-tango tango siya.

"Maliligo ka na ba? O, magpapahinga ka pa muna? Ok lang naman."

Wika ko pa sa kanya.

"Maliligo na ako. Nanlalagkit ang pakiramdam ko e."

Sagot naman niya.

"Do you need help? Gusto mo ba buhatin kita?"

Tanong ko na naka-ngisi. Tumawa siya at marahan akong hinampas.

"Loko. Kaya ko na 'to. Hindi naman ako nalumpo."

"Ay, hindi pa ba. Ibig sabihin kailangan ulit natin gawin."

Biro ko sa kanya. Kinurot niya ako saka nagmamadaling pumasok ng banyo.

"Why did you run? That my goal. To make you unable to stand."

Habol ko pa. Narinig ko lang siyang may saya sa tinig na sumigaw ng 'Baliw'.

_________________________________________

YANA'S

Hindi pa siguro sa akin nagsi-sink in na matatapos na ang masasayang araw namin ni Yael ngayon. Kung hindi ko pa narinig ang pagdating ng helipad niya.
Magka-sunod kaming lumabas ni Yael.

"Brother!"

Narinig namin na sigaw ng taong bumaba sa helipad. Isa sa mga kaibigan ni Yael. Si Titus ang may ari ng beach house.

"What are you doing here? "

Pasigaw na tanong ni Yael sa kanya. Dahil sa ingay ng helipad.

"Nalaman ko kase na nag-pasundo ka sa helipad mo. I'm planning to stay here, kaya sumabay na ako."

"Wait, what?"

Gulat na tanong ni Yael.

"Yeah, I am trying to keep my cool pare. Kapag nag-stay ako sa bahay sa manila, patuloy lang akong ise-set up ng date ni mommy sa mga babae. Baka sa susunod kasal na ang i-set up niya. Mawawala ang coolness ko."

Litantya naman nito.

"Paano ka uuwi?"

" 'Wag ka ng tumawag ng designated driver. Ako na ang mag-uuwi ng sasakyan mo. Mga five days lang naman ako dito. Malalaman kase nila mommy kung saan ako pupunta kapag ginamit ko ang sasakyan ko."

"Ok. Basta ingatan mo ang sasakyan ko."

"Sure. Alam ko naman na iningatan mo rin ang beach house ko e."

Hindi naka-sagot si Yael agad.

"Yeah. Basta pag may dumating na mga furniture dyan tanggapin mo na lang. Tapos yung mga ginamit namin itapon mo o ipamigay mo na lang sa mga gusto pang gumamit."

Napatanga si Titus kay Yael matapos sabihin iyon ng huli. Ako naman nagtataka sa kung ano ang ibig niyang sabihin. Wala naman kase kaming nasira na furniture kaya bakit niya papalitan? Nagpabalik-balik ang tingin ni Titus sa aming dalawa.

"Ano ba ang mga dadating na furniture? Na papalitan? Para alam ko kung may pwede pa ba akong tulugan ngayon habang hindi pa dumadating ang mga in-order mo."

Kapag-kuwan ay wika niya.

"May tutulugan ka pa. Sa guest room. Nagamit namin yung sofa at yung masterbed mo. Atsaka yung mesa rin pala sa dining."

Hindi maka-tingin ng maayos si Yael sa kanya. Nagtataka pa rin ako bakit papalitan niya ang mga iyon. E hindi naman nasira yun.

"And where am I going to eat? Pati mesa sa dining hindi mo pinatawad. Kulang na lang sabihin mo sa akin na lahat ng sulok ng bahay ko ginawa niyong pwestuhan para sa sex life niyo. Ipapaalala ko lang hindi sogo hotel o love den itong beach house ko."

Nag-aalburutong wika ni Titus. Saka ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Namula na parang kamatis ang buong mukha ko. Tumalikod ako sa kanilang dalawa. Naramdaman ko pag-hawak ni Yael sa kamay ko.

"Ok lang yun pinaltan ko naman ang mga gamit. Antayin mo na lang. Aalis na kami. Atsaka kung ipapalinis mo ang bahay sa professional cleaner, sabihin mo na lang sa akin kung magkano ha?"

Matapos iyon sabihin ni Yael ay hinila na niya ako pasakay sa helipad. Muli akong sumulyap sa kaibigan niya na si Titus. Hindi maipinta ang mukha nito. Tila may nais pang sabihin. Ngunit tuluyan na kaming umalis sa lugar lulan ng helipad.

Hanggang sa paliit ng paliit sa paningin ko ang iniwan naming lugar.

________________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon