YANA'S"Maam kain na po kayo."
Wika ni Ate Alma habang bitbit ang isang tray nang pagkain. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng magising ako. At ang mga taong namulatan ko buhat ng magkamalay ako ay dalawang araw ko na ring hindi nakikita ulit.Tanging si Ate Alma lang ang nakikita at nakakausap ko. Nararamdaman kong mabuting tao ito,pero nararamdaman ko rin na ilag ito sa akin.
"Ate Alma, tawagin niyo na lang po akong Yana. Hindi po ako sanay na may tumatawag sa akinng Ma'am. Parang nakakasosyal po e. Hindi po bagay sa akin e." Nahihiya kong pakiusap dito.
"Pasensiya ka na,sanay kase ako na tawaging Ma'am ang asawa ni Sir. Sigurado ka ba na hindi ikaw ang asawa ni Sir?"
Ngumiti ako dito.
"Nakita ko nga po. Pinakita sa akin ng Mama ng Sir niyo. Pero bukod po sa kamukha ko siya ay wala na po akong ibang alam tungkol sa kanya. Siguro pag nakauwi na ako sa amin ay tatanungin ko sila Lola kung may kambal ba ako."
"Ganun ba? Eh, saan ka naman galing bago ka napadpad dito sa Baguio?" Nagtataka nitong tanong.
"Sa Bicol po. Unang bayan ng Camarines Norte."
"Taga-Bicol ka?" Gulat nitong tanong.
"Opo." Tumango pa ako dito.
"Taga-Bicol rin ako. Kaya lang malayo ang sa amin e. Bandang Albay na kami."
Naging magaan na ang pag-uusap naming dalawa ni Ate Alma nang malaman nito na taga-bicol rin ako. Kaya kahit tapos na ang pagkain ko ay patuloy pa rin akong nakikipag-kwentuhan dito. Hindi tuloy makaalis ito para ihatid ang mga pinag-kainan ko. Masayahin at pala-kwento si Ate Alma kaya naaaliw ako sa kanya. Tila ba nakahanap ako ng kaibigan sa dayuhang lugar sa katauhan nito.
Nalaman ko rin kay Ate Alma kung paano nawala ang asawa ni Mr. De Silva. Kaya pala ganoon na lamang ang galit nito. Baka naman iniwanan siya ng asawa niya dahil sa ugali? Kung ganoon nga hindi na ako magtataka. Pwede naman niya akong kausapin ng maayos.
"Ay naku, maiwan na muna kita at ihahatid ko muna sa kusina itong mga hugasan. Babalik na lang ako mamaya."
Paalam ni Ate Alma sa akin maya maya.
"Sige po."
Nang umalis si Ate Alma ay hindi nito naisara ang pinto. Kaya ilang minuto pa lang ang nakakalipas na umalis si Ate Alma ay naramdaman ko na may sumisilip sa pinto. Nang tingnan ko kung sino ito ay nakita ko na sumisilip yung bata na namulatan ko noon at tinawag akon g mommy. Ngumiti ako dito at sininyasan itong lumapit. Nang lumapit ito ay iniumang ko ang kamay dito.
"Hello, anong name mo baby?" Nakangiti kong tanong.
Malungkot siyang ngumiti at tila medyo nag tubig pa ang gilid ng mga mata nito.
"Hindi ba pag Mommy dapat alam ang name ng baby nila? Kase doon sila galing? Pero bakit ikaw hindi mo alam?"
Nang sabihin niya iyon ay bigla kong naalala ang sinabi ng Mama ni Mr. De Silva.
"A-ano kase baby girl galing ako sa accident kaya may mga bagay na hindi ko maalala sa ngayon." Sagot ko dito.
Sana lang talaga ay maniwala ito. Nanlaki ang mga mata niya.
"Ibig sabihin hindi mo ko na remember Mommy? Pero alam mo sa heart mo na love mo ako? "
Nakaramdam ako ng habag sa bata, dahil katulad niya ay parang nangungulila at uhaw rin ito sa pagmamahal ng isang magulang.
"Opo nafi-feel ko sa heart ko na love kita baby girl."
"Pwede pong pa-hug ako Mommy? Kase miss ko po kayo e. Sabi ni Daddy kaya ka wala dati kase you where lost Mommy. Sana mag google map ka na po lagi para hindi ka na ma-lost Mommy." Magiliw nitong wika.
"Sige gagamit na ng google map si mommy next time, para hindi na ako mawala. Lapit kana sa akin para ma-hug muna ako baby girl." Sagot ko naman dito.
Nakaramdam ako ng habag sa bata. Hindi ko nakagisnan ang sariling Kong ama at namatay naman ang nanay ko noong apat na taong gulang pa lang ako. Kaya alam ko ang nararamdaman nito. Kahit pa sabihin na may ama naman ito na gagabay dito. Iba pa rin kapag parehong kasama ang magulang. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ng bata sa akin. At ang medyo pagka-basa ng damit ko ng bahagya.
"Sorry mommy. Nabasa ko tuloy ang clothes mo dahil nag-cry ako. I'm so happy po kase e. Hindi na ako maiinggit sa mga playmate ko. Dream ko po na ma-hug ang Mommy ko e."
Nasa ganoon kaming posisyon nang madatnan kami ni Mr. De Silva. He has a dark expression again. Pero gwapo pa rin ang lalaki at yun ang hindi ko maitatanggi.
"Sab, go to your room." Lumingon ang anak ni Mr. De Silva sa kanya. "Your Mom and I need to talk."
Kinabahan ako ng sabihin iyon ng lalaki. His commanding voice is making me shiver.
"But Dad I want to spend time with Mom." Naka-nguso nitong wika.
"Later, you can spend time with her. After we talk." Mariin pa nitong wika.
Matatalim ang tingin na ibinibigay nito sa akin. Kung may laser nga lang siguro ang mga mata nito baka nabutas na ng lalaki ang mukha ko.
"Ok." Napipilitan nitong wika. "See you later Mom."
Ngumiti siya dito. "See you."
Nang kaming dalawa na lang ng lalaki ay lumakas Ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko nga ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Sino ba ito para mag bigay ng ganitong epekto sa akin?
______________________________________
💜
To be continued...
BINABASA MO ANG
GUILTY PLEASURE
RomanceNagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng taong hindi niya pa naman nakikilala sa buong buhay niya. At kahit alam niya na isa itong estranghero a...